Paano makakaiwas sa overspending kung lahat ng tao ay kailangan mamili ng mga kakailanganin. Sa panahon ngayon, mas madaling makapamili ng kahit anong bagay dahil sa online shopping. Ipinahihiwatig ng 2016 meta-analysis na 4.9% ng mga Amerikano ay gumon sa pamimili. Mas mataas pa ang pagkagumon sa mga estudyante sa unibersidad na umabot ng 8.3% at sa mga mamimili na 16.2%.
May emosyonal na elemento ang mga pag-uugali at pagdedesisyon na kaugnay ang pera. Isa sa karaniwang hamon sa pinansyal na aspeto ay ang overspending. Ang sobrang gastos ay palaging may negatibong epekto sa iyong badyet. Dapat limitahan ang gastos at utang na higit sa iyong makakaya.
Ano ang compulsive buying at overspending
May mga paraan kung paano makakaiwas sa overspending. Ngunit mahirap itong gawin kapag ito ay tugon sa isang emosyonal na problema. Maaari kang naulila o nakakaranas ng pagkabalisa, galit, depresyon o iba pang emosyonal na isyu. Ang mga damdaming iyon ay maaaring mag-trigger ng paggastos, kasama ang takot, pagkakasala, kahihiyan, pagdududa o damdamin ng kakulangan.
Pagkakaroon ng paulit-ulit na pabigla at labis na pagbili na humahantong sa pagkabalisa ang compulsive buying. Ang mga pasyente na may ganitong karamdaman ay dumaranas din ng mood disorder sa halos kalahati ng mga kaso na pinag-aralan.
Sakit ba ito? Paano makakaiwas sa overspending
Ang mga kaso ng compulsive buying behavior lalo na sa mga estudyante ay tumaas sa buong mundo sa loob ng dalawang huling dekada. Mas kilala ito bilang shopping addiction o compulsive buying disorder. Isa itong mental health condition na inilalarawan ng patuloy, labis at hindi nakokontrol na pagbili ng mga produkto. Ang mga ordinaryong mamimili ay nagsasabi na halaga ang kanilang pangunahing motibo sa pamimili. Subalit, ang mga compulsive buyers ay bumibili upang:
- Mapabuti ang kanyang kalooban
- Makayanan ang stress
- Makakuha ng pagkilala sa lipunan
- Pagbutihin ang kanilang self-image
Ang mga taong may ganitong kondisyon ay kadalasang nakakatugon sa mga pamantayan para sa iba pang mga sakit sa isip, tulad ng:
- Mood disorders
- Anxiety disorder
- Substance use disorder
- Eating disorder
- ADHD
- Borderline personality disorder
Paano makakaiwas sa overspending kung ang sobrang paggastos ay maaring sintomas ng borderline personality disorder? Maaaring mangyari ang mga paggastos sa panahon ng manic episodes. Gayunpaman, iba ito sa compulsive buying disorder at ang mga paggastos sa pangkalahatan ay humihinto kapag natapos na ang isang manic episode.
Tips kung paano makakaiwas sa overspending
- Iwanan ang iyong mga credit at debit card sa bahay kapag lumabas ka. Dalhin amang ang halaga na kailangan mo para sa araw na iyon. Huwag gamitin ang iyong mga credit card.
- Itigil ang paggamit ng credit at debit card para sa mga maliliit na pang-araw-araw na pagbili tulad ng kape o merienda.
- Gumawa ng listahan ng “needs versus wants” dahil may pagkakaiba ito. Ang “needs” o pangangailangan ay isang bagay na hindi ka mabubuhay kung wala tulad ng pagkain, damit, tirahan. Isang bagay na ninanais mo ngunit hindi kinakailangan para mabuhay ang “wants” o bagay na gusto mo o isang luho. Halimbawa nito ay designer clothes, bahay bakasyunan o mamahaling sasakyan.
- Iwasan ang pamimili ng mga bagay na hindi mo naman kailangan dahil lang ito ay “sale”. Mababa man ang presyo nito ay wala pa ring kabuluhan ang pagbili nito kung hindi mo ito kailangan. Karamihan ng tao ay napapagasto ng sobra dahil sa mga “sale”.
Malaki ang epekto sa pinansyal na aspeto ng iyong buhay ang overspending kaya dapat mapigilan ito habang maaga. Maaari kang malunod sa utang na di mo na kayang mabayaran kapag nagpatuloy ang walang katapusang pamimili.