Malamang ay nakita mo ang ilang mga public figures na sumailalim sa isang pamamaraan kung saan — katulad ng dialysis — kinukuha ang dugo, dumadaan sa isang makina, at ibinabalik sa katawan. Sinasabi ng mga celebrities na ang mga pamamaraang ito ay maayos at ang paggamot ay talagang nakatutulong sa kanila na manatiling malusog dahil ito ay nagpupurify sa kanilang dugo. Ang pamamaraan ay tinatawag na extracorporeal blood oxygenation at ozonation (EBOO), at ito ay isang uri ng ozone therapy. Narito ang kailangan mong malaman tungkol sa mga benepisyo ng ozone therapy, maging ang mga panganib nito.
Extracorporeal Blood Oxygenation And Ozonation (EBOO) Treatment
Ang pagsasailalim sa EBOO treatment ay nangangahulugan na magkakaroon ka ng intravenous tube na konektado sa bawat braso mo. Ang kabilang dulo ng mga tubo ay kumokonekta sa isang makina, na bumubuo ng isang kumpletong bilog.
Karaniwan, ang nangyayari ay katulad ng sa isang dialysis treatment. Ang iyong dugo ay lumalabas sa isang braso, pumapasok sa makina, at bumalik sa katawan sa pamamagitan ng kabilang braso. Ayon sa mga ulat, hindi lamang sinasala ng makina ang dugo upang maalis ang mga lason, ngunit nagdaragdag din ito ng oxygen at medikal ozone.
Ang oxygenation at ozonation ay nangyayari sa labas ng katawan (sa makina), dahilan para tawagin itong extracorporeal.
Mangyaring huwag malito sa EBOO at ECMO. Ang pangalawa ay nangangahulugang extracorporeal membrane oxygenation na isang natanggap na medical procedure na nagbo-bomba at nagbibigay ng oxygen sa dugo sa labas ng katawan. Sa pangkalahatan, pinapayagan ng ECMO na makapagpahinga ang puso at baga. Ang mga pasyenteng nagpapagaling mula sa heart surgery, lung failure, at heart failure ay maaaring makinabang sa pagkakaroon ng ganitong pamamaraan.
Ang Mga Nakapalagay Na Benepisyo Ng Ozone Therapy
Dahil ang EBOO treatment ay hindi kinikikilala bilang isang standard procedure sa Pilipinas, talakayin natin sandali ang isa sa mga bahagi nito: ozonation.
Naiintindihan natin na ang ating mga cell ay nangangailangan ng sapat na oxygen upang gumana nang maayos, ngunit para saan ang ozonation? Ano ang mga potensyal na benepisyo ng ozone therapy?
Ang ozonation ay tumutukoy sa isang proseso ng pagdaragdag ng ozone, isang molecule na binubuo ng 3 atoms ng oxygen, sa dugo. Ang ozone gas na ito ay maaaring katulad ng istruktura sa ozone sa stratosphere, ngunit ito ay nabuo lamang sa laboratoryo.
Binanggit ng isang klinikal na pagsusuri na maaaring may mga benepisyo ng ozone therapy sa mga sumusunod na kondisyon:
Ang parehong ulat ay nagsasaad din na ang ozone therapy ay maaaring potensyal na magpalakas o mag-activate ng immune system. Tandaan na ang EBOO treatment ay isang uri ng ozone therapy.
EBOO Treatment Sa Pilipinas: Epektibo Ba Ito?
Nag-aalok ang ilang pribadong health facilities ng EBOO treatment sa Pilipinas; gayunpaman, nararapat na matandaan na hindi ito isang napatunayang paggamot para sa anumang sakit, at hindi rin ito na-verify upang palakasin ang immune system ng isang tao.
At habang mayroong maraming mga papel tungkol sa mga benepisyo ng ozone therapy, kakaunti ang nagsasalita tungkol sa EBOO sa partikular. Napagpasyahan ng isang ulat na ang EBOO therapy ay nagpabuti ng mga sugat sa balat sa mga pasyente na may peripheral arterial disease (PAD). Nabanggit din nito na ang paggamot ay may positibong epekto sa pangkalahatang kondisyon ng mga kalahok.
Bottom line: ang bisa ng ozone therapy, kabilang ang EBOO treatment sa Pilipinas, ay hindi pa natatag mapasahanggang ngayon.
Safety Concerns Patungkol Sa EBOO Treatment
Dahil kakaunti ang mga pag-aaral tungkol sa EBOO treatment, hindi madaling matiyak kung ligtas ba ito para sa lahat, lalo na sa mga may pinagbabatayang medikal na kondisyon.
Ayon sa US FDA, nakalalason ang paglanghap ng ozone gas. Bagama’t ang EBOO treatment ay hindi nagsasangkot ng paglanghap ng ozone, ang mga awtoridad ay wala pa ring sapat na datos upang masabi kung ligtas o hindi ang extracorporeal ozonation.
Ipinahiwatig din ng isang ulat noong 2005 mula sa Ministry of Health sa Malaysia na ang ilang tao na tumanggap ng ozone therapy ay nagkaroon ng mga blood-borne infections, air embolism, at bilateral visual field loss.
Key Takeaways
Ang extracorporeal blood oxygenation and ozonation (EBOO) treatment, isang uri ng ozone therapy, ay nagpapakilala ng oxygen at ozone sa dugo sa pamamagitan ng isang makina. Mayroong ilang mga benepisyo ng ozone therapy, ngunit hanggang ngayon, ang kaligtasan at pagiging epektibo nito ay kaduda-duda pa rin. Mayroong mga pasilidad na nag-aalok ng naturang pamamaraan, ngunit mangyaring tandaan na hindi ito isang napatunayang paggamot para sa anumang sakit.
Alamin ang iba pa tungkol sa Medical Procedures at Surgeries dito.