backup og meta

Pamamaga Ng Mata: Ano Ang Sanhi Nito, At Ano Ang Posibleng Komplikasyon?

Pamamaga Ng Mata: Ano Ang Sanhi Nito, At Ano Ang Posibleng Komplikasyon?

Maraming tao ang nakakaranas ng pamamaga ng mata. Subalit, paano kung ang pamamaga ay mauwi sa pagkaluwa, at maging sanhi ng pagkabulag? Mayroon bang paraan para malunasan at masolusyunan ito?

Ayon sa GMA Public Affairs sa ulat ni JP Soriano sa “Dapat Alam Mo!” Naging sobrang hirap ng kasalukuyang sitwasyon ni Magno Andaguer. Matapos mamaga at lumuwa ang kanyang dalawang mata. Sanhi para maapektuhan ang kondisyon ng kanyang paningin. Maraming netizen ang naawa sa kanya, noong mapanood ang TikTok video ni Charey.

Ang 50-anyos na amang nakatira sa Cotabato City ay nagsimulang makaramdam ng sintomas noong 2017 pa. Subalit, hindi siya nagpakonsulta sa doktor, dahil sa mahirap na estado ng kanilang pamumuhay.

“May po nagsimula. Ang feeling niya ay nagbu-blur ‘yung paningin niya, tapos nagluha-luha na siya. Unti-unti na ring nag-iiba ‘yung paningin at saka ‘yung mata, nag-iiba na. Nakapagsasalita naman siya, nakakapaggalaw,” pahayag ni Charey.

Pamamaga ng mata: Ano ang tawag sa kondisyon?

Para masigurado ang kalagayan ni Magno Andaguer, siya ay ipinakonsulta kay Dr. Zackia Glang. Ang check-up ay isinagawa sa pamamagitan ng online. Inihabilin ng clinical optometrist sa isang eye specialist sa kanilang lugar.

Batay na rin kay Dr. Glang, hindi pa pwedeng i-diagnose ang kondisyon ni Magno Andaguer. Dahil kailangan munang mapatingnan ang kanyang thyroid function. Para matukoy kung ito ba’y resulta ng hyperthyroidism. 

Iminumungkahi rin na maipa-CT scan si Magnio Andaguer upang malaman kung may tumubo na ba sa kanyang mga mata. Dahilan para mas lalong lumuwa ang kanyang mga mata.

Pamamaga ng mata: Ano ang posibleng dahilan?

Ang pamamaga ng mata ay pwedeng resulta ng “thyroid eye disease”. Isa itong rare disease na nailalarawan bilang “progressive inflammation” o progresibong pamamaga — at pinsala sa tissues ng paligid ng mata. Partikular sa extraocular muscle, connective at fatty tissue.

Kilala rin ang thyroid eye disease bilang Grave’s eye disease o Grave’s Ophthalmopathy. Madalas itong nadedebelop sa mga taong may overactive thyroid na sanhi ng Grave disease. 

Pamamaga ng mata: Paano ito humahantong sa pagluwa ng mga mata?

Kung hindi maagapan ang thyroid eye disease, pwede itong humantong sa iba’t ibang komplikasyon at pagkaluwa ng mata. Sapagkat, ang kondisyong ito ang nagiging dahilan ng pamamaga ng muscles — at soft tissues sa eye socket ng mata. Itinutulak nito ang eyeball pasulong. Sanhi para magkaroon ng iba’t ibang eye symptoms, gaya ng nakaumbok na mata.

Ano ang mga sintomas ng thyroid eye disease?

Iminumungkahi ng research na ang thyroid disease at thyroid eye disease ay isang autoimmune disorder. Ito ang imbalance o recognition problem na nangyayari sa ating immune system. Sinasabing nakakaapekto ito sa thyroid at kadalasan sa balat at sa mata. Maraming sintomas ang maiuugnay sa sakit na ito. Mahalaga na malaman ito para sa medikal na atensyon at payo. Narito ang mga sumusunod na thyroid eye disease:

  • Pagkakaroon ng double vision
  • Pakiramdam ng iritasyon sa mata
  • Pamumula o pamamasa sa conjunctiva (ang puting bahagi ng eyeball)
  • Sobrang pagluha
  • Pagkakaroon ng tuyong mata o dry eyes
  • Pamamaga ng eyelids
  • Pagiging sensitibo sa liwanag (photophobia)
  • Paghihirap o difficulty sa paggalaw ng mata
  • Ang paningin ay nagiging blurred at ang kulay na iyong nakikita ay hindi gaanong vivid

Komplikasyon na maaaring makuha sa thyroid eye disease

Kapag hindi ito naagapan o hindi nabigyan ng tamang paggamot. Maaari itong humantong sa mga sumusunod:

  • Pagkasira ng clear window ng mata (cornea)
  • Permanenteng squint o double vision (diplopia)
  • Pagkawasak ng nerve sa mata
  • Pagkakaroon ng mahinang paningin
  • Pagluwa ng mata

Anu-ano ang pwedeng gamitin sa pag-diagnose ng thyroid eye disease?

Hindi lahat ng pamamaga ay dahil sa thyroid eye disease. Tandaan na hindi ka basta-bastang ida-diagnose na may ganitong kondisyon. Lalo na kung hindi ka dadaan sa mga pagsusuri. Narito ang ilan sa mga sumusunod na test na pwedeng isagawa sa pag-diagnose ng kondisyon:

Blood test

Minsan, ang blood test ay kinakailangan para sa back up ng diagnosis. Tinitingnan dito kung gaano kahusay gumagana ang thyroid gland. Sa pamamagitan ng pagsukat ng chemical messengers (hormones) sa bloodstream ng isang tao. Dagdag pa rito, pwedeng magsagawa rin ng specialised blood test upang sukatin ang antibodies sa’yong dugo.

Scans

Kinakailangan minsan gawin ang thyroid scan at uptake test, upang makita kung gaano kaaktibo ang thyroid gland. Ang mga doktor ay ginagamit din ito kapag kailangan nilang tingnan ang dami ng pamamaga sa eye socket (orbit). Pwede silang mag-organisa ng magnetic resonance imaging (MRI). Ginagamit naman ito para makita kung anong tissue ang pinakaapektado.

Iba pang test

Maaari kang i-assess ng iyong doktor sa pamamagitan ng pag-alam ng iyong general sight. Kasama rito, ang pagtingin sa kakayahan mong makakita ng kulay — at gaano kahusay ang iyong peripheral vision. Pwede rin sila magsagawa ng test sa pagsusuri ng iyong eye movement. Para makita kung gaano naapektuhan ang muscles ng mata.

Paano ginagamot ang thyroid eye disease?

Narito ang mga sumusunod na maaaring gawin upang pamahalaan ang kondisyon:

  • Magsuot ng sunglasses
  • Gumamit ng lubricating eye drops
  • I-elevate ang ulo ng iyong kama
  • Pagsusuot ng prisms glasses
  • Treatment gamit ang steroids
  • Eyelid surgery
  • Eye Muscle Surgery
  • Orbital Decompression Surgery

Tandaan, laging magpakonsulta muna sa doktor para sa angkop na diagnosis at paggamot. Para maiwasan ang anumang malalang komplikasyon. Dahil ang maling treatment ay pwedeng magdulot ng iba’t ibang komplikasyon. Narito ang mga sumusunod:

  • Side effects myla sa immunosuppressive medicines
  • Mga side effects mula sa surgery:
  • New double vision
  • Pagkawala ng paningin

Key Takeaways

Ang pamamaga ng mata ay pwedeng humantong sa pagkaluwa nito. Lalo na kung ikaw ay may thyroid eye disease. Ngunit, hindi lahat ng pamamaga ng mata ay dahil sa Grave’s eye disease. Huwag din kakalimutan, na hindi ka basta-basta mada-daignose nito hangga’t walang test na isinasagawa sa’yo. Sa oras na makaranas ng anumang sintomas kaugnay sa kondisyon. Magpakonsulta agad sa doktor para maagapan ito at maiwasan ang malalang komplikasyon.

Larawan mula sa YouTube (GMA Public Affairs)

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Thyroid Eye Disease https://rarediseases.org/rare-diseases/thyroid-eye-disease/#:~:text=Thyroid%20eye%20disease%20is%20a,swelling%2C%20and%20tissue%20changes%20occur. Accessed May 17, 2022

Thyroid Eye Disease

https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/17558-thyroid-eye-disease Accessed May 17, 2022

Graves’ Eye Disease (Graves’ Ophthalmopathy or Graves’ Orbitopathy) https://www.thyroid.org/graves-eye-disease/ Accessed May 17, 2022

Thyroid Eye Disease

https://patient.info/hormones/overactive-thyroid-gland-hyperthyroidism/thyroid-eye-disease Accessed May 17, 2022

Complications – Overactive thyroid (hyperthyroidism)

https://www.nhs.uk/conditions/overactive-thyroid-hyperthyroidism/complications/ Accessed May 17, 2022

Kasalukuyang Version

06/02/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Dexter Macalintal, MD


Mga Kaugnay na Post

Virginity Soap o Bar Bilat: Ligtas At Aprubado Ba Itong Gamitin?

Pagdami Ng Populasyon, Bumabagal Na Raw Ayon Sa PopCom


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement