backup og meta

'Super Flu' sa Pilipinas: Dapat ba itong ikabahala?

Kasalukuyang dumarami ang kaso ng tinatawag na ‘Super Flu‘ sa Pilipinas. Dapat ba itong ikabahala? Paano makakaiwas dito, at ano nga ba ang dapat gawin kung sakaling ikaw ay mahawa nito? Magbasa rito at alamin.

'Super Flu' sa Pilipinas: Dapat ba itong ikabahala?

Super Flu sa Pilipinas: Bagong variant ng A(H3N2)

Ang tinatawag na ‘super flu’ ay napag-alamang isang variant ng influenza virus na A(H3N2). Bahagi ito ng tinatawag na ‘seasonal flu’, kung saan ay tumataas ang mga kaso ng flu dahil sa pagbabago ng panahon. Ayon sa WHO1, nagsimula pa noong Agosto ng 2025 ang pagtaas ng mga kaso sa buong mundo, ngunit pasok pa rin ito sa inaasahang pagtaas ng kaso sa panahon ng seasonal flu.

Ang variant rin na ito ang hinihinalang nagdulot ng mga flu outbreak sa Canada, Japan, UK, at kasalukuyan dito sa Pilipinas.

Hindi raw ito dapat ikatakot, ayon sa DOH

Ayon naman sa DOH, hindi raw dapat ikatakot o kay ikabahala ang bagong variant na ito. Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa2, ang 17 recorded na kaso ng super flu sa Pilipinas noong nakaraang taon, at gumaling na rin ang lahat ng nagkasakit. Aniya, isa itong ‘seasonal infectious disease’ at ang mga malubhang kaso ay kadalasang nakikita sa mga taong immunocompromised o mahina ang immune system.

Dagdag pa niya na mas lumalala ang mga kaso ng super flu sa USA at sa UK dahil sa kasalukuyang panahon doon. “Matindi, malamig na malamig kasi doon ngayon,” aniya. Ngunit sa Pilipinas naman daw ay madalas sa panahon ng tag-ulan dumarami ang kaso ng flu, kaya’t hindi dapat ikabahala ang posibilidad ng outbreak ng super flu.

Gayunpaman, inirerekomenda niya na magpabakuna ang mga high-risk na indibidwal dahil posibleng mas malubha ang tama sa kanila ng sakit. Bukod dito, pinag-iingat rin ng Health Secretary ang mga nagnanais na magpunta sa malalamig na bansa. Kung maaari raw, kumuha ng North Hemisphere na vaccine ang mga nais magpunta sa bansang iyon.

Baka raw ito umabot hanggang Pebrero

Ayon naman sa infectious disease specialist na si Dr. Rontgene Solante2, posible raw na umabot hanggang Pebrero ang pagkalat ng tinatawag na ‘super flu’. “It’s a highly transmissible type of virus. Most of [the sick ones] are in the NCR… Especially now, wala na nagfe-face mask, maraming lumalabas, pumupunta sa mall. This season is also where a virus can circulate more and faster,” ayon kay Dr. Solante.

Dagdag pa niya na kailangan pa rin ng ibayong pag-iingat pagdating sa bagong strain ng flu na ito: It’s not something na ordinary lang. Kailangan pa rin natin maging aware sa ganitong sakit,” Solante said. “Hindi lang respiratory ang complications ng flu. It could also lead to sakit sa puso, kagaya ng atake sa puso. Even a stroke could be a manifestation of an infection.”

Ano nga ba ang super flu at paano ito maiiwasan?

Ang ‘super flu’ na kung tawagin ay isang variant ng influenza na nagkaroon ng mga mutation na nagpapabilis o nagpapatindi ng pagkahawa4. Normal na sa mga flu virus ang magkaroon ng mutation; ito ang dahilan kaya’t taon-taon ay may bagong bakuna para dito. Ngunit may mga pagkakataon na ang mga mutation ay nagiging dahilan upang kumalat ng mas mabilis ang sakit. Kapag nangyayari ito, posibleng tawaging ‘super flu’ ang isang strain ng sakit.

Ang pangunahing alalahanin sa mga super flu ay ang kawalan ng bisa ng kasalukuyang bakuna laban dito. Ito ay dahil posibleng mabisa sa pinagmulan na strain ang bakuna, ngunit dahil sa mutation ay hindi na ito ganung ka-bisa. Kaya mahalaga na palakasin ang resistensya, magsuot ng mask, at maging maingat pag lumalabas upang hindi mahawa ng sakit.

Mahalaga rin ang pagpapapabakuna taon-taon laban sa flu dahil nakakatulong ito para palakasin ang immune system laban sa super flu sa Pilipinas.

Tandaan

Hindi agad dapat mabahala sa mga kaso ng super flu. Bagama’t posibleng mas nakahahawa ito, maaari itong maiwasan gamit ang face mask, pagpapabakuna, at pag-iwas sa mga mataong lugar o kaya mga taong mayroong sakit.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Kasalukuyang Version

01/09/2026

Isinulat ni Jan Alwyn Batara

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Lalaking May Cancer Sa Dila At Ketong Disease, Isa Ng UP Degree Holder!

Aktres na si Barbie Hsu, Namatay Sa Sakit Na Pneumonia


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Jan Alwyn Batara · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas