backup og meta

Ano Ang MRI Scan, At Kailan Ito Kinakailangan?

Ano Ang MRI Scan, At Kailan Ito Kinakailangan?

Madalas nating marinig ang MRI sa mga pelikula at TV kung saan ang tauhan ay na-diagnose ng malubha at nagbabanta sa buhay na kondisyon. Sila ay sinusuri sa parang dome na makina upang kumpirma ang kanilang hindi nagagamot na sakit. Subalit ano ang MRI scan? Kailangan bang may malubhang sakit ang pasyente bago sumailalim sa prosesong ito? Paano ito dapat paghandaan ng pasyente? Alamin ang mga kasagutan sa artikulong ito.

Ano Ang MRI Scan?

Ang MRI ay nangangahulugang magnetic resonance imaging. Ito ay isang uri ng diagnostic na proseso kung saan kinukuhanan ng larawan ang katawan gamit ang radio waves. Ang protons, na matatagpuan sa tubig at makikita rin sa katawan, ay naglalabas ng reaksyon sa magnetic field na nilalabas ng MRI. Natatanggap ng kompyuter ang mga impormasyong ito upang lumikha ng malinaw at napakadetalyadong larawan ng organ.

Hindi tulad sa CT scan at normal na x-ray, ang MRI ay mas ligtas gamitin dahil hindi ito gumagamit ng radiation sa buong proseso. Mas mabilis ding napoprodyus ang resulta dahil sa agad-agad na natatanggap ng kompyuter. Ngunit dahil ang MRI ay gumagamit ng malakas na magnet, maaaring hindi ito mabuti para sa tiyak na mga taong may medikal na kagamitan/implants sa kanilang katawan o may kondisyon na maaaring magkaroon ng reaksyon sa scan. Kumonsulta sa iyong doktor.

Ano Ang MRI Scan? Kailan Ito Iminumungkahi?

Katulad ng CT scans, ang MRI ay may kamahalan. Ito ay dahil nagbibigay ito sa mga doktor ng mataas na lebel ng data at tiyak na impormasyon tungkol sa kondisyon ng pasyente.

Kadalasang minumungkahi ng MRI sa mga sumusunod na kondisyon:

  • Pagsusuri kung may tumor, injuries, at mga sakit na makikita sa mga malalambot na tissue ng organs tulad ng utak, puso, at digestive system
  • Pag-diagnose ng mga kondisyon sa reproductive organ tulad ng prostate gland, sinapupunan, at suso
  • Pagsubaybay sa mga naunang gamutan upang makatulong sa mga gamutan sa hinaharap

Pinupunan ng mga resulta ng x-ray ang MRI, na nagbibigay ng mas maraming impormasyong may kaugnayan sa buto. Ang mga MRI ay karaniwang umaasa sa mga tubig na makikita sa mga organ at hindi ito nakapagbibigay ng tiyak na datos tungkol sa tissue ng buto. Ang buto ay hindi naglalaman ng gaano karaming tubig.

Ano Ang MRI Scan? Paano Ito Dapat Paghandaan?

Matapos malaman kung ano ang MRI, alamin naman natin kung paano ito dapat paghandaan.

Bago ang paghahanda, mainam na maunawaan muna ang mga panganib nito. Ang mga taong mayroong mga metal na kagamitan o implants sa kanilang kaatawan ay hindi maaaring sumailalim sa prosesong ito. Hindi rin iminumungkahing sumailalim ang mga buntis sa ganitong pamamaraan dahil maaari itong makaapekto sa sanggol. Ang mga bata o mga nakatatandang may claustrophobia ay dapat munang komunsulta sa kanilang doktor dahil ang maliit na espasyo ay maaaring maging bahagyang nakababagabag.

Bago Ang MRI Scan

Bilang paghahanda, anumang bagay na may metal o maaaring maapektuhan ng magnets ay dapat itago o iwan sa bahay. Kabilang rito ang mga alahas, aksesorya, cellphones, at pustiso. Kinakailangan magsuot ang pasyente ng hospital gown upang masiguro na ang kanilang suot ay walang anomang zipper o metal. Ang anomang metal na bagay ay maaaring masakit sa pasyente habang isinasagawa ang MRI scan.

Habang Isinasagawa Ang MRI Scan

Ang prosesong ito ay maaaring mangailangan ng contrast o espesyal na dye upang maging mas malinaw ang mga larawan. Ito ay nilalagay sa katawan sa pamamagitan ng IV line. Pinagagamit din ang mga pasyente ng earplugs o headphones upang mabawasan ang matinding ingay na maririnig mula sa makina na maaaring nakatatakot o hindi komportable para sa iba.

Inaasahang ang pasyente ay mananatiling nakahiga sa kama upang masiguro na hindi magiging malabo ang mga larawan. Maaaring magtagal ang proseso sa loob ng 15 hanggang 80 minuto depende sa kung ano ang sinusuri nito.

Matapos Ang MRI Scan

Walang tiyak na bagay ang dapat gawin matapos ang MRI scan. Itinuturing ito bilang isa sa mga pinakaligtas na medical na proseso. Kung may anomang alalahanin o reaksyon mula sa contrast, kumonsulta sa iyong doktor.

Key Takeaways

Maraming medikal na proseso ang nakatutulong sa doktor upang ma-diagnose ang kondisyon at nakatutulong sa pagpapasya ng angkop na gamutan para sa sakit ng pasyente. Ang pag-alam sa kung ano ang MRI at kung paano ito paghandaan ay maaaring makabawas sa pagkabalisang nararamdaman ng pasyente tungkol sa kanyang kondisyon at sa prosesong kailangan niyang gawin.
Kumonsulta sa iyong doktor para sa anomang alalahaning kaugnayan ng MRI scan.

Matuto pa tungkol sa mga Medikal na Proseso rito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

MRI Scan, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/mri-scan, Accessed July 22, 2021

Magnetic Resonance Imaging (MRI), https://www.nibib.nih.gov/science-education/science-topics/magnetic-resonance-imaging-mri, Accessed July 22, 2021

Magnetic Resonance Imaging,  https://www.hopkinsmedicine.org/imaging/exams-and-procedures/mri.html, Accessed July 22, 2021

MRI, https://www.mayoclinic.org/tests-procedures/mri/about/pac-20384768, Accessed July 22, 2021

Magnetic Resonance Imaging (MRI), https://my.clevelandclinic.org/health/diagnostics/4876-magnetic-resonance-imaging-mri, Accessed July 22, 2021

MRI Scan, https://www.nhs.uk/conditions/mri-scan/, Accessed July 22, 2021

Kasalukuyang Version

11/07/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Bone Marrow Transplant? Kailan Ko Ito Kailangan?

Ano Ang Buccal Fat Removal, At Ligtas Ba Ang Procedure Na Ito?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement