Noong Linggo (Agosto 14), ibinahagi ng Commision on Population and Development (PopCom) ang mabuting balita patungkol sa patuloy na pagbaba ng bilang ng mga bata noong 2020 sa bansa. Ang trend na ito ay patuloy na naobserbahan nitong mga nakaraang taon na ayon sa PopCom ay bunga ng wastong family planning. Alamin sa paanong paraan nakatutulong ang family planning sa pagdami ng populasyon sa artikulong ito.
Mga Datos Ukol Sa Pagdami Ng Populasyon
Sa pahayag ng PopCom, ibinahagi din nila ang kamakailang ulat na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA). Ayon sa kanilang pagtatala, mayroong 10.2% na mga batang Pilipinong wala pang 5 taong gulang noong 2020. Ito ay bumaba mula sa 10.8% noong 2015 at 12.6% noong 2000.
Bumaba rin ang porsyento ng pagdami ng populasyon ng mga Pilipinong wala pang 15 taong gulang. Mula sa 37% noong 2000, ito ay naging 30.7% noong 2020.
Nauna nang binanggit ng PopCom na naitala ng Pilipinas ang pinakamababang bilang ng mga kapanganakan sa loob ng 34 na taon. Mayroon lamang 1,516,042 na rehistradong kapanganakan sa bansa noong 2020.
“The dynamics of the Philippine population continue to see lower levels of fertility, as evidenced by the decline in numbers of children under 5 years old,” wika ni PopCom Executive Director Juan Antonio Perez III.
Epekto Ng Pandemya Sa Pagdami Ng Populasyon
Hindi maikakaila na malaki ang naging epekto ng pandemya sa mga numerong nabanggit batay sa mga datos. Sa pagtatapos ng 2021, ipinaliwanag ni Perez sa isang livecast ang epekto ng kasagsagan ng pandemya at krisis pang-ekonomiya. Binigyang-diin niya ang pagiging epektibo ng family planning programs na isinasagawa sa bansa.
“Filipinos remained prudent by continuing to delay having children or forming families during the combined economic crisis and COVID-19 health emergency. Couples in growing numbers continue to avail of family planning commodities and services in all regions of the country, with eight million users of modern family planning methods in 2020, or an addition of about 500,000 from 2019.”
Alinsunod dito, nagkaroon din ng pagdami ng populasyon ng mga Pilipinong gumagamit ng birth control noong 2020. Bahagyang tumaas ng 6% ang datos mula 2019, at ngayon ay may kabuuang 8,085,000 Pilipino ang gumagamit ng naturang paraan.
Gayunpaman, nangangailan pa rin ng suporta mula sa pambansang pamahalaan para sa contraceptive needs ng 7.6 milyong kababaihan.
Pag-Unawa Sa Dulot Ng Family Planning
Noong 2019, nagtalaga ang gobyerno ng tinatawag na National Program on Population and Family Planning (NPPFP). Ito ay pangunahing bahagi ng Responsible Parenthood and Reproductive Health (RPRH) Law, na naglalayong matiyak na ang bawat Pilipino ay may universal access sa tamang impormasyon, medically safe, legal, non-abortifacient, effective, at culturally acceptable modern family planning (FP) methods. Bukod pa rito, nais din ng naturang programa na magbigay-daan sa mga mag-asawa, maging sa mga indibidwal, na makamit ang nais nilang bilang ng mga anak sa konteksto ng pagiging responsableng magulang.
“Population growth in the country is slowing, but Filipinos continue to significantly increase in number—around two million every year. Family planning, or FP, plays a crucial role in reducing poverty as it enables couples to plan and invest in their children better. NEDA will make sure that the country’s population growth is well managed and that programs are aligned with development plans,” sabi ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto M. Pernia.
Nais ng programang ito na pataasin ang modern contraceptive prevalence rate (mCPR) ng 65%. At bilang karagdagan, pababaan ang fertility sa replacement rate na 2.1 average na bilang ng mga bata bawat babae sa 2022.
Ilan sa mga karaniwang contraception methods ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
- Oral contraceptive pills
- Contraceptive implants
- Injectables
- Contraceptive patches
- Vaginal rings
- Intrauterine devices
- Condoms
- Male and female sterilization
- Lactation amenorrhea methods
- Withdrawal method
- Fertility awareness-based methods
Alamin ang iba pa tungkol sa Balitang Pangkalusugan dito.