backup og meta

Gumagaling Pa Ba Ang Butas Na Eardrum? Paano Ito Maiiwasan?

Gumagaling Pa Ba Ang Butas Na Eardrum? Paano Ito Maiiwasan?

Mas mapapahalagahan mo ang iyong eardrum kapag nakaranas ka na ng butas sa eardrum. Malamang masakit ang iyong tenga, o nahihirapan ka nang makarinig dahil dito.

May dalawang mahalagang papel ang iyong eardrum. Una, nararamdaman nito ang vibrating sound wave at kino-convert ang vibration sa nerve impulses na naghahatid ng tunog sa iyong utak. Pangalawa, pinoprotektahan din nito ang gitnang tainga mula sa bacteria, tubig at mga dayuhang bagay. 

Karaniwang sterile ang gitnang tainga. Ngunit kapag ang eardrum ay nabasag, ang bacteria ay maaaring makapasok sa gitnang tainga. Ito ay nagdudulot ng impeksyon na kilala bilang otitis media.

Ano Ang Butas Na Eardrum?

Kapag nabasag ang iyong eardrum, magkakaroon ito ng punit sa tympanic membrane. Tinatawag din itong ruptured eardrum at maaaring magdulot ng matinding pananakit. Maaari rin itong makaapekto sa pandinig, ngunit karaniwan itong pansamantala lamang.

Ang butas sa iyong eardrum ay maaaring magresulta sa pagpasok ng bacteria at iba pang mga bagay sa gitnang tainga at panloob na tainga. Ito ay maaaring humantong sa impeksyon na maaaring magdulot ng mas permanenteng pinsala sa pandinig.

Karamihan sa mga butas-butas na eardrum ay gumagaling sa loob ng ilang araw hanggang ilang linggo. Maaring magsagawa ang iyong doktor ng operasyon upang ayusin ang butas kapag hindi ito gumaling.

Ano Nga Ba Ang Eardrum?

Madaling magkaroon ng butas na eardrum dahil ito ay isang manipis na piraso ng tissue na nakaunat nang mahigpit sa pagitan ng ear canal at gitnang tainga. Ang panlabas na tainga ay naglalabas ng mga sound wave sa ear canal na tumama sa eardrum at nagba-vibrate. 

 Ang gitnang tainga at panloob na tainga ay nagpapabago ng mga vibrations ng boses. Ito ay nagsisilbing senyales na nararamdaman ng utak bilang mga tunog. Kapag nabasag,  hindi maaaring mag-vibrate nang ayon sa nararapat ang eardrum. Maaari itong magdulot ng problema sa pandinig, na kadalasan ay pansamantala lamang.

Sanhi Ng Butas Na Eardrum

Maraming bagay ang maaaring maging sanhi ng pagkabasag ng eardrum gaya ng sumusunod:

Impeksyon Sa Tainga

Kapag ang gitnang tainga ay nahawahan, ang presyon ay nabubuo at tumutulak sa eardrum. Maaaring maging sanhi ng pagkabasag ng eardrum. Kapag nangyari iyon, maaaring bigla mong mapansin na ang sakit at presyon na iyong naramdaman mula sa impeksyon ay biglang huminto at may umaagos ng nana mula sa tainga.

Pagtusok Sa Eardrum 

Kapag natusok mo ang iyong eardrum gamit ang isang dayuhang bagay tulad ng cotton-tipped swab o bobby pin na ginagamit upang linisin ang wax sa kanal ng tainga. Minsan maaaring mabutas ng mga bata ang kanilang sariling eardrum sa pamamagitan ng paglalagay ng mga bagay tulad ng isang stick o isang maliit na laruan sa kanilang tainga.

Barotrauma

Ang butas na eardrum ay nagreresulta mula sa tinatawag na barotrauma. Nangyayari ito kapag hindi pantay ang presyon sa loob ng tainga. Maaaring mangyari iyon, halimbawa, kapag ang isang eroplano ay nagbabago ng altitude, na nagiging sanhi ng pagbaba o pagtaas ng presyon ng hangin sa cabin. Ang pagbabago sa presyon ay isa ring karaniwang problema para sa mga scuba diver.

Pinsala Sa Ulo o Sampal Sa Tainga 

Ang mga bagay na ito ay maaaring maging sanhi ng pagkasira ng eardrum. Gayundin ang isang acoustic trauma na sanhi ng isang biglaang malakas na ingay, tulad ng isang pagsabog o malakas na musika. 

Gagaling Pa Ba Ang Butas Na Eardrum?

Matinding sakit, madugong discharge mula sa iyong tainga, pagkahilo, pagsusuka, at kabuuang pagkawala ng pandinig sa isang tainga? Magpatingin sa iyong doktor lalo na kung patuloy kang nagkakaroon ng mga sintomas pagkatapos magpagamot. Sa pangkalahatan, gumagaling ng kusa ang karamihan sa mga eardrums na pumutok. Ngunit mas mabuting gumawa ng mga hakbang upang matiyak na ang anumang pagkawala ng pandinig na iyong nararanasan ay pansamantala lamang.

Susuriin ng doktor ang iyong ear canal gamit ang isang instrumentong may ilaw na tinatawag na otoscope. Kung may butas na eardrum, maaaring maglagay ang iyong doktor ng eardrum patch. Ito ay ginagamit upang ma-seal ang punit ng eardrum. Maaari ding irekomenda niya ang operasyon kapag hindi napagaling ng patch ang iyong eardrum.

Matuto pa tungkol sa Ear Conditions dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Ruptured eardrum (perforated eardrum), https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/ruptured-eardrum/diagnosis-treatment/drc-20351884#:~:text=Most%20ruptured%20(perforated)%20eardrums%20heal,close%20the%20tear%20or%20hole. Accessed August 4, 2022

Ruptured Eardrum: Symptoms and Treatments, https://www.webmd.com/pain-management/ruptured-eardrum-symptoms-and-treatments#091e9c5e804b24de-1-2, Accessed August 4, 2022

Eardrum Injuries, https://kidshealth.org/en/teens/eardrum-injuries.html, Accessed August 4, 2022

Perforated Eardrum, https://www.hopkinsallchildrens.org/Patients-Families/Health-Library/HealthDocNew/Perforated-Eardrum, Accessed August 4, 2022

Ear Bleeding, https://my.clevelandclinic.org/health/symptoms/21084-ear-bleeding, Accessed August 4, 2022

Kasalukuyang Version

10/26/2022

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Mga Uri ng Hearing Aids: Ano ang mga pagkakaiba at Paano Sila Nakakatulong?

Ano ang Candling? Epektibo ba ang Ear Candling?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement