Madalas binibigyan ng label na “sinungaling” ang isang tao kapag alam natin na hindi sila nagsasabi ng totoo lalo’t kung mayroon tayong ideya sa kung ano ba talaga ang naganap sa isang partikular na senaryo. Isa ito sa mga tipikal na sitwasyon na pwedeng sabihin ng isang indibidwal na nagsisinungaling ang kanyang kausap. Ngunit, paano na lamang kung ito ay bunga lamang ng false memory? Kung bakit pinipilit nila na totoo ang mga pangyayaring hindi naman talaga naganap. Maraming tao ang hindi pamilyar tungkol sa kung ano ang false memory. Maganda na maging pamilyar sa bagay na ito.
Sapagkat, ayon na rin sa nailathala na pag-aaral sa National Library of Medicine — na pinamagatang “What Drives False Memories in Psychopathology? A Case for Associative Activation. Ang mga taong may history ng trauma, depression at stress ang nagkakaroon ng false memories. Kung saan, ito ang nagiging tugon ng utak at katawan sa traumatic at stressful events sa buhay.
Matuto pa sa artikulong ito tungkol sa false memory.
Ano ang false memory?
Tumutukoy ang false memory sa fabricated o distorted recollection ng mga pangyayari. Kung saan ito ang mga memoryang “imaginary” at “false” o mali. Ngunit, sa iyong isipan malinaw ito at halos totoo. Sa ibang mga kaso, ang false memories ay nagtataglay ng “elements of fact” na distorted ng mga “interfering information” — o iba pang memory distortions.
Ayon din sa artikulong nailathala sa Scholarpedia na pinamagatang “False Memory”. Ito rin ay tumutukoy sa pagkakaroon ng alaala ng tao sa isang pangyayari na iba sa totoong naganap. Batay naman sa iba pang artikulo, nagbigay ng halimbawa ng false memory si Ayesh Perera. Narito ang mga sumusunod:
- Pag-aakalang na-lock ang sariling kotse bago umalis ng parking lot.
- Paniniwala na tumawag ang iyong kaibigan noong umaga. Ngunit ang totoo hindi naman ito nangyari.
- Pag-recall na nakapagpasa ka ng assignment sa inyong klase. Subalit hindi ka naman talaga nakapag-submit.
Kaugnay ng mga nabanggit, ang false memory ay hindi buong “imaginary fabrication” o distorted recollection ng mga naganap. Bukod dito, ang false memory ay naiiba sa mga simpleng pagkakamali sa paggunita.
Bakit nagkakaroon ng false memory?
Ang mga pangyayari (events) ay inililipat mula sa brain’s temporary memory patungo sa permanent storage. Habang ang isang tao ay natutulog. Gayunpaman, ang transition ay hindi ganap. Pwedeng mawala ang “elements of the memory”. Kung saan, dito maaaring magsimula ang false memories. Maraming factors ang nakakaimpluwensya para magkaroon ang tao nito. Maaaring dahil din ito sa misinformation, at maling pagkakabahagi ng original source ng impormasyon. Maging ang existing knowledge at iba pang mga alaala ay pwedeng makagambala sa paglikha ng bagong memory. Kung saan, ito ang nagiging dahilan ng pag-alaala ng isang pangyayaring mali o ganap na mali.
Narito pa ang mga sanhi at paliwanag kung bakit nangyayari ang false memory:
Emotions o Damdamin
Ayon sa pananaliksik na pinamagatang “Creating emotional false recollections: Perceptual recombination and conceptual fluency mechanisms”, malaki ang impact ng iyong naging emosyon sa isang kaganapan. Partikular na sa kung paano maiimbak ang isang memorya. Ang mga negatibong emosyon ay pwedeng humantong sa mas maraming false memories.
Misinformation
Maaari kang mabigyan ng maling mga impormasyon tungkol sa isang pangayayari — at makumbinsi. Kaugnay nito, pwede kang makabuo ng bagong memorya at mapaghalo ang totoong memorya kasama ng artificial ones.
Suggestion
Ayon kay Elizabeth Loftus, posible na magkaroon ang isang tao ng false memories sa pamamagitan ng suggestion. Ipinakita ng kanyang research na pwede itong maging mas malakas at malinaw habang tumatagal.
Halimbawa: Tinanong ka kung kulay puti ba ang dress ng batang babaeng nasagasaan. Ito ay sinang-ayunan mo, ngunit binawi mo rin at sinabi mong kulay dilaw ito. Subalit, ang totoo — hindi naka-dress ang batang nadisgrasya. Pero dahil nga nagkaroon ng suggestion ng kasuotan ng bata. Ito ang naplanta sa kaisipan at naging false memory.
Misattribution
Kapag inaalala ang isang bagay, kadalasan na nire-recall ang mga pangyayaring naganap. Kung saan nagdudulot ito ng kalituhan na pwedeng mauwi sa false memories.
Ano ang false memory: Sino ang mga nasa risk na magkaroon nito?
Bagama’t nangyayari ang false memory. Hindi ito nagaganap sa lahat ng edad. Ngunit pwede itong maranasan ng kahit sino. Narito ang mga tao o grupo nasa risk na magkaroon ng false memories:
- Eye witnessing. Mahalaga ang testimony ng lahat ng mga nakakita ng aksidente o krimen. Kaugnay nito, pwedeng gawin ng experts at law enforcements officials ang suggestion sa paglilitis ng kaso. Anuman ang gaps sa pangyayari ay maaaring i-fill ng iyong memorya at maging false memories.
- Pagtanda. Habang tumatanda ang tao pwede na magkaroon ng memory lost ang isang indibidwal. Kung saan, kapag may mga bagay ka na gustong alalahanin. May mga pagkakataon na para mapunan ng sagot ang mga bagay na inaalala. Nakakalikha ang utak ng false memories.
- Mga indibidwal na may Obsessive-compulsive disorder (OCD). Ang mga taong nagtataglay nito ay kadalasang nakakalikha ng false memories. Sapagkat ang mga taong may OCD ay may memory deficit o poor memory confidence. Ito ang nagiging dahilan kung bakit wala silang confidence na i-own ang sariling memorya.
- Taong may trauma, depression at stress. Dahil nakakaranas sila ng mga negatibong pangyayari sa buhay. Pwedeng ito maging dahilan ng pagkakaroon nila ng false memories bilang kanilang tugon sa karanasan.
Ano ang false memory: Mga dapat gawin
Ang treatment lamang para sa false memories ay ang pagpapakita ng mga ebidensya na nagpapatunay na mali ang iyong memorya. Bagama’t, ang false memories ay parang totoo at emosyonal. Hindi pa rin ito nangangahulugan ng katotohanan.
May kaugnayan ba ang false memory sa Alzheimer’s disease?
Hindi ibig sabihin na nakakaranas ka ng false memories ay nakakabuo ng memory disorder. Tulad ng dementia o Alzheimer’s disease.
Key Takeaways
Maraming pwedeng maging dahilan ang false memories. Kung saan maaaring bunga ito ng iba’t ibang karanasan ng tao at mga impormasyon nasa paligid. Hindi dapat husgahan ang mga taong nakakaranas ng false memories na gusto lamang nila magsinungaling. Dahil maaaring iyon ang katotohanang nalikha ng kanilang isipan. Bilang tugon sa kanilang mga karanasan. Subalit, pwede silang tulungan sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga ebidensya na taliwas sa paniniwalang alam nila. Magpakonsulta din sa doktor o eksperto para sa medikal na payo at diagnosis.