backup og meta

Maduming hangin: Anu-ano ang puwedeng gawin tungkol dito?

Ang maduming hangin ay binubuo ng iba’t-ibang mapanganib na sangkap. Maaari itong natural  o nagmula sa mga tao. Ang mga pangunahing pinagmumulan ng polusyon sa hangin na gawa ng tao ay ang sumusunod:

Maduming hangin: Anu-ano ang puwedeng gawin tungkol dito?

  • Mga emisyon ng sasakyan
  • Natural gas na ginagamit upang magbigay ng init sa mga tahanan
  • Fuel oils
  • Mga by-product ng manufacturing at power generation
  • Mga usok mula sa produksyon ng kemikal 

Ito ay maaaring may natural na sanhi tulad ng:

  • Usok mula sa mga wildfire, na kadalasang sanhi ng mga tao
  • Abo at gas mula sa mga pagsabog ng bulkan
  • Mga gas tulad ng methane na mula sa nabubulok na organikong bagay 

Maduming hangin isang environmental health hazard

Ayon sa World Health Organization, 99% o halos lahat ng pandaigdigang populasyon ay humihinga ng hangin na lumampas sa WHO guideline limits. Ang hangin na ito ay naglalaman ng mataas na antas ng mga pollutants. Dumaranas ng pinakamataas na pagkalantad sa hangin na ito ang mga bansa na may mababa o katamtamang kinikita lamang.

Ang polusyon sa hangin ay isang environmental health hazard. Alam nyo na ang ibig sabihin kapag namuo sa isang lungsod ang brown haze. Gayundin kapag nagsimula ng bumulusok ang tambutso ng mga sasakyan sa daan. Ang polusyon sa hangin ay responsable sa higit na 6.5 milyon taong namamatay bawat taon sa buong mundo.

Maduming hangin ano ang magagawa mo?

Magtanim ng punongkahoy

Humigit-kumulang isang-katlo ng fossil fuel emissions taun-taon ang tinatanggal ng mga pandaigdigang kagubatan. Ayon sa isang pag-aaral, ang community forests ay nagliligtas ng halos isang buhay sa bawat taon.

Benepisyo ng punongkahoy:

  • Higit sa 20% ng oxygen sa mundo ay ginawa sa Amazon Rainforest
  • Ang isang malaking puno ay maaaring magbigay ng isang araw na supply ng oxygen para sa hanggang apat na tao.
  • Ang mga puno na nagbibigay ng lilim ay nagpapababa ng temperatura
  • Nababawasan ng mga puno ang epekto ng climate change
  • Ang mga puno ay sumisipsip ng carbon dioxide (CO2) ay nagbabalik ng oxygen sa hangin.

Wastong bentilasyon laban sa maduming hangin

Ang wastong bentilasyon ay nagpapanatili ng sariwa at malusog na hangin sa loob ng bahay. Tulad ng baga, kailangan ding makahinga ng mga tahanan. At upang matiyak na sariwang hangin ang pumapasok at ang maruming hangin ay lumalabas, dapat lang na mayroong wastong bentilasyon. Ang hangin sa loob ng bahay ay maaaring bumuo ng mataas na antas ng mga dumi sa hangin tulad ng:

  • Moisture
  • Amoy
  • Gas
  • Alikabok

Kailangang makapasok ang sapat na hangin galing sa labas upang maabot nito ang lahat ng bahagi ng tahanan. Ito ay makapagbibigay ng magandang kalidad ng hangin sa loob ng bahay, Para sa halos lahat ng mga bahay, ang mga bintana at mga elemento ng istruktura ay nakakatulong sa pagdadala ng sariwang hangin.

Tanim sa loob ng bahay 

Gumugugol kayo ng maraming oras sa loob ng bahay kung kaya dapat gawing prayoridad ang malusog na panloob na kalidad ng hangin. Nabanggit ng NASA Clean Air Study na ang ilang mga panloob na halaman ay maaaring makabawas ng mga pollutants at maduming hangin sa loob ng bahay. 

Totoo na nagbibigay ng oxygen ang mga tanim sa araw, ngunit naglalabas ng carbon dioxide sa gabi. Gayunpaman, mayroong ilang mga halaman na nagbibigay ng oxygen sa loob ng 24 oras at hindi lamang sa gabi tulad ng sumusunod:

  • Snake plant-Napakadaling pangalagaan ang snake plant at nagkataon na ito ay isang air purifier din. May kakayahan din itong sumipsip ng formaldehyde mula sa maduming hangin kasama ng carbon-dioxide.
  • Aloe vera-Ang mga benepisyo ng aloe vera ay hindi mabilang kung kaya ito ay kinikilala bilang pinaka-kapaki-pakinabang na houseplant. Bukod sa medikal na benepisyo nito, ang halaman na ito ay naglalabas din ng oxygen sa gabi upang maging mas mabuti sa paghinga ang panloob na hangin. Maaari din itong sumipsip ng mga lason tulad ng aldehyde at  benzene.
  • Peace lily-Ang halaman na ito na may malalagong berdeng dahon at magagandang puting bulaklak ay hindi lamang kagandahan sa pisikal na anyo.. Bukod dito, gumagawa ito ng sapat na dami ng oxygen sa gabi. Kung kaya, maaari mong panatilihin ang halaman na ito sa loob ng bahay upang gawing sariwa at puno ng oxygen ang hangin.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://www.arborday.org/trees/treefacts/https://www.lung.org/blog/do-houseplants-really-improve-air-qualityhttps://www3.epa.gov/region1/airquality/reducepollution.html#:~:text=On%20Days%20when%20High%20Particle,%2C%20trash%2C%20and%20other%20materials.https://doh.gov.ph/faqs/What-can-you-do-to-help-clean-the-airhttps://intermountainhealthcare.org/blogs/topics/research/2013/02/5-things-you-should-do-when-there-s-poor-air-quality/https://www.niehs.nih.gov/health/topics/agents/air-pollution/index.cfmhttps://www.who.int/health-topics/air-pollution#tab=tab_1

Kasalukuyang Version

02/24/2026

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Epekto ng Iodine Deficiency, Alamin!

Paaano Nakatutulong Ang Kalikasan Sa Ating Kalusugan?


Narebyung medikal ni

Hello Doctor Medical Panel

General Practitioner


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas