backup og meta

Ano Ang Toxic Positivity At Bakit Ito Hindi Mabuti?

Ano Ang Toxic Positivity At Bakit Ito Hindi Mabuti?

Binatikos ang social media influencer at YouTuber na si Donnalyn Bartolome noong 2022 dahil sa paggamit niya ng “Kanto-theme” sa kanyang birthday party celebration, at baby-themed photoshoot. Ito rin ang mga naging dahilan ng pagiging mas matunog ng kanyang pangalan sa mundo ng social media. Habang ngayong 2023, naging viral muli ang dalaga dahil sa post niya sa kanyang Facebook page tungkol sa pagiging “grateful”.

“Bakit may sad dahil back to work na? Diba dapat masaya ka kasi may chance ka na pagandahin buhay mo at ng pamilya? Trip ko pa nga may work ng January 1 dahil superstition ko may work ako buong taon pag ganun. Dapat grateful kasi may work. If work makes you unhappy. I hope you find a job that will. Yung pakikiligin ka and sheet. Anyway, this is just a reminder that having a job is a blessing bessss change mindset, it’s 2023!!!” – mula sa Facebook post ni Donnalyn.

Photo from Facebook

Ang post na ito ay nakatanggap ng samu’t saring reaksyon sa netizens at marami ang nagsasabi na halimbawa ito ng toxic positivity, at nagsasalita siya mula sa isang pribilehiyong buhay.

Ilan sa nagbigay ng pahayag tungkol sa post ni Donnalyn ay si Luke Espiritu na tumakbo bilang senador noong 2022 sa ilalim ng Partido Lakas ng Masa.

“For unionists, labor organizers and those struggling with work, [‘just be grateful’ is] what the capitalists usually reply when workers air their issues with their jobs,” pahayag ni Espiritu.

Muling nag-Facebook si Donnalyn noong ika-5 ng Enero para mag-post ng mahabang pahayag bilang tugon sa mga batikos na natanggap niya sa kanyang nakaraang post.

Photo from facebook

Nagpasalamat ang vlogger sa mga hindi tiningnan na negatibo ang kanyang post at kline-claim niya na hindi siya nagsasalita mula sa isang lugar ng pribilehiyo ngunit mula sa karanasan.

Binanggit din ni Donnalyn sa kanyang post ang kanyang sariling pakikibaka para makahanap ng trabaho, pagbabayad ng mga bayarin, at pasakit ng pag-commute.

Gayunpaman, sa kabila ng pagpapaliwanag ni Donnalyn hindi pa rin siya sinasang-ayunan ng maraming netizen at tinitingnan ang kanyang post bilang toxic positivity. Ngunit ano nga ba ang toxic positivity? Para mas maunawaan ito, patuloy na basahin ang artikulong ito.

Ano Ang Toxic Positivity?

Ayon kay Babita Spinelli, L.P., J.D isang licensed psychotherapist ang toxic positivity ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng positibong pananaw hanggang sa puntong itinatanggi o deny ng isang tao ang kanilang sariling mga damdamin o ang nararamdaman ng iba.

“It’s a belief that no matter how painful a situation is or how difficult, an individual should maintain positivity and change their outlook to be happy or grateful,” Dr. Spinelli.

Idinagdag pa ni Spinelli na ang toxic positivity ay maaaring mag-invalidate ng karanasan at damdamin ng tao. Ito rin ang dahilan kung bakit sinasabi na tulad ng gaslighting ang toxic positivity.

Batay na rin sa iba pang mga artikulo at pag-aaral, ang toxic positivity ay maaaring patuloy na mangyayari kung palagi mong binabalewala ang mga negatibong emosyon at magpapanggap na ayos lang ang lahat. Nagiging temporary bandage ito na nagko-cover, ngunit hindi nagpapagaling ng iyong emotional wounds. At ang pag-dismiss ng tunay na damdamin ay maaaring magdulot ng higit na pinsala kaysa mabuti sa’yong mental health.

2 Halimbawa Ng Toxic Positivity

  1. Positive vibes only

Pwedeng gamitin ng tao ang toxic positivity sa pamamagitan ng paghiling sa iyo na isuko lahat ang iyong negative thoughts at maging positibo na lamang para sa kanilang kapakinabangan. Tandaan mo na ang iyong positibo at negatibong mga damdamin ay pantay na mahalaga. Tinutulungan ka ng iyong mga emosyon na maunawaan ang iyong mga pangangailangan, kaligtasan at mga hangarin sa buhay kaya mahalagang maramdaman mo ito.

  1. Happiness is a choice

Maaari mong i-manage ang ilan sa mga aspeto ng iyong kaligayahan, pero hindi pare-parehas ang nararanasang emosyon ng bawat tao. Kaya ang pagsasabi kung minsan na ang “happiness is a choice” ay maaaring hindi maging halimbawa o bahagi ng toxic positivity kung ang isang tao ay nakakaranas ng depresyon o nagtataglay ng anumang mental illness. Kahit gustuhin nilang piliin ang pagiging masaya ay mahirap ito para sa kanila dahil sa kanilang kondisyon.

Payo ng mga Doktor at Eksperto

Mahalagang balansehin ang pagiging positibo at pagiging tapat sa iyong sarili. Ang pagiging mapagpasalamat, pagkakaroon ng kalungkutan, at paghahanap ng pag-asa nang hindi minamadali ang pagpapagaling na kailangan kapag tayo ay nasasaktan. Ang kakayahang manatiling positibo sa mga oras ng problema ay mahusay at maaaring makatulong sa katatagan. Ngunit kailanganin din natin kilalanin ang ating mga negatibong emosyon para maproseso ang ating pinagdaraanan na makakatulong din sa paglikha natin ng kalakasan.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What You Need To Know About Toxic Positivity, https://rightasrain.uwmedicine.org/mind/well-being/toxic-positivity Accessed January 10, 2023

Toxic positivity: When “good vibes” hurt mental health, https://www.allinahealth.org/healthysetgo/thrive/toxic-positivity-when-good-vibes-hurt-mental-health Accessed January 10, 2023

Toxic Positivity, https://adaa.org/learn-from-us/from-the-experts/blog-posts/consumer/toxic-positivity Accessed January 10, 2023

Toxic Positivity and Psychology Behind It Today, https://www.volunteerfdip.org/everything-you-need-to-know-about-toxic-positivity Accessed January 10, 2023

What is toxic positivity, https://www.uow.edu.au/the-stand/2021/what-is-toxic-positivity-.php Accessed January 10, 2023

 

Kasalukuyang Version

01/12/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Iwas-Budol Tips Na Maaari Mong Gawin Para Makaiwas Sa Scammers!

Paano Mabuhay Nang Tama: Hindi Kailangang Laging Masaya



Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement