Nagsagawa ang Philippine vlogger na si Rosanel Demasudlay ng isang video tungkol sa heart-shaped “virginity soap”, kung saan tinitiyak niya sa kanyang daan-daang tagasubaybay sa YouTube na ligtas itong gamitin upang “ma-tighten” o “sumikip” ang ari ng mga babae.
Gayunpaman, ang kanyang video ay bahagi ng isang bogus at mapaminsalang mga medikal na post sa mga social media platform, at kabilang ang mga Pilipino sa mga pinakamabibigat na gumagamit nito sa buong mundo.
Mabilis ang pagkalat ng video tungkol sa virginity soap o bilat bar dahil na rin sa pagshe-share ng mga netizen sa iba’t ibang social media platforms. Ngunit ayon sa Food and Drug Administration (FDA), hindi dapat tangkilikin o bilhin ang mga unauthorized cosmetic product.
Kaya naman ang tanong ngayon ng karamihan tungkol sa virginity soap, ligtas ba itong gamitin at aprubado ba ito ng FDA, sa kabila na ginamit ang virginity soap bilang kagamitan sa mapaminsalang medical post? Alamin dito!
Isa ba ang virginity soap sa skin products na dapat iwasan?
Tinatawag rin na bilat soap ang virginity soap dahil ang produkto na ito ay para rin sa vagina ng babae. Kung saan ang ibig sabihin ng “bilat” ay “vagina” sa isang lokal na wika sa Pilipinas.
Bukod pa rito, ayon sa mga balitang lumabas kaugnay sa 15 minutong video ni Demasudlay tungkol sa sabon nai-post noong Agosto 2022, inaprubahan ng FDA ang “Bar Bilat Virginity Soap” bilang isang paggamot para sa mga kondisyon ng balat at isang paraan upang sumikip ang ari ng babae.
Ngunit taliwas ito sa stand ng FDA, dahil nagbigay ito ng babala sa mga mamimili laban sa paggamit ng “hindi awtorisadong” sabon dahil sa mga posibleng panganib sa kalusugan na pwedeng idulot ng skin products na dapat iwasan.
Maaaring makaranas ng pangangati ng balat at organ failure ang sinumang gumamit ng mga unauthorized skin products.
Dagdag pa rito, matapos ang ilang buwan Inamin din ni Demasudlay sa isa pang video na ang virginity soap ay nagdulot ng pangangati na halos maging sanhi ng kanyang pagdurugo—pero patuloy pa rin siya sa pag-promote ng produktong ito.
Bakit hindi aprubado ng FDA ang virginity soap?
Pinag-iingat ang mamimili sa pagbili ng bilat soap, dahil kinikilala ito bilang “unauthorized cosmetic product” na hindi dumaan sa notification process ng FDA. Kaya naman hindi masisiguro ng ahensya ang kalidad at kaligtasan ng mga ito. Ang paggamit ng mga produktong hindi awtorisado ay maaaring magdulot ng mga panganib sa kalusugan.
Kung saan ang mga potensyal na panganib ay maaaring magmula sa mga sangkap na hindi pinapayagang maging bahagi ng isang cosmetic product o mula sa kontaminasyon ng “heavy metals”. Tandaan mo rin na ang paggamit ng substandard at adulterated cosmetic product ay pwedeng magresulta sa masamang reaksyon gaya ng mga sumusunod:
- pangangati ng balat
- anaphylactic shock
- organ failure
Bakit mabilis ang pagkalat ng misinformation tungkol sa untested cosmetic products?
Isa ang Pilipinas sa “third world country” o itinuturing na mahirap na bansa. Kaya maraming Pilipino ang naghanap ng remedies online dahil mas mura at mas madaling ma-access ang mga ito.
Kuagnay nito, nakita ng Fact Check team ng Agence France-Presse (AFP) sa kasagsagan ng pandemya ang explosion ng maling impormasyon tungkol sa mga untested products, skin products na dapat iwasan, at quick-fix treatments para sa mga malalang sakit. Bagama’t bago pa man ang pandemya ay laganap na ang misinformation sa Pilipinas.
Ayon sa artikulo na isinulat ni Agence France-Presse, lumilitaw na karamihan sa mga misinformation na kumakalat ay “free post” o “paid advertisements” sa Facebook. Maaari silang mag-circulate ng ilang linggo o kahit na buwan nang walang pagtuklas o detection habang ang Facebook ay nagpupumilit na makasabay sa torrent ng maling impormasyon sa platform.
Payo ng mga doktor para maiwasan ang misinformation tungkol sa skin products na dapat iwasan
Para manatiling ligtas ang kalusugan ng balat, mainam kung magpakonsulta muna sa isang dermatologist upang malaman ang angkop na skin products sa balat. Iba-iba ang skin type ng tao, kaya may posibilidad na maging iba ang epekto ng mga produkto sa bawat uri ng balat. Dagdag pa rito, makakatulong din ang pagpapakonsulta sa doktor para maiwasan ang pagbili ng mga unauthorized products na pwedeng makapinsala sa iyong kalusugan. Maaari kang magtanong sa iyong dermatologist kung ano ang mga skin product na aprubado ng FDA na pwede mong gamitin.