backup og meta

Anu-ano ang maaaring maging epekto ng stress sa kalusugan?

Anu-ano ang maaaring maging epekto ng stress sa kalusugan?

Ano Ang Stress?

Ang stress ay kung paano ang katawan mo sumasagot sa mga pagbabagong nangyayari mentally, physically at emotionally. Araw-araw tayo nakakaranas ng stress, at ito ay normal na bahagi ng buhay. At pagdating sa kung ano ang epekto ng stress sa kalusugan at kagalingan, pwedeng makaapekto sa atin ang iba’t ibang level nito.

Ang maliliit na mga bagay tulad ng nakalimutang i-charge ang phone mo o hindi maalala ang password sa email ay pwedeng magdulot ng minor stress. Sa kabilang banda, ang mga mas seryosong bagay tulad ng pagkakatanggal sa trabaho o pagkawala ng mahal sa buhay ay maaaring magdulot ng malaking stress.

Maaari ring maipon ang stress paglipas ng panahon. Ang patuloy na mga minor stress ay pwedeng mauwi sa malaking stress. Maaaring okay sa iyo na makaranas ng matinding traffic minsan sa isang linggo, pero kung araw-araw itong nangyayari, pwede itong maging matinding stress.

Karaniwan Ba Ang Stress?

Sa buong mundo, maraming tao ang apektado ng stress. Sa katunayan, idineklara ng World Health Organization (WHO) ang stress bilang isang epidemya sa kalusugan. Ganito kalaganap ang stress.  Ipinapakita lamang nito kung gaano kalaki ang epekto ng stress sa mga tao.

Maaaring naranasan mo na rin ito, dahil ang stress natin araw-araw ay palala nang palala. Ang mga health emergency tulad ng COVID-19 ay dagdag din sa stress ng mga tao sa buong mundo. At nakakaapekto ito sa kalusugan. Ano ang epekto ng stress sa kalusugan?

Paano Nakakaapekto ang Stress sa Kalusugan at Kagalingan  

Sa punto kung paano ang epekto ng stress sa kalusugan at kagalingan, ang epekto nito ay maaaring napakahalaga. Maaring magdulot ito ng problema sa kalusugan, o mag-trigger ng mga pag-uugali na pwedeng maglagay sa kalusugan ng isang tao sa panganib.

Narito ang ilan sa mga posibleng epekto ng sobrang stress sa isang tao:

  • Pagkahilo, o pakiramdam na disoriented
  • Mga kirot at pananakit sa katawan
  • Sakit ng ulo
  • Indigestion o mga problema sa tiyan
  • Walang gana kumain
  • Sakit sa dibdib
  • Anxiety
  • Depresyon
  • Pagiging mayamutin
  • Kakulangan ng pokus at motivation
  • Hindi mapakali
  • High blood pressure
  • Sakit sa puso
  • Obesity

Ang mga unang epekto ng stress sa kalusugan ay hindi laging nakikita. Pero pagtagal, ang mga epekto nito ay maaaring magsimulang makita at magdulot ng mga problema mentally at physically. At kung minsan ay maaaring makasira sa mga relasyon. 

Ano Ang Mga Sintomas ng Stress?

Narito ang ilan sa mga sintomas ng stress na dapat mong bantayan:

  • Sakit ng ulo
  • Anxiety
  • Pakiramdam na mabilis ang tibok ng puso
  • Pakiramdam na pagod 
  • Biglaang pagtaas ng timbang o pagbaba ng timbang
  • Mga problemang sekswal
  • Mga kirot at sakit
  • Pakiramdam na tense
  • Hirap matulog
  • Pananakit sa leeg
  • nag i-iba iba ang mood o pakiramdam

Kung napansin mo na nakakaranas ka ng mga ganitong sintomas, maaaring ikaw ay sobrang stress.

Mga Sanhi

Maaaring sanhi ng maraming bagay ang stress, na pwedeng tawaging mga stressor.

Ang mga stressor ay hindi palaging mga negatibong bagay. Dahil kahit mga positibong bagay tulad ng promotion, graduation, o pagkakaroon ng anak ay maaaring maging stressor.

Ito ay maaari ding mag-iba sa bawat tao. Maaaring ang isang stressful na pangyayari ay normal lang sa isang tao. O kung minsan ay nakaka-enjoy para sa iba. 

May role din ang personality mo pagdating sa kung ano ang nakaka-stress sa iyo o hindi.

Sa pangkalahatan, narito ang mga bagay na pwedeng magdulot ng stress:

  • Malaking pagbabago sa buhay, tulad ng paglipat ng bahay o pagpapakasal
  • Hirap sa trabaho o eskwela
  • Mga problema sa relasyon
  • Mga problema sa pananalapi
  • Struggles sa bahay
  • Napakaraming bagay na ginagawa nang sabay-sabay
  • Kamatayan ng isang mahal sa buhay
  • Nawalan ng trabaho

Mayroon ding ilang personality traits na maaaring magdulot ng stress, tulad ng:

  • Mababang pagpapahalaga sa sarili
  • Pagiging pessimistic
  • Hindi matanggap ang pagbabago
  • Ang pagiging inflexible o masyadong matigas
  • Perfectionism, o pagkakaroon ng hindi makatotohanang expectations

Anumang kombinasyon ng mga nabanggit ay maaaring mag-trigger ng nakaka-stress na episode. 

Diagnosis

Ang pagkakaroon ng stress ay hindi isang medical diagnosis. Kaya hindi matutukoy ng mga doktor kung may stress ka o wala. Gayunpaman, ang ilang mga problema sa kalusugan, tulad ng sakit sa puso, hypertension at diabetes ay maaari ding sanhi ng stress.

Ang mga sintomas ng atake sa puso ay maaaring mapagkamalan bilang mga sintomas ng stress. Kaya palaging pinakamabuti na kumunsulta sa iyong doktor tuwing may nararamdamang kakaiba.

Kung nararamdaman mo ang alinman sa mga sintomas ng stress o sa tingin mo ay kailangan mo ng tulong sa pamamahala ng stress, huwag mag-atubiling humingi ng tulong.

Kailan Ako Dapat Magpatingin sa Doktor?

Karaniwan, ang stress ay kayang i-handle ng walang tulong ng doktor. Hindi laging kailangan ng treatment para sa stress. Pero may ilang mga kaso kung saan maaaring kailanganin ito.

Kung sa tingin mo ay hindi mo kayang harapin ang stress, o kung gumagawa ka na ng mga hakbang para pamahalaan ito pero may mga sintomas pa rin, magandang ideya na makipag-usap sa isang therapist o tagapayo tungkol dito.

Pinakamabuti na matulungan ka nila at malaman kung ano ang maaari mong gawin para makayanan ang stress.

Treatment

Dahil ang stress ay hindi isang medical diagnosis, wala talagang paraan upang “gamutin” ang stress. Gayunpaman, may ilang mga bagay na maaari mong gawin upang makatulong na makayanan at pamahalaan ang stress.

Ano ang Maaari Mong Gawin Upang Harapin ang Stress?

Narito ang ilan sa mga bagay na maaari mong gawin:

  • Alamin ang mga bagay na nagdudulot ng stress sa iyo. Makakatulong ito na mapag-isipan mo kung paano haharapin ng diretso ang problema. O iwasan ang anumang pwedeng mag-trigger ng stress mo.
  • Magandang paraan ang meditation upang makatulong ma-manage ang stress. Maaaring makatulong ang meditation na mapababa ang blood pressure mo, mapanatili kang kalmado, relaxed, at mapababa ang stress hormones.
  • Ang pakikipag-usap sa isang counselor o therapist ay maaaring makatulong na pamahalaan ang stress mo.Lalo na kung pakiramdam mo ay hindi mo ito makakaya nang mag-isa.
  • Magbakasyon o mag-day-off. Makakatulong ito na mag-relax at de-stress.

Pag-iwas

Ilang mga paraan para maiwasan mo ang stress:

  • Iwasan ang anumang maaaring mag-trigger ng stress mo.
  • Huwag mag-overwork dahil ang sobrang pagtatrabaho ay maaaring magdulot ng stress.
  • Maglaan ng oras para sa pamilya at pahalagahan ang maliliit na bagay sa buhay.
  • Gumawa ng hobby para maka-relax at mag-enjoy.
  • Ang ehersisyo ay isa ring magandang paraan. Ito ay hindi lamang para mapababa ang stress levels mo, pero para mapabuti din ang iyong kalusugan.
  • Subukang iwasan ang pagiging masyadong kritikal sa iyong sarili. Ang mga negatibong kaisipan ay maaaring magdulot ng maraming stress.
  • Ang pagkain ng healthy diet ay hindi lamang nagpapagaan sa iyong pakiramdam, nakakatulong din ito sa iyong katawan na mas mahusay na makayanan ang stress.
Isang bagay na nararanasan ng marami sa atin ang stress. Ang pakiramdam ng stress o pagod ay normal, at nangyayari paminsan-minsan.
Gayunpaman, ang patuloy na laging stress ay hindi okay, at maaaring may negatibong epekto ng stress sa kalusugan mo.
Ang pag-alam kung paano nakakaapekto ang stress sa kalusugan at kagalingan, at kung anong mga dapat gawin upang pamahalaan at maiwasan ang stress ay makakatulong na para sa isang stress-free na buhay.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Stress – Harvard Health, https://www.health.harvard.edu/topics/stress, Accessed June 16 2020

Protect your brain from stress – Harvard Health, https://www.health.harvard.edu/mind-and-mood/protect-your-brain-from-stress, Accessed June 16 2020

Best ways to manage stress – Harvard Health, https://www.health.harvard.edu/mind-and-mood/best-ways-to-manage-stress, Accessed June 16 2020

Stress Symptoms, Signs, and Causes – HelpGuide.org, https://www.helpguide.org/articles/stress/stress-symptoms-signs-and-causes.htm, Accessed June 16 2020

Stress: Signs, Symptoms, Management & Prevention, https://my.clevelandclinic.org/health/articles/11874-stress, Accessed June 16 2020

NIMH » 5 Things You Should Know About Stress, https://www.nimh.nih.gov/health/publications/stress/index.shtml, Accessed June 16 2020

Stress symptoms: Effects on your body and behavior – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/stress-management/in-depth/stress-symptoms/art-20050987, Accessed June 16 2020

Stress: The Health Epidemic of the 21st Century | SciTech Connect, http://scitechconnect.elsevier.com/stress-health-epidemic-21st-century/, Accessed June 16 2020

Kasalukuyang Version

06/21/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Senyales ng Emotional Labor sa Trabaho, Ano-ano ang mga Ito?

Paano Mabuhay Nang Tama: Hindi Kailangang Laging Masaya


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement