backup og meta

Ano Ang Rhinoplasty At Paano Ito Nakakaapekto Sa Kalusugan, Ayon Sa Doktor?

Ano Ang Rhinoplasty At Paano Ito Nakakaapekto Sa Kalusugan, Ayon Sa Doktor?

Gusto mo bang magpagawa ng ilong para ma-achieve ang dream look mo? O gusto mo magpa-nose job para mas tumaas ang iyong confidence? Anuman ang iyong dahilan sa pagpapagawa ng ilong mas maganda pa rin kung malalaman mo ang pros at cons nito sa iyong kalusugan, para maging handa ka sa mga bagay na pwedeng maganap sa’yo sa pag-achieve ng iyong pinapangarap na itsura.

Importante na malaman mo kung ano ang rhinoplasty dahil isa itong operasyon na pwedeng magbago ng iyong buhay. At dahil dito, nagsagawa ang Hello Doctor Philippines Team ng interbyu kay Dr. Jaiem Maranan upang linawin ang kalikasan at mga epekto ng pagpapagawa ng ilong ng isang tao.

Ano ang rhinoplasty?

Dr. Jaiem Maranan: Ito ay mas kilala bilang “nose job” o nose reshaping. Ito ay isang operasyon kung saan binabago ang hugis, laki, o hulma ng ilong. Maaaring taasan ang nose bridge sa pamamagitan ng pagdagdag ng cartilage, maaari ring bawasan ang taas ng nose bridge o gilid ng ilong, maaaring ayusin ang mga balikong septum ng ilong, o maaaring paliitin ang butas ng ilong. Mayroong open rhinoplasty, kung saan may inhisyon sa loob at labas ng ilog, at closed rhinoplasty kung saan ang inhisyon ay nasa loob lamang ng ilong.

Bakit ginagawa ng tao ang rhinoplasty?

Dr. Jaiem Maranan: Yung iba ginagawa ito for aesthetic purposes — ibig sabihin gusto nila ma-improve ang kanilang itsura — samantalang ang iba ay iginagawa ito para malunasan ang sintomas na dulot ng problema sa istruktura ng ilong nila, partikular na dito ang hirap sa paghinga.

Anu-ano po ba ang pros at cons ng procedure na ito?

Dr. Jaiem Maranan: Sa totoo lang maraming magandang epekto ang paggawa ng ilong gaya ng mga sumusunod:

  • Na-achieve ng tao ang kanilang gustong itsura o hulma ng ilong na relative sa mukha.
  • Napapataas nito ang self-confidence ng isang kung kaya’t maaari rin itong mag-contribute sa mas magandang lifestyle.
  • Naiibsan o napapagaling ang mga sintomas na dulot ng problema sa istruktura ng ilong, partikular na dito ang hirap sa paghinga.

Pagdating naman sa mga kinokonsider na hindi magandang epekto ng rhinoplasty, ito ‘yung mga cons na dapat tandaan ng mga gustong magpagawa ng ilong: 

  • Pagkakaroon ng mga posibilidad ng mga komplikasyon matapos ang operasyon tulad ng pamamaga, matinding pagdurugo, pagkakaroon ng pasa, o pamumuo ng blood clots
  • Permanenteng pagkamanhid sa loob at paligid ng ilong
  • Pagiging mataas ng risk sa impeksyon
  • Pagkakaroon ng posibilidad na di kaaya-ayang reaksyon sa anesthesia
  • Posibilidad na di ma-satisfy sa panibagong hubog at struktura ng ilong
  • Tsansa ng pagkakaroon pa ng isa pang operasyon, kung hindi satisfied, o kung i-advise ng doktor
  • Paglalabas ng malaking pera dahil isa itong procedure na nangangailangan ng maraming pera
  • Matagal na recovery time

Paano nakakaapekto sa kalusugan at self confidence ng isang tao ang nose job?

Dr. Jaiem Maranan: Mako-correct ng rhinoplasty ang mga congenital na anomalya sa ilong, partikular na dito ang mga kondisyon na sagabal sa paghinga. Nakakataas din ito ng confidence dahil naa-achieve ng rhinoplasty ang struktura at itsura ng ilong na ninanais nila, na siya namang malaki ang impact sa kabuuan ng itsura at pantay ng mukha. Dahil naaayon ang pagbabago sa mukha nila sa depinisyon o ideya ng ideal o maganda, nakakadagdag ito sa lebel ng self-esteem ng taong nakakapagpa-rhinoplasty.

Bilang doktor anu-ano ang maipapayo mo sa mga taong gustong sumailalim sa rhinoplasty?

Dr. Jaiem Maranan: Hindi naman masama gawin ito para ma-improve ng itsura, pero kung walang kaakibat na kondisyon na magwa-warrant ng pangangailangan nito para makatulong sa paghinga ng maayos, dapat ay pag-isipan ng mabuti kung ipagpapatuloy ito, dahil ang mga operasyon ay may kaakibat na risk. Palaging i-weigh ang pros and cons ng magiging decision. Dapat din ikonsidera na hindi magagarantiya na makukuha ang nais na itsura ng mukha matapos magpa-rhinoplasty, at ito ay nagre-require ng matinding pasensya dahil ang resultang ninanais ay hindi naa-achieve sa loob ng ilang araw lamang.

Key Takeaways

Hindi makakaila na sa modernong panahon ay napakaraming operasyon na ang pwedeng makatulong sa pangangailangan ng isang tao para sa kanyang pagpapagaling sa sakit o pagpapaganda ng sarili. At hindi rin maikakaila na maraming tao ang nagnanais na magpa-nose job. Gayunpaman kung gusto mo talaga magpagawa ng ilong, dapat alam mo sa sarili mo kung ano ang rhinoplasty para maiwasan ang pagkakaroon ng maling pagdedesisyon. Kinakailangan mo rin na humingi ng advice galing sa espesyalista para mapag-usapan kung ito ba ay naaayon para sa iyo, at huwag mong kakalimutan na sa pagpapakonsulta dapat mong isaisip ang mga risk at benefit ng nose job para sa iyo.

Matuto pa tungkol sa Medical Procedures dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Rhinoplasty Nose Surgery, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/nose-rhinoplasty Accessed October 11, 2022

Rhinoplasty: What to expect before and after a ‘nose job’, https://utswmed.org/medblog/rhinoplasty-nose-job/ Accessed October 11, 2022

Rhinoplasty, https://www.mayoclinic.org/tests-procedures/rhinoplasty/about/pac-20384532 Accessed October 11, 2022

Rhinoplasty Nose Surgery,

https://www.plasticsurgery.org/cosmetic-procedures/rhinoplasty/procedure Accessed October 11, 2022

Nose reshaping (rhinoplasty), https://www.nhs.uk/conditions/cosmetic-procedures/nose-reshaping-rhinoplasty/ Accessed October 11, 2022

Kasalukuyang Version

06/21/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Bone Marrow Transplant? Kailan Ko Ito Kailangan?

Ano Ang Buccal Fat Removal, At Ligtas Ba Ang Procedure Na Ito?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement