Marahil ay pamilyar ka o narinig mo na ang blood types at blood compatibility. Subalit ano ang blood compatibility? Bakit ang mga tao ay may magkakaibang blood types? Bakit tamang blood types ang kinakailangang ibigay sa isang tao? Basahin sa artikulong ito ang mga kasagutan sa mga katanungang ito, ang blood compatibility chart, at iba pa.
Bakit magkakaiba ang ating blood types?
Bago malaman kung ano ang blood compatibility at ang blood compatibility chart, alamin muna natin kung bakit magkakaiba ang ating blood types.
Isang salik na tumutukoy sa blood type ay ang antigens ng dugo ng isang tao. Ang mga ito ay ang kemikal na matatagpuan sa dugo na maaaring maging sanhi ng immune response. Maaaring tawagin ang mga ito na antigen A o antigen B.
Ang type A na dugo ay nangangahulugang ang antigen A ay maaaring matagpuan sa red blood cells, at ang antigen B ay nasa plasma ng dugo. Sa kabilang banda, ang type B na dugo ay nangangahulugang ang antigen B ay nasa red blood cells, at ang antigen A ay nasa plasma.
Maaari ding magkaroon ng type AB na dugo ang mga tao, na ibig sabihin, ang kanilang red blood cells ay parehong nagtataglay ng antigen A at antigen B, at walang anomang makikita sa plasma. Ang kabaligtaran nito ay ang type O na dugo, kung saan walang antigens sa red blood cells, subalit ang plasma ay parehong may antigen A at antigen B.
Mayroon ding uri ng protina, na tinatawag na Rh factor, na isa pang salik sa blood types. Ang pagkakaroon ng Rh factor ay sinisimbolo ng (+) symbol, at ang kawalan nito ay (-) symbol.
Sa usapin ng antigens at Rh factor, sa kabuoan ay may 8 karaniwang blood types. Ang mga sumusunod ay ang A+, A-, B+, B-, O+, O-, AB+, AB-.
Ang mga taong may blood type na O ay itinuturing na universal na donors ng red blood cell. Habang ang mga may blood type AB ay universal na donors ng plasma. Ang blood types ay may mataas na pangangailangan dahil sa kanilang compatibility sa ibang blood types. Maaaring tingnan ang blood compatibility chart upang malaman kung anong types ng dugo ang mas compatible sa ibang types.
Bakit mahalaga ang blood compatibility?
Kung nakakita ka na ng blood compatibility chart, marahil ay napansing mo kung anong blood types ang mas compatible sa isa’t isa.
Lubhang mahalaga ang blood compatibility dahil sa antigens na matatagpuan sa dugo. Kung hindi compatible ang antigens, magsisimulang atakihin ng immune system ang blood cells na hindi normal sa katawan. Para sa immune system, ang cells na ito ay invaders, kahit na hindi ito nagdudulot ng kapahamakan sa katawan.
Kung mangyari ito, maaaring magsimulang magkumpulan ang blood cells, at ito ay hahantong sa nakamamatay na sitwasyon.
Sa kaso ng Rh positive at Rh negative blood, ito ay kadalasang hindi nagiging sanhi ng problema kung ang isang tao ay mabigyan ng ibang type ng dugo. Gayunpaman, maaaring maging malaking problema kung mangyari ito habang nagbubuntis.
Ito ay dahil kung may incompatibility sa Rh factor ng ina at ng kanyang anak, ito ay maaaring maging sanhi ng reaksyon. Ang reaksyong ito ay maaaring maging sanhi ng anemia o problema sa utak, o maging kamatayan sa sanggol na nasa sinapupunan. Mabuti na lamang, ang problemang ito ay maaaring maibsan sa pamamagitan ng paggamit ng gamot.
Dahil sa mga kadahilanang ito, laging mahalagang malaman ang iyong blood type. Ipaalam ito sa iyong mga kaibigan at mahal sa buhay.
Paano maaaring malaman ang iyong blood type?
Upang malaman ang iyong blood type, pumunta lamang sa clinic at sumailalim sa blood typing o ABO typing. Ito ay isang proseso kung saan kukuha ng sample ng iyong dugo upang suriin.
Habang isinasagawa ang pagsusuri, isang medical practitioner ang magdaragdag ng ibang antigen sa sample ng iyong dugo. Depende sa resulta, tulad na lamang kung nagkumpulan ang dugo, malalaman dito ang uri ng dugo ng isang tao.
Ang pagsusuri sa Rh factor ay katulad nito. Subalit ang pagkakaiba ay sinusuri nito ang pagkakaroon ng protina sa dugo.
Mainam na ideyang malaman ang iyong blood type at ng iyong pamilya. Ito ay mahalagang impormasyon kung magkaroon man ng emergencies.
Blood Compatibility Chart
Ang blood compatibility chart ay isang kapakipakinabang na gabay na nagpapakita kung anong blood types ang maaaring ibigay.
Narito ang mabilis na blood types ng chart.
Para sa anomang mga katanungan at alalahanin tungkol sa iyong blood type, kumonsulta sa iyong doktor dahil mahalaga ang impormasyong ito sa hinaharap na medical cases.
Matuto pa tungkol sa mga Medikal na Proseso at Operasyon dito.