Pagkatapos ang 3 years of marriage, kinumpirma ng joint statement nina Moira Dela Torre at Jason Marvin Hernandez ang kanilang breakup sa instagram post. Gumawa ng announcement ang singer-songwriter at si Jason Marvin Hernandez sa kanilang hiwalayan noong Martes, Mayo 31 at makikita ang post na ito sa social media account ni Jason.
Batay sa naging post ni Jason, inamin niyang naging “unfaithful” siya kay Moira dela Torre sa kanilang marriage. Sa huling statement ni Jason humihingi siya ng kapatawaran sa mga taong nasaktan niya.
Matatandaan din noong Abril na nagkaroon ng usap-usapan tungkol sa pagsasama ng dalawa dahil napansin ng followers ni Moira dela Torre na tinanggal nito ang lahat ng larawan ng asawa sa kanyang instagram account.
Ngunit, agad din naman namatay ang usaping ito matapos i-tag ni Moira dela Torre ang asawa sa instagram post.
Sa ngayon, marami ang nalungkot sa hiwalayang ito dahil na rin sa panghihinayang sa naging samahan at pagsasama ng dalawa. Ngunit, ano nga ba ang dapat gawin ng tao para maka-move on sa ganitong kalaseng katinding heartbreak at breakup? At bago natin pag-usapan ito, alamin muna natin ang ilan sa pwedeng maging epekto ng breakup sa tao at bakit naghihiwalay ang couples.
Basahin at matuto pa sa artikulong ito.
Epekto ng Breakup o Hiwalayan sa Tao
Ayon sa featured experts na si Ilan Shor Wittstein, M.D sa artikulong “Broken Heart Syndrome”, pwedeng makaranas ng Broken Heart Syndrome ang isang tao dahil sa emotional at physical stress. Sinasabi na pwedeng maging “life threatening” ang syndrome na ito sapagkat pwede itong maging sanhi ng paghina ng heart muscle. Kung iuugnay ito sa breakup maaaring makaranas ang tao ng emosyonal at pisikal na stress dahilan para magkaroon ng syndrome na ito ang isang tao.
Bukod sa mga nabanggit narito pa ang mga sumusunod na epekto na pwedeng maranasan ng tao sa pakikipaghiwalay:
- Pagtaas ng risk na magkaroon ng mental illness
- Lalong paglala ng mental illness, partikular kung mayroon ka ng existing na sakit sa pag-iisip
- Pagkakaroon ng suicidal thoughts o pag-iisip na magpakamatay
- Pagkabalisa
- Depresyon
- Pagka-trigger ng “emotional eating” ng tao
- Pagsakit ng ulo
- Chest pain
- Pagkapagod o tiredness
Hindi madali ang pagharap sa breakup at natural lamang na dumaan ang tao sa maraming masasakit na emosyon. Totoong masarap magmahal at nakapagtri-trigger ito sa paglalabas ng “feel good” chemical sa utak ng tao. Subalit, masakit din mabigo ng dahil sa pag-ibig dahilan para magpadala ang emotional stress ng stress hormone at maging sanhi para maramdaman mo na para bang inaatake ka sa puso.
Tandaan na hindi mo kailangang mag-isa na harapin ang breakup at maaari kang makipag-usap sa mapagkakatiwalaan na pamilya at kaibigan. Pwede ka ring makipag-usap sa mga eksperto at doktor para matulungan ka lalo na kung kailangan mo nang tumanggap ng medikal na atensyon, payo at diagnosis.
Bakit naghihiwalay ang couples?
Maraming dahilan kung bakit nauuwi sa hiwalayan ang magkarelasyon at narito ang mga sumusunod na maaaring sanhi ng paghihiwalay ng couples ayon na rin sa artikulong pinamagatang “Why Couples Break Up”:
- Hindi nila natutunan na i-handle ang kanilang pagkakaiba
- Kawalan ng atensyon sa relasyon gaya ng lack of touch at sex
- Kakulangan ng oras na impluwensyahan ang kapareha
- Pagkakaroon ng childhood history ng trauma
- Mayroong kasaysayan ng alcohol abuse at iba pang drugs
- Mental health disorder at diagnosis
Pwedeng mag-lead din sa hiwalayan ang mag-partner kung nagkaroon sila ng magkaibang priority at goal sa buhay. Ngunit, bago humantong sa hiwalayan, maganda kung matutunan ng magkapareha na pag-usapan ang problema at mainam kung magkakaroon ng kooperasyon sa bawat panig. Subalit, kung hindi pa rin ito naging epektibo — o nakakasama na sa inyong kalusugan at hadlang na sa’yong pamumuhay. Magandang pag-isipang mabuti ang pwedeng gawin para mabigyan ng kapayapaan ang sarili at personal na kagalingan.
Bukod sa mga nabanggit na dahilan ng hiwalayan. Narito pa ang ilan sa mga kinokonsidera ng mag-couples para makipaghiwalay:
- Hindi magandang pag-uugali
- Panloloko
- Maling pag-direct ng galit
- Kawalan ng pagsuporta o pagiging unsupportive
- Pagkakaroon ng toxic people sa relasyon
- Pagsisinungaling
- Pagnanakaw
- Pagsuko
- Kawalan ng komunikasyon
Mga Tip Para Maka-Move on sa Breakup
Proseso ang pagtanggap at pagmo-move on sa isang breakup o hiwalayan at hindi ito madaling harapin, pero kaya itong gawin lalo na kung tutulungan ng indibidwal ang kanyang sarili.
Narito ang ilang tips kung paano maka-move on sa iyong ex batay na rin sa artikulong isinulat ni Jennice Vilhauer, Ph.D — direktor ng Emory University’s Adult Outpatient Psychotherapy Program in the Department of Psychiatry and Behavioral Science in the School of Medicine.
Pagputol ng koneksyon
Pwedeng makatulong ito para makalimutan o move on sa mga alaala nabuo na kasama ang kapareha. Subalit maaari pa ring maging kaibigan ang ex lalo na kung talagang naghilom na ang mga sugat sa kanilang relasyon at kapwa natanggap na ang naganap sa kanila.
I-let go na ang pantasya
Masakit ang umasa lalo na kung wala naman nang dapat asahan sa natapos na relasyon. Maganda kung iiwasan na ang expectation at fantasy na maaayos pa ang lahat, kahit imposible na. Hindi ito madaling gawin pero mainam kung sisikapin na unting-unti gawin ang pagtanggap.
Gumawa ng kapayapaan
Natural lamang sa isang tao na makaramdam ng galit lalo na kung naging unhealthy ang relasyon at malaki ang pagkakasala ng karelasyon. Hindi madali ang pagpapatawad pero ang pagkatuto sa pagpapatawad at paggawa ng kapayapaan sa sarili ay makakatulong para makita ang iba pang mga perspektibo sa buhay. Makakatulong din ito para sa pagpapagaan ng personal na kagalingan at maging malaya sa sakit ng breakup.
Pag-alam na ayos lang na mahalin pa rin sila
May mga pagkakataon na kinakailangan na maghiwalay ng magkapareha para sa kanilang ikakabuti. Kaugnay nito makikita na maraming form ng pagmamahal at pwede nating hayaan na mag-evolve ang romantic love sa different types at pahalagahan ang naging espasyo ng dating karelasyon sa ating buhay dahil makakatulong ito sa’yong healing process.
Mas mahalin pa ang sarili
Sinasabi na ang isa sa pinakamahirap na paraan ng pagmo-move on ay ang pagbuo ng pagmamahal sa sarili dahil ang kalaban mo mismo dito ay ang isang sarili at pag-iisip. Pwedeng nagkakaroon ka ng negative self-doubt at criticism dahil sa inyong hiwalayan. Ngunit, dapat mong tandaan na makakatulong sa proseso ng pagmo-move mo kung matutunan na mahalin ang sarili at pahalagahan.
Key Takeaways
Ang pakikipaghiwalay sa kapareha ay pwedeng maging mahirap at maraming dahilan ang pwedeng ikonsidera kung bakit kinakailangan ng 2 tao na maghiwalay. Mahalaga na maging malinaw para sa lahat kung bakit kailangang lumaya sa isang relasyon dahil makakatulong ito healing process. Subalit, humingi ng medikal na payo at diagnosis sa mga eksperto kung nakakasagabal na sa kalusugan at pamumuhay ang mga negatibong epekto ng pakikipaghiwalay.
Larawan mula sa Instagram