backup og meta

Senyales ng Drug Addiction: Ano-ano ang Dapat Mong Pansinin?

Senyales ng Drug Addiction: Ano-ano ang Dapat Mong Pansinin?

Ang pagkalulong sa droga ay isang kumplikado ngunit medyo karaniwang kondisyon na nakaaapekto sa maraming Pilipino. Sa kabila ng mga malaking pagtulak patungo sa kamalayan sa mental health at addiction, marami pa ring mga stigma. Ang ilang mga pag-uugali ay maaaring mga senyales ng addiction o ibang sakit na magkakasama. Upang mas mahusay na matukoy ang mga posibleng senyales ng drug addiction, mahalagang iwasan ang mga personal biases sa ibang tao.

Mga Senyales ng Drug Addiction

#1: Mood swings

Una, mahalagang maunawaan na normal na magbago ang mood ng isang tao sa buong araw. Ito ay totoo lalo na kung may nangyaring hindi inaasahang bagay. Gayunpaman, ang mood swings ay kadalasang napakabigla at matindi. Sa ilang mga kaso, ang mood ay maaaring maging labis o hindi nararapat.

#2: Inconsistency

Ang isa pang senyales ng drug addiction sa isang tao ay ang kanyang inconsistency. Maaaring makaapekto ang addiction at dependence sa kanya na maaaring umabot sa pag-prioritize niya sa pag-satisfy ng kanyang cravings kaysa sa iba pang mga obligasyon. Ang mga indikisayon ng inconsistency ay maaaring pagsira sa mga pangako, pagliban sa mga appointment, pag-alis sa mga pagpupulong, o kung hindi man ay hindi mahula-hulaan na mga mood at pagkilos. Maaaring gamitin ang fibbing o pagsisinungaling sa mga sitwasyong ito bilang isang paraan upang makawala sa mga obligasyon.

#3: Financial problems

Ang substance abuse at addiction ay nakakapipinsala maging sa pananalapi ng isang tao. Una, ang mga drugs ay mahal. Gayunpaman, ang napakaraming paggamit na kinakailangan upang matugunan ang addiction ay ang talagang masakit at mabigat sa bangko. Sa kabila ng pinansiyal na pasanin na ito, maraming tao na nasa mababang socioeconomic bracket ang may mga problema sa addiction. Kahit na ang indibidwal ay may kayamanan, maaari pa rin niyang maubos ang kanyang financial resources dahil dito. Ang mga taong may problema sa addiction ay maaaring magbenta ng kani-kanilang mga ari-arian, humingi ng pera, o mas malala pa, ay humantong sa pagnanakaw.

#4: Physical markings

Hindi tulad ng ibang mga senyales ng drug addiction, mas madaling makita ang mga pisikal na marka. Ang mga injectable drug users ay magkakaroon ng mga pasa o discolored na balat sa paligid ng panloob na siko o iba pang mga lugar kung saan idinidikit nila ang mga karayom. Para sa mga nilalanghap o “sinisinghot” na mga droga, madalas na nangyayari ang runny nose o pagdurugo. Ang mga gamot na iniinom gamit ang bibig ay maaaring makapinsala sa oral mucosa at normal flora, na nagpapataas ng panganib ng impeksyon, mga sugat, at pagkabulok ng ngipin.

#5: Ebidensya ng mga droga

Panghuli, ang pagkakita sa mga aktwal na droga o paraphernalia ay isa sa mga pinaka-halatang senyales ng drug addiction. Kadalasan, ang mga gumagamit ng droga ay gagawin ang lahat upang maitago ang kanilang addiction sa mga taong nakapaligid sa kanila. Gayunpaman, maaari makita ang mga ito sa ilalim ng kama o sa mga drawer ng dresser. Sa ibang pagkakataon, ang mga droga ay maaaring itago sa simpleng paningin, tulad ng sa mga libro, walang laman na lata ng soda, o kahit sa mga stuff toy. Maaaring matuklasan ang mga ito nang hindi sinasadya habang nililinis ang silid o muling inaayos ang mga kasangkapan.

Mga Salik na Nakaapekto sa Drug Addiction

Uri ng droga na ginagamit

Ang pagkalulong sa droga ay maaaring depende sa sangkap na ginagamit. Maaaring hindi nakakahumaling sa mataas na dosis ang ilang mga gamot. Samantala, ang iba ay maaaring maging lubhang nakakahumaling sa maliit na halaga o pagkatapos ng unang paggamit. Kabilang sa mga lubhang nakakahumaling na gamot ang nicotine (hal. sigarilyo) at opioid. Ang mga opioid ay ginagamit upang pamahalaan ang sakit at mahigpit na sinusubaybayan dahil sa potensyal nito para sa dependency at pang-aabuso.

senyales ng drug addiction

Family history

Maling ituring ang addiction bilang isang lifestyle choice ng mga taong hindi nakaunawa kung ano talaga ito. Bagama’t maaaring piliin ng mga tao na gumamit ng droga, hindi nila pinipili na maging adik dito. Bilang karagdagan, ang ilang mga salik ng panganib ng addiction hindi nakokontrol basta-basta. Ang addiction, tulad ng iba pang mga mental health problems, ay may mga genetic at environmental factors. Ito ay mas malamang kung nakatira ka kasama ang isang taong gumagamit ng droga o may mga miyembro ng pamilya na may mga adiksyon.

Stress at poor mental health

Panghuli, ang stress at mga mental health problems ay maaaring maging sanhi ng addiction. Sa karamihan ng mga kaso, ang mga tao ay bumabaling sa mga sangkap tulad ng mga droga upang makayanan ang stress. Sa kasamaang palad, maraming mga kaso ng addiction ay sinamahan ng mga preexisting mood disorder tulad ng anxiety, depression, at bipolar disorder. Bagama’t ang mga droga ay maaaring magbigay ng pansamantalang pagtakas mula sa hindi komportable na mga emosyon at pag-iisip, sa kalaunan ay lumalala pa ito.

Key Takeaways

Bilang pagbubuod, mayroong ilang mga senyales ng drug addiction. Maaari itong mabilis na mapansin sa tulong ng mga pisikal na marka, ngunit mahirap naman itong tukuyin sa pamamagitan ng iba pang mga senyales. Kung nakikita mo ang alinman sa mga ito sa iyong mga kaibigan o mahal sa buhay, maaaring oras na para sa isang interbensyon. Makipag-usap sa isang mental health professional o sa addiction help center para sa karagdagang impormasyon at tulong.

Alamin ang iba pa tungkol sa Adiksyon dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Bipolar disorder and addiction https://www.addictioncenter.com/addiction/bipolar-disorder/ Accessed February 20, 2021

Identifying signs of addiction https://psychcentral.com/lib/identifying-signs-of-addiction Accessed February 20, 2021

How to Identify Substance Use Disorder & Addiction https://drugfree.org/article/how-to-identify-substance-use-disorder-addiction/ Accessed February 20, 2021

6 Signs Your Loved One Is Hiding An Addiction https://vertavahealth.com/blog/6-signs-loved-one-hiding-addiction/ Accessed February 20, 2021

Drug addiction (substance use disorder) https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/drug-addiction/symptoms-causes/syc-20365112 Accessed February 20, 2021

Substance Abuse https://www.healthypeople.gov/2020/leading-health-indicators/2020-lhi-topics/Substance-Abuse/determinants Accessed February 20, 2021

Kasalukuyang Version

01/26/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Nangyayari sa Rehab: Heto Ang mga Dapat Mong Asahan

Ano Ang Dapat Gawin Kapag Addict Sa Phone Ang Asawa?


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement