backup og meta

Ika-8 bilyong tao sa mundo, ipinanganak sa Manila!

Ika-8 bilyong tao sa mundo, ipinanganak sa Manila!

Matagumpay na ipinanganak ang baby girl na kumakatawan sa ika-8 bilyon na tao sa mundo sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Maynila noong ika-15 ng Nobyembre, araw ng Martes. Kung saan ang ospital na kanyang naging birthplace ay pinamamahalaan ng gobyerno na itinalaga bilang pambansang maternity hospital sa Pilpinas. Kilala rin ito bilang pinakaabalang maternity facility sa mundo, na may 60 hanggang 80 sanggol na ipinapanganak sa bawat araw. 

“So we just witnessed the world’s 8th billion baby in the Philippines. So we waited around two hours starting 11 p.m. last night and the baby was delivered at around 1:29 a.m., normal spontaneous delivery,” pahayag ng hospital’s chief medical professional staff, Dr. Romeo Bituin.

Dagdag pa rito, batay na rin sa report ni Nico Waje ng GMA News’ Unang Hirit isinilang si baby girl eksaktong 1:29 am. Ang kanyang kapanganakan ay naging hudyat ng pagiging opisyal niyang bahagi sa populasyon ng mundo na ipinagdiwang ng Commission on Population and Development ng Pilipinas.

“The world has reached another population milestone after a baby girl born in Tondo, Manila was chosen to symbolically mark the eight billionth person in the world,” pahayag sa Facebook post ng Philippines’ Commission on Population and Development.

Pinangalanan na Vinice Mabansag ang sanggol na babae na ipinanganak ni Maria Margarette Villorente. 

Populasyon sa mundo, gaano na nga ba karami?

Ayon sa mga ulat inabot ng 12 taon ang ating mundo upang magkaroon tayo ng isang bilyong tao na maidadagdag sa pandaigdigang populasyon. Sa ngayon ang India ang malapit nang mag-overtake sa China bilang ang pinakamataong bansa sa mundo sa susunod na taon.

Bukod pa rito, sinabi rin ng United Nations na ang pandaigdigang milestone na ito ay nagpapahiwatig ng malaking pagpapabuti sa kalusugan ng publiko, dahil napababa nito ang risk of death at tumaas ang life expectancy o pag-asang mabuhay. Gayunpaman, ang sandali at balitang ito ay isa ring malinaw na panawagan para sa sangkatauhan na tumingin nang higit pa sa mga bilang at tugunan ang “shared responsibilities” nito na protektahan ang mga tao at ang mundo.

“8 billion hopes. 8 billion dreams. 8 billion possibilities. Our planet is now home to 8 billion people,” mula sa tweet ng United Nations Population Fund (UNFPA).

Batay na rin sa ulat mula sa World News, ang pagtaas ng populasyon ng mundo sa nakalipas na siglo ay medyo mas mabilis, at sa kabila ng unti-unting pagbagal sa bilis ng paglago, ang pandaigdigang populasyon ay inaasahang hihigit sa 9 bilyon sa 2037 — at 10 bilyon sa taong 2058, ayon sa estimasyon ng UN.

Ayon sa UN (World Population Prospects 2019) at Statistics Times, ang kasalukuyang populasyon ng Pilipinas ay nasa 113,062,913 noong Nobyembre 15, 2022. Dagdag pa rito, batay na rin sa interpolation ng pinakabagong data ng United Nations, ang populasyon ng Pilipinas ay tinatayang nasa 111,046,913 o 111.047 milyon noong Hulyo 1, 2021. Habang ang kabuuang populasyon naman sa bansa para sa taong 2022 ay nasa 109,581,078 o 109.581 milyong katao.

Kaya naman hindi nakapagtataka kung ang Pilipinas ay rank 13 sa world population pagdating sa list ng 235 na bansa o teritoryo. Habang nasa rank 7 naman ang Pilipinas sa 51 na bansa sa Asya.

Kailan ang estimated population peak sa Pilipinas?

Batay muli sa UN (World Population Prospects 2019) at Statistics Times ang population peak sa Pilipinas na may 153.36 milyong katao ay nasa taong 2076, pagkatapos bumaba ng populasyon sa Pilipinas taon-taon. 

Dagdag pa rito, ang populasyon ng Pilipinas ay inaasahang aabot sa 123.70 milyon sa 2030 at bababa sa 144.49 milyon sa 2050 — at 146.33 milyon naman sa 2100. 

Key Takeaways

Maituturing na pandaigdigang milestone ang pagkakaroon ng Pilipinas ng isang batang sumisimbolo sa ika-8 bilyong tao sa mundo. Sapagkat maaari itong magpakita nang malaking pagpapabuti sa kalusugan ng publiko. Subalit ang balitang din ito ay isa ring malinaw na panawagan para sa lahat na tugunan ang “shared responsibilities” sa pagprotekta sa bawat tao at ang pagkakaroon ng disiplina sa paggawa ng buhay.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Filipino baby girl is ‘symbolic’ 8 billionth person in the world, https://www.philstar.com/lifestyle/on-the-radar/2022/11/15/2224020/filipino-baby-girl-symbolic-8-billionth-person-world Accessed November 15, 2022

Symbolic “Eight Billionth Baby” Born In Manila, https://www.ndtv.com/world-news/world-population-at-8-billion-symbolic-eight-billionth-baby-born-in-manila-3521828 Accessed November 15, 2022

World population to hit 8 billion this year; India to overtake China as most populous country in 2023—UN, https://newsinfo.inquirer.net/1625699/world-population-to-hit-8-billion-this-year-india-to-overtake-china-as-most-populous-country-in-2023-un Accessed November 15, 2022

PopCom: World may have reached 8 billion population but PH fertility rate dropping, https://newsinfo.inquirer.net/1693180/popcom-world-may-have-reached-8-billion-population-but-ph-fertility-rate-dropping Accessed November 15, 2022

Population of the Philippines, https://statisticstimes.com/demographics/country/philippines-population.php Accessed November 15, 2022

 

Kasalukuyang Version

11/26/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Virginity Soap o Bar Bilat: Ligtas At Aprubado Ba Itong Gamitin?

Pagdami Ng Populasyon, Bumabagal Na Raw Ayon Sa PopCom


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement