Sinagot ng singer-songwriter na si Ariana Grande ang mga tanong sa online tungkol sa kanyang “appearance”. Humingi ng pag-unawa ang dalaga sa mga netizen na maging mabuti sa kanya pagkatapos niyang dumanas ng body shaming comments.
“The body that you’ve been comparing my current body to was the unhealthiest version of my body. I was on a lot of antidepressants and drinking them and eating poorly.” – Ariana Grande
Ginamit ni Ariana Grande ang TikTok upang tugunan ang mga negatibong komento tungkol sa kanyang pagpayat. Inilahad din ng singer-songwriter sa kanyang TikTok video ang kanyang mga nakaraang pakikibaka at kung bakit itinuturing niyang mas malusog ang kanyang pangangatawan ngayon kumpara dati. Binigyang-diin din niya na ang pagiging malusog ay maaaring makita sa iba’t ibang paraan.
“I was on a lot of antidepressants and drinking on them and eating poorly, and at the lowest point of my life when I looked the way you consider my healthy, but that in fact, wasn’t my healthy.”
Ang mga komento ng netizens sa pagpayat ni Ariana Grande ay naging sanhi ng maraming diskusyon tungkol sa mental health issues at awareness— at body shaming. Kaya naman napilitan ang singer na magsalita tungkol sa kanyang kasalukuyang sitwasyon.
“I know I shouldn’t have to explain that. But I do feel like maybe having an openness and some sort of vulnerability here, good might come from it.” – Ariana Grande.
Payo ni Ariana Grande sa mga netizen at fan
Bagama’t matindi ang pinagdadaanan at naging isyu ang pagpayat ni Ariana Grande sa social media, hindi pa rin nakalimutan ng dalaga na magbigay ng payo sa mga tao. Narito ang kanyang pahayag:
“No matter what you’re going through. No matter what weight, no matter how you like to do your makeup these days, no matter what cosmetic procedures you’ve had or not or anything.”
Dagdag pa niya:
“I think we should be gentler and less comfortable in commenting on people’s bodies no matter what. If you think you’re saying something good or well-intentioned, whatever it is — healthy, unhealthy, big, small, this, that, sexy, not sexy — we should really work towards not doing that as much.”
Hiniling din ni Ariana sa kanyang mga fan na maging maingat at mapanuri sa damdamin ng ibang tao.
“You never know what someone is going through, so even if you are coming from a loving and caring place, that person probably is working on it or has a support system that they are working on it with. You never know, so be gentle with each other and with yourselves.”
Mental Health issues ng singer-songwriter
Binanggit ni Ariana na ang kanyang anxiety at depression ay mataas, pagkatapos niyang i-cancel ang marami sa kanyang “meet and greets” noong 2019. Nagbigay rin siya ng pahayag sa kanyang Instagram, at ayon sa kanya:
“Today has been an extra rough one. After a handful of panic attacks, I feel like the wisest decision would be to not do a sound check party or m&g [meet and greet] today and preserve my energy for the show.”
Matatandaan din na na-diagnose ang dalaga ng Post Traumatic Stress Disorder (PTSD) noong 2018, kasunod ng mga kakila-kilabot na pambobomba naganap sa isa sa kanyang mga concert sa Manchester noong 2017 kung saan 22 katao ang namatay.
Key Takeaways
Ang pagpayat ni Ariana Grande ay naging malaking usapin dahil sa iba’t ibang perception ng tao sa pagiging malusog. Dahil para sa karamihan ang isang tao ay hindi malusog kung siya ay may payat na katawan. Gayunpaman, hindi sa lahat ng pagkakataon ay gumagana ito dahil magkakaiba ng health condition at status ang isang tao. Sa kaso ni Ariana, itinuturing niyang “unhealthiest” ang katawan niya dati dahil sa pag-inom niya ng mga gamot upang tugunan ang kanyang mental health issues at concern, ngunit para sa iba— ito ang malusog na bersyon ng kanyang pangangatawan dahil mas payat ang kanyang kasalukuyan katawan kumpara sa dati.