Nagpositibo ang TWICE members sa COVID-19, matapos nilang dumating sa South Korea mula sa kanilang concert tour sa US noong May 21. Isinagawa ang kanilang TWICE 4th World Tour III sa Los Angeles sa Banc of California Stadium, noong May 14 at 15. Bumalik ang Kpop Girl Group sa South Korea noong May 21.
Mula sa announcement ng JYP Entertainment (TWICE’s agency), kinumpirma na 3 sa miyembro ang nagpositibo sa ginawang COVID-19 PCR testing. Binigyang-diin din ng agency na lahat ng TWICE members ay negatibo sa COVID-19 PCR Testing nang dumating sa United States. Para sa daily antigen testings at para sa departure PCR testing [sa South Korea].
Sinu-sino ang TWICE members na nagpositibo?
“We are sad to inform you that TWICE members Nayeon, Momo, and Tzuyu have tested positive for COVID-19 PCR testing,” pahayag ng JYP Entertainment.
Ang TWICE lead vocalist, lead dancer at center na si Nayeon. Maging TWICE main dancer, sub vocalist at sub rapper na si Momo — at TWICE lead dancer, sub vocalist at visual na si Tzuyu ay positibo sa COVID-19.
Ayon din sa kanilang agency nakumpleto nina Nayeon, Momo at Tzuyu ng 3rd round of vaccination.
Kumusta na ang TWICE members na nagpositibo?
Kasalukuyang nagpapahinga at nasa ilalim ng quarantine alinsunod sa guidelines ng health authorities. Ang 3 members ay nakakaranas ng mild symptoms. Habang si Nayeon ay mayroong fatigue at sina Momo at Tzuyu ay parehong nakakaranas ng ubo.
“We apologize for causing concerns among TWICE’s fans and related people. We will put our full effort to ensure our artists’ quick recovery, prioritizing their health,” pahayag ng agency.
Kasalukuyang sitwasyon sa Korea
Ang South Korea ay nagre-require sa kasalukuyan na dapat ang incoming travelers ay negatibo sa PCR test bago umalis. Naitala ang 19, 298 na mga bagong kaso ng COVID-19 ay 54 na bagong pagkamatay sa South Korea, noong May 22, 2022.
Patuloy pa rin ang pagkalat ng COVID-19 sa South Korea. Marami na ang KPOP Idol na tinamaan ng virus. Gaya nina Lisa at Rose ng Black Pink, Yeji at Chaeryeong ITZY — maging si V ng sikat na Boy Group na BTS.
Mga Tip para sa mga gustong mag-travel abroad
Bukod sa bagong 3 TWICE members na positibo sa COVID-19. Bago sila umalis, naunang nagpositibo ang isa pa sa miyembro ng TWICE na si Sana — ang sub-vocalist ng grupo. Naiwan siya sa Japan kung saan isinagawa ang Tokyo Dome Concert.
“We are sorry to inform you that TWICE member Sana has tested positive for COVID-19 today (April 26th) after PCR testing for departure. Sana arrived in Japan on April 16th (Saturday) and was released from quarantine on April 20th (Wednesday), testing negative for two PCR testings,” pahayag ng JYP.
Kaugnay nito, makikita natin ang patuloy na paghihigpit ng mga bansa tungkol sa pagpapasok ng mga traveller sa kani-kanilang bansa. Dahil katulad ni Sana, kailangan niyang magnegatibo sa test para makapasok at balik siya sa kanyang bansa.
Narito ang mga ilang tips na pwede mong gawin para masigurado ang iyong kaligtasan sa paglalakbay sa ibang bansa:
- Siguraduhing up-to-date ang COVID-19 vaccines bago mag-travel
- Laging isuot ang mask, lalo na sa public places at spaces
- Sundin ang mga requirements na hinihingi ng bansang nais puntahan
- Huwag munang mag-travel kung nakakaranas ng mga sintomas na may kaugnayan sa COVID-19
- Iwasang magkaroon ng close contact sa mga COVID-19 positive patients
- Patuloy na isagawa ang proper hygiene
- Kumain ng mga masustansyang pagkain
- Uminom ng vitamins na recommended ng iyong doktor
- Pagsunod sa health protocols alinsunod sa health authorities
Key Takeaways
Larawan mula sa Instagram