backup og meta

Pagsusuot ng face mask: Maaaring opsyonal na sa Pilipinas!

Pagsusuot ng face mask: Maaaring opsyonal na sa Pilipinas!

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Executive Order (EO) No. 3, na nagpapahintulot sa boluntaryong pagsusuot ng face mask sa outdoor setting, partikular na sa mga bukas, maluluwag, at hindi matatao na lugar na may magandang bentilasyon. 

Ang balitang ito ay inaanunsyo ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles noong ika-12 ng Setyembre, araw ng Lunes. Ang EO na ito ang nagpapahintulot na opsyonal ang pagsusuot ng face mask sa outdoor setting. Ngunit ang mga hindi pa fully vaccinated, senior citizens, at mga immunocompromised (mahina ang resistensya) ay lubusang hinihikayat pa rin na magsuot ng mask at isagawa ang physical distancing sa lahat ng oras. 

“Naglabas po tayo today ng Executive Order No. 3 (we have released EO No. 3) allowing voluntary wearing of face masks in outdoor settings and reiterating the continued implementation of minimum public health standards during the state of public health emergency relating to the CCOVID-19 pandemic,” paglalahad ni Press Secretary Trixie sa Palace press briefing.

Ayon na rin sa naging pahayag ng Press Secretary, agad na ipapatupad ang Executive Order na pinirmahan ng Pangulo.

Sino ang mga hinihikayat na manatili sa paggamit ng face mask sa labas o outdoor setting?

Ang mga tao na hindi pa fully vaccinated o kumpleto sa kanilang COVID-19 vaccination series, senior citizen, at immunocompromised ay hinihikayat manitili sa pagsusuot ng face mask.

“Ito na po ‘yung ina-announce ng DOH na voluntary wearing of face masks outdoors, in non-crowded places, provided… kung kayo ay immunocompromised, seniors or hindi kumpleto ang bakuna, kailangan pa rin po mag-face mask or strongly encouraged ang face masks,” pagdadagdag ni Cruz-Angeles.

Dagdag pa rito, kinakailangan pa rin nilang gawin ang physical distancing sa lahat ng oras at pagkakataon.

Saan na lamang dapat gawin ang pagsusuot ng face mask?

Ayon sa EO na inilabas, ang face mask ay dapat pa ring isuot sa mga sumusunod na lugar:

  • indoor na mga establisyemento, mapa-private o public 
  • sa mga sinasakyan na pang-transportasyon, mapa sa lupa, hangin, o dagat
  • mga lugar sa labas o outdoor setting kung saan hindi kayang maisakatuparan ang physical distancing

Mahalaga na makapagsuot pa rin ng face mask sa mga lugar na ito dahil may mga posibilidad at sitwasyon na hindi nasusunod ang physical distancing. 

Idinagdag din ni Cruz-Angeles na ang iba pang minimum public health standards (MPHS) na naglalayon na maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa Pilipinas ay dapat pa ring sundin kasama ng mga sumusunod na prinsipyo:

  • shared accountability
  • evidence-based decision making
  • socio-economic equity
  • rights-based approach

Bakit kinakailangan ipatupad ang EO No.3? 

Ayon kay Cruz-Angeles inutusan ang Department of Health (DOH) na i-update ang minimum public health standards (MPHS) guidelines sa gitna ng pagpapalabas ng EO No. 3 upang maipatupad ito kaagad.

“This order shall take effect immediately upon its publication in the OG (Official Gazette) or newspaper of general circulations,” pahayag ni Cruz-Angeles.

Gumawa ng desisyon ang Presidente sa boluntaryong pagsusuot ng face mask sa outdoor settings dahil nasa 6% na ang layo ng bansa sa “wall of immunity.”

“He had imposed a condition and one of that is the establishment of the wall of immunity since we are 6% away from that then it’s time. So we’re doing this in stages, in phases so that we can have feedback on whether or not these new policies are working and how to make them more efficient,” paglalahad ni Cruz-Angeles.

Pagiging bukas para sa feedback

Batay sa naging pahayag ni Cruz-Angeles, ang boluntaryong pagsusuot ng face mask ay ipatutupad sa iba’t-ibang mga phases o yugto para makakuha ng feedback mula sa mga health authorities.

“We’re doing this in stages, in phases so that we can have feedback on whether or not these new policies are working and how to make them more efficient so that hopefully, by the end of the year, we might be able to be voluntarily masked indoors as well,” ayon kay Cruz-Angeles.

Pagdaragdag pa niya na sa oras na makita at masiyasat na ang voluntary face mask policy ay nagpataas ng COVID-19 cases, asahan na ang polisya na ito ay rerebyuhing muli.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Marcos signs order allowing voluntary use of face mask outdoors, https://www.cnnphilippines.com/news/2022/9/12/Marcos-signs-order-allowing-voluntary-face-mask-outdoors.html Accessed September 12, 2022

PBBM approves voluntary use of face masks outdoors, https://www.pna.gov.ph/articles/1183454 Accessed September 12, 2022

Palace allows voluntary use of face masks outdoors, https://www.manilatimes.net/2022/09/12/news/palace-allows-voluntary-use-of-face-masks-outdoors/1858183 Accessed September 12, 2022

To wear, or not wear, face masks vs COVID: The zigzag road PH is taking, https://newsinfo.inquirer.net/1662618/to-wear-or-not-wear-face-masks-vs-covid-the-zigzag-road-ph-is-taking Accessed September 12, 2022

Kasalukuyang Version

09/14/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Virginity Soap o Bar Bilat: Ligtas At Aprubado Ba Itong Gamitin?

Pagdami Ng Populasyon, Bumabagal Na Raw Ayon Sa PopCom


Narebyung medikal ni

Jaiem Maranan, RN MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement