Binigyang-diin din ng health platform na ito na kailangan ng mahusay at matinong pamumuno. Para mas makapagsilbi at magamit pa ng mas nakakaraming Pilipino sa panahon ng pangangailangan.
Bakuna Distribution Network
Ito ang pagpapalakas sa Local Health Units para maisagawa ang pagbabakuna sa kanilang lokalidad. Magkakaroon ng karagdagang personnel at training sa mga local health worker. Bubuo rin ng mas maayos na delivery chain, upang hindi matigil o antala ang mga bakuna.
Sa pagbubuod, nilalayon ng platapormang ito na matugunan ang atensyong medikal ng mga Pilipino, at maibigay ang angkop na benepisyo para sa healthcare workers. Maging ang pagkakaroon ng pagsasaayos sa health care system ng bansa.
Healthcare Para Sa Mga Taong May Kapansanan
Bukod sa Kalayaan Covid Plan, kung mananalo si Leni Robredo bilang susunod na Pangulo ng bansa. Nais din niyang pagtuunan ng pansin ang sektor ng kapansanan. Nangako siya sa full implementation ng accessibility law, at mandatory health insurance — para sa mga taong may disabilities (PWDs).
“Alam ‘nyo din na disability runs in the family. Kaya personal ito sa amin. Hindi lang siya parang advocacy na in-adopt, pero personal na pakikipaglaban dahil sa pamilya ay…maraming mga members of the family ang may kapansanan,” pahayag ni Robredo.
Lumahok si Leni Robredo sa 21 iba pang lumagda, mula sa iba’t ibang disability-affiliated organization. Para pumirma sa agenda ng kapansanan sa isang virtual ceremony na ginanap noong Pebrero 17.
Bukod sa pagpapalakas sa mga existing government policy. Nilalayon din ni Leni Robredo ang pagsuporta sa paghahanap ng trabaho ng mga PWD.
Plataporma Para Sa Kalusugan: Leody de Guzman

Matunog din ang pangalan ng isa sa presidential aspirant na si Leody de Guzman. Isa siyang labor leader na nagtulak ng mga polisiya para matiyak ang karapatan ng mga manggagawa mula 1984. Siya ay tumakbong senador noong 2019 sa ilalim ng tagline “Manggagawa Naman”, subalit natalo sa eleksyon.
Sa pagtakbo niya sa kandidatura ng pagka-Presidente, bukod sa pagsusulong niya ng karapatan ng mga manggagawa. Nais din niyang maisagawa ang libreng COVID-19 mass testing. Bilang bahagi ng pagtugon sa problema at krisis na kinahaharap, dahil sa pandemya.
Plataporma Para Sa Kalusugan: Isko Moreno Domagoso

Kasalukuyang mayor ng Lungsod ng Maynila si Francisco “Isko Moreno” Domagoso. Siya’y nagsilbing Vice Mayor mula 2007-2016 sa Lungsod din ng Maynila — at tumakbo siya sa pagka-Senador, subalit natalo sa eleksyon noong 2016.
Naging chairman ng board ng North Luzon Railways Corporation, dahil sa pag-appoint sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte. At kinalaunan, naging undersecretary siya sa Department of Social Welfare and Development.
Ngayong 2022 election, siya ay tumatakbo sa pagka-Pangulo, at narito ang kanyang mga sumusunod na plataporma para sa sektor ng pangkalusugan:
Healthcare Benefits
Ayon sa standard bearer ng Aksyon Demokratiko na si Isko Moreno Domagoso. Sa oras na mahalal siya bilang Pangulo — ang gobyerno ay magbibigay ng additional healthcare benefits. Partikular sa mga manggagawa ng iba’t ibang economic at industrial zones sa bansa.
Dagdag pa rito, nais din siguraduhin ni Isko Moreno na magkakaroon ng increase sa sweldo — at makukuha ng mga empleyado ang kanilang Special Risk Allowance (SRAs).
Ipinangako din ng presidential aspirant, ang pagkakaroon ng healthcare benefits ng mga Pilipino. At para makamit ito, hindi pipili ng unqualified ‘retirees — bagkus, ang pipiliin lamang ay finance experts para mag-lead sa PhilHealth.
Isa pa sa iminumungkahi ni Isko Moreno, ang pagpapatayo at pag-upgrade sa regional hospitals, para sa world-class standard. Ito ay kanyang ipapatupad sa oras na siya ay mahalal sa pagka-Pangulo.
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap