backup og meta

Sakit Ng Labor: Bakit Ito Nangyayari, At Ano Ang Maaaring Gawin Tungkol Dito?

Sakit Ng Labor: Bakit Ito Nangyayari, At Ano Ang Maaaring Gawin Tungkol Dito?

Isa sa pinakamahirap na puwedeng pagdaanan ng isang ina ang natural birth, dahil may kaakibat itong iba’t ibang sakit ng labor. Lumalabas sa statistics na marami sa mga babae ang mas pinipili ang C-section delivery kaysa sa normal delivery dahil sa takot na makaranas ng iba’t ibang klase ng sakit.

Maganda ang maging handa sa mga bagay na ito. Kung malapit ka nang manganak, at nais mo ang normal delivery, narito ang ilan sa mga uri ng sakit ng labor na maaari mong maranasan.

[embed-health-tool-due-date]

Uri Ng Sakit Ng Labor At Panganganak

Kadalasan nangyayari ang sakit ng labor habang nanganganak at sa pagitan ng contractions, sa mga oras na sinusubukang itulak ng iyong uterus ang sanggol palabas. Madalas ding maranasan ang sakit ng labor sa palibot ng bandang baba ng iyong likod (lower back) at sa pelvis area.

Kadalasan napakasakit ng sakit ng labor, at tumitindi sa bawat contraction. Bukod dyan, kapag mas masakit ang back pain/labor pain, mas matagal din ito bago mawala. Ngunit hindi ito dapat maging sanhi ng pag-aalala dahil ito ang talagang dapat mong asahan.

Abdominal Cramps

Isa pa sa sakit ng labor na maaari mong maranasan ay ang abdominal cramps. Magkakaiba ang sakit na nararanasan ng mga babae. May nagsasabing para itong menstrual pains, ngunit may nagsasabing para itong waves at mas masakit kaysa sa regular na cramps.

Transitional Labor Pains

Nagsisimula ang transitional labor kapag nagsisimula na ang iyong katawang buksan ang iyong cervix upang ilabas ang sanggol. May mga taong nagsasabi na ito ang pinakamasakit na bahagi ng pag-le-labor.

May posibilidad na makaranas ka ng pressure sa iyong rectal area dahil sa pagbaba ng sanggol sa iyong pelvic floor. Makararanas ka rin ng kaunting discomfort sa paligid ng iyong bewang, balakang, at maging sa iyong singit.

Sakit Habang Nanganganak

Kapag oras nang ilabas ang iyong sanggol, makararanas ka ng sakit ng albor habang itinutulak ang iyong baby palabas. Magiging napakasakit nito, ngunit makararamdam ka ng ginhawa sa oras na lumabas na ang iyong anak.

May malaki ring tsansang makaramdam ka ng mahapdi/masakit na pakiramdam sa opening ng iyong vagina matapos manganak. Gayunpaman, normal lang ang lahat ng ito dahil katatapos mo lang ilabas ang iyong baby.

Vaginal Tear

Kung masyadong malaki ang ulo ng sanggol para sa iyong vaginal opening, maaari ka ring makaranas ng vaginal tear (perineal laceration) habang nanganganak. Karaniwan itong nangyayari sa isang normal birth delivery.

Gumagaling ito nang kusa paglipas ng dalawang linggo, ngunit may ilang pagkapunit na medyo malaki o may pagdurugo na kailangang tahiin upang tuluyang maisara.

Paano Mababawasan Ang Sakit Ng Labor

Maraming mga paraan upang matugunan o mapamahalaan ang iba’t ibang sakit habang nanganganak. Narito ang ilan sa mga paraan na maaaring subukan upang mawala o mabawasan ang sakit ng labor:

Back Massage

Puwede mong hilingin sa iyong partner o sa iyong therapist na bigyan ka ng lower back massage upang mabawasan ang sakit sa ibaba ng iyong likod. Epektibo rin ito upang mawala ang cramps. Puwede silang gumamit ng nakakuyom na kamao o maliit na bilog na bagay gaya ng tennis ball, upang magbigay ng pressure sa babang bahagi ng iyong likod.

Epidural

Isa sa mga karaniwang paraan upang mawala ang sakit ng panganganak ay ang paghingi ng epidural anesthesia sa iyong doktor. Nakatutulong ito upang mabawasan ang sakit ng labor lalo na tuwing may contractions.

Lamaze Breathing

Isa itong paraan ng paghinga na ginagawa ng maraming ina habang nagbubuntis. Ito ang pagkontrol sa iyong paghinga tuwing magsisimula ang contraction. Simulan lang ang dahan-dahang paghinga, pigilan ang paghinga sa loob ng ilang segundo, saka dahan-dahang ibuga kasabay ng iyong contractions.

Paliligo

Isa sa epektibong paraan na inirerekomenda ng mga nanganganak na ina ay ang paliligo, partikular ang pagbibigay ng pressure gamit ang tubig sa iyong lower back. Sa oras na maramdaman mo ang contractions o ang lower back pain, puwede mong itapat ang shower sa ibabang bahagi ng iyong likod hanggang sa humupa ang sakit.

Analgesics

Isa itong anyo ng gamutan na puwedeng ibigay upang mabawasan ang sakit habang nanganganak. Maaari itong ibigay sa pamamagitan ng pagpapadaan sa ugat. Kailangan mong maging maingat sa side effects nito gaya ng nausea at drowsiness, pati na rin ang ilang maaaring epekto sa iyong sanggol (posibleng respiratory depression sa ilang klase ng analgesics).

Key Takeaways

Bilang konklusyon, ang sakit ng labor at panganganak ay isang bagay na natural na nangyayari sa sinumang buntis. May ilang nakararanas nito nang matindi, habang mayroon ding hindi gaanong nakararanas nito. Walang tiyak na paraan upang mawala nang lubusan ang sakit ng labor, ngunit maraming mga paraan na puwedeng gawin sa tulong ng iyong partner, doktor, o maging ng iyong sarili upang mabawasan ang sakit. Ngunit kung nakararanas ka ng mga hindi karaniwang sakit, puwede kang kumonsulta sa doktor at magpatingin. Sa dulo, pinakamainam pa ring sundin ang payo ng iyong doktor.

Matuto pa tungkol sa Labor at Delivery dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Dealing With Pain During Childbirth, https://kidshealth.org/en/parents/childbirth-pain.html Accessed March 18, 2021

Labor and delivery, postpartum care, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/labor-and-delivery/expert-answers/back-labor/faq-20058547 Accessed March 18, 2021

Childbirth – pain relief options, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/HealthyLiving/childbirth-pain-relief-options Accessed March 18, 2021

Vaginal Tears in childbirth, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/labor-and-delivery/multimedia/vaginal-tears/sls-20077129 Accessed March 18, 2021

The Pain of Labour, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4589939/ Accessed March 18, 2021

 

Kasalukuyang Version

03/07/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Growth Spurt Sa Ika-3 Linggo Ni Baby: Heto Ang Dapat Mong Malaman

Filipino Food Para sa Buntis: 3 Healthy Recipes kay Mommy at Baby


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement