backup og meta

Ano ang Bone Marrow Transplant? Kailan Ko Ito Kailangan?

Ano ang Bone Marrow Transplant? Kailan Ko Ito Kailangan?

Ang bone marrow transplant (BMT) ay isang treatment upang gumawa ng mga bagong  blood cell, o upang palitan ang bone marrow na napinsala ng mga sakit, impeksyon, o ng mataas na dose ng chemotherapy. Tinatawag din itong stem cell transplant. Alamin pa kung ano ang bone marrow transplant dito.

Sa pagsasagawa ng bone marrow transplant, makatatanggap ang pasyente ng bago at malulusog na blood stem cell upang makabuo ng bagong mga blood cell, at makatulong sa pagkakaroon ng bagong bone marrow.

Isang malambot na tissue ang bone marrow na nasa loob ng mga buto ng tao. Ito ang gumagawa ng mga blood cell. Nabubuo ang mga stem cell sa loob ng bone marrow. Sa oras na maging sapat na ang maturity nito,  lalaki ito bilang magkakaibang uri ng mga blood cell na kailangan ng iyong katawan. Kinakailangan ang BMT kapag hindi na magampanan ng bone marrow ang trabaho nito, o kung hindi na nito magawang magprodyus ng malulusog na blood cell. 

Ang bagong bone marrow stem cells na natanggap ng pasyente ay maaaring galing mismo sa kanya o mula sa ibang donor.

Mga uri ng bone marrow transplant

Autologous

Nangyayari ang autologous transplant kapag ang sariling mga stem cell ng pasyente ay nailigtas bago ang procedure at ginagamit ngayon bilang kapalit.

Allogeneic

Ang allogeneic transplant sa kabilang banda ay gumagamit ng mga stem cell mula sa donor upang magkaroon ng bagong bone marrow.

Syngeneic

Sa ilang mga kaso, maaaring galing sa identical twin ng pasyente ang malusog na mga stem cell. Tinatawag ang procedure na ito na syngeneic bone marrow transplant.

Para saan ito?

Maaaring isagawa ang bone marrow transplant upang:

  • Ligtas na magawa ang treatment ng chemotherapy o radiation sa pamamagitan ng pagliligtas o pagpapalit ng napinsalang bone marrow.
  • Palitan ang napinsalang bone marrow ng mga bagong stem cell upang magpatuloy ang blood cell generation.
  • Makapagsuplay ng bagong mga stem cell upang makatulong sa pag-aalis ng tumutubong mga cancer cell.

Maaari din itong maging treatment option para sa nakararanas ng leukemia, mga sakit sa dugo tulad ng sickle cell disease, at marami pang ibang komplikasyon sa dugo. 

Tumutulong ang bone marrow transplant sa mga taong may cancerous o non-cancerous diseases. Ilan sa mga ito ang:

  • Aplastic anemia
  • Sickle cell anemia
  • Acute leukemia and chronic leukemia
  • Adrenoleukodystrophy (ALD)
  • Hemoglobinopathies
  • Hodgkin’s lymphoma at Non-Hodgkin’s lymphoma
  • Multiple myeloma
  • Myelodysplastic syndromes
  • Neuroblastoma
  • Plasma cell disorders
  • POEMS syndrome
  • Immune deficiencies
  • Inborn errors ng metabolism
  • Bone marrow failure syndromes

Paano ka maghahanda para sa bone marrow transplant?

Bago ang procedure, sasailalim ka sa test upang matukoy ang uri ng bone marrow stem cells na kailangan mo. Maaari ding magsagawa ng radiation o chemotherapy upang maalis ang natitirang mga marrow cell, at maging ang cancer cell, bago kumuha ng bagong mga stem cell.

Bago ang procedure, nagsasagawa rin ng physical exam at iba pang lab test upang matingnan kung pinakamabuti ba para sa pasyenteng ituloy ang procedure o kung ano ang benepisyo nito sa kanila.

Maaaring humina ang immune system at hindi magagawang labanan ang impeksyon habang ginagamot, kaya’t kailangan mong manatili sa special section sa ospital na nakalaan para sa immunocompromised na mga pasyente.

Tandaang magtanong sa doktor tungkol sa transplant upang mabawasan ang iyong pag-aalala at komportableng sumailalim sa procedure.

Ano ang dapat mong asahan habang isinasagawa ang transplant?

Isasagawa ang bone marrow transplant matapos ang kinakailangang conditioning process. Habang isinasagawa ang transplant session, gagawin ang transplant infusion.

Tandaang kahit gising ka habang ginagawa ang transplant, painless ang procedure.

Ano ang dapat mong asahan matapos ang bone marrow transplant?

Pansamantalang paghina ng immune system

Kapag ang newly transplanted stem cells ay pumasok na sa daluyan ng iyong dugo, dadami na ang mga cell at lilikha kalaunan ng malulusog na mga blood cell sa iyong bone marrow. Kakailanganin ang ilang linggo bago bumalik sa normal ang dami ng iyong stem cell sa katawan. Ito ang dahilan kung bakit nagiging mahina ang iyong katawan laban sa mga impeksyon at sakit.

Ilang linggo matapos ang transplant, sasailalim ka sa maraming blood test upang mabantayan ng mga doktor ang kasalukuyan mong kalagayan. Maaaring mangailangan ng regular na pagsasalin ng dugo hanggang sa lubos na manumbalik ang normal na dami ng stem cell sa iyong katawan.

Mahigpit ang magiging pagbabantay sa iyo at paiinumin ng mga gamot upang labanan ang pagsusuka at pagtatae. Ginagawa ito upang maiwasan ang mga posibleng impeksyon o komplikasyong posibleng makasamang lalo sa iyo.

Tandaang kahit lumipas ang ilang taon matapos ang iyong transplant, mananatili kang nasa matinding panganib ng mga impeksyon. Mag-iskedyul ng regular na appointment sa iyong doktor upang maiwasan ang mga komplikasyon.

Pagbabago sa kinakain

Maaaring mangailangan ng adjustment o baguhin nang lubusan ang iyong kinakain upang manatiling malusog. Tutulungan kang makagawa ng diet plan ng mga medical practitioner na responsable sa iyong transplant.

Kabilang sa mga rekomendasyon ang mga sumusunod:

  • Maging maingat sa mga foodborne infection at sundin ang mga food safety protocol
  •  Kontrolin ang pagkonsumo ng asin
  • Kumain ng masusustansya tulad ng gulay, prutas, whole grains, hindi matatabang karne, isda, at masustansyang fat tulad ng olive oil. 
  • Iwasan ang sobrang pag-inom ng alak
  • Iwasan ang mga grapefruit dahil maaari nitong maapektuhan ang bisa ng mga gamot na iyong iniinom.

Mga Pagbabago sa Lifestyle

Makatutulong ang physical activity upang mapanatili ang malusog na puso. Tandaang hindi mo kailangan ng sobrang workout kundi dagdagan lamang ang physical activity na iyong ginagawa habang nagpapagaling. 

Kung nasa panganib ka ng cancer, huwag maninigarilyo matapos ang transplant. Tiyaking regular na makapagpapakonsulta sa doktor tungkol sa iyong kondisyon.

Key Takeaways

Ang bone marrow transplant ay isang procedure kung saan ang isang taong may pinsala ang bone marrow o mahina ang mga blood cell ay tatanggap ng infusion ng blood stem cell upang magkaroon ng panibagong bone marrow. 

Sa pagsunod sa procedure, kailangan ng pasyente ng patuloy na pagkuha ng mga blood test at manatiling nababantayan ng mga doktor upang maiwasan ang mga komplikasyon. Maraming pagbabago sa paraan ng pamumuhay at pagakin ang mangyayari sa oras na matapos na ang transplant upang manatiling malusog ang iyong katawan.

Matuto pa tungkol sa Medical Procedures and Surgeries dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Bone Marrow Transplant, https://medlineplus.gov/ency/article/003009.htm Accessed April 15, 2021

Bone marrow transplant, https://www.cancer.gov/publications/dictionaries/cancer-terms/def/bone-marrow-transplant Accessed April 15, 2021

Bone marrow transplant overview, https://www.mayoclinic.org/tests-procedures/bone-marrow-transplant/about/pac-20384854 Accessed April 15, 2021

What is a bone marrow transplant?, https://bethematch.org/patients-and-families/about-transplant/what-is-a-bone-marrow-transplant-/ Accessed April 15, 2021

 

Kasalukuyang Version

09/11/2024

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Kristina Campos, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Ginagawa ang Angioplasty Surgery? Narito ang Kailangan Mong Malaman

Ano Ang Buccal Fat Removal, At Ligtas Ba Ang Procedure Na Ito?


Narebyung medikal ni

Kristina Campos, MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement