Normal sa atin makabalita ng isang pagbubuntis ng kambal, at isa ito sa karaniwang anyo ng maramihang panganganak. Pero alam mo ba na may mga kaso na nasa 7 hanggang 9 ang ipinagbubuntis na bata ng isang ina? Marahil hindi mo agad paniwalaan ang 7 hanggang 9 na sanggol sa isang pagbubuntis lamang — ngunit posible ang bagay na ito.
Nonuplets ang tawag sa 9 na sanggol na sabay-sabay na ipinagbuntis at ipinanganak ng isang ina. Batay na rin sa mga latest news isang babaeng Malian ang nagsilang ng 9 na sanggol na noong una 7 babies lamang ang kanyang inaasahan na isisilang, dahil hindi nakita ng ultrasound sessions ang 2 pang sanggol.
Batay sa mga ulat ang nonuplets ay binubuo ng 4 na lalaki (Oumar, Elhadji, Bah, at Mohammed VI), at 5 babae (Adama, Oumou, Hawa, Kadidia, at Fatouma).
Ang mga anak nina Halima Cissé at Abdelkader Arby ang tanging nonuplets sa mundo at ligtas na nakauwi sa Mali pagkatapos igugol ng mga bata ang unang 19 na buwan ng kanilang buhay sa Morocco.
Nakamit ng mga sanggol na ito ang “Guinness World Record” para sa pinakamaraming batang nai-deliver sa isang panganganak at nabuhay.
Ano Ang Naging Paghahanda Sa Pagsilang Ng Nonuplets?
Bago ang kapanganakan ng mga sanggol noong Mayo 2021, ang ina na si Halima Cissé na ngayon ay 27 taong gulang na ay inilipad sa Morocco para sa espesyal na pangangalaga. Nakatanggap din sila suportang medikal sa Casablanca, at pagkatapos makabalik sa Malian capital, Bamako, ang ama na si Abdelkader Arby ay nagpasalamat sa gobyerno ng Malian na tumulong sa kanila sa pananalapi.
Paano Naipanganak Ng Ligtas Ang Nonuplets?
Ang multiple-birth pregnancy ay nasasangkot sa risk ng cesarean delivery, postpartum hemorrhage, preterm labor, panganganak, gestational hypertension, birth defects, anemia, miscarriage, abnormal na dami ng amniotic fluid lalo na kung ang kambal ay nagshe-share ng placenta.
Kaugnay ng mga nabanggit, naisilang ang mga sanggol sa pamamagitan ng cesarean section, at nagulat ang mga doktor na makakita pa ng 2 pang baby. Ayon sa mga ultrasound session ay 7 lamang ang sanggol na inaasahan na iluluwal ng ina.
Bukod pa rito, ipinahayag ni Propesor Youssef Alaoui, direktor ng medikal ng pribadong klinika ng Ain Borja sa Casablanca, Morocco na ang mga sanggol ay ipinanganak sa 30 linggo, at nasa pagitan ng 500 gramo at 1 kilo (mga 1.1 hanggang 2.2 pounds) ang timbang ng mga sanggol.
Nagsagawa ng agency’s announcement ng successful birth sa social media sa Mali, ngunit hinimok din ng ilan ang gobyerno na pagbutihin ang standard medical carel sa mahirap na bansa sa West Africa.
Itinuturing na bihira ang phenomenon na ito at ilan lamang ang naitalang kaso nito, kabilang ang isang beses na kaso sa Australia. Sa kasong ito, lahat ng mga sanggol ay namatay sa loob ng ilang araw.
Paano Nanatiling Ligtas Ang Ina Ng Mga Bata?
Para manatiling ligtas ang ina ng mga sanggol kinakailangan nasa intensive care ito. Gayunpaman, nagkaroon siya ng severe hemorrhage na may kaugnayan sa paglaki ng kanyang matris. Sa kanyang pananatili sa klinika, hinangad ng mga doktor na ipagpaliban ang kapanganakan ng ilang linggo, para bigyan ang mga sanggol ng karagdagang oras upang madebelop.
Nagtalaga rin ang klinika ng isang team na may humigit-kumulang 30 staff members upang tumulong sa panganganak ng ina at pangangalaga sa kanyang 9 na anak.
Hindi pa rin basta-basta naiwasan ang panganib dahil halos mamatay ang ina ng mga bata dahil sa kawalan ng dugo bunga ng panganganak. Kaugnay nito, 2 beses sa isang araw hanggang 30 minuto lang niya nabibisita ang kanyang mga anak dahil wala pa siyang lakas na isagawa ang kanilang care regime.
“Giving birth to one child is hard enough but having nine is unimaginable. It’s astonishing the amount of work that is involved in looking after them. I’m grateful to the medical team that are doing all the hard work and the Government of Mali for funding this,” pahayag ng ina ng nonuplets.
Paano Nanatiling Buhay Ang Mga Sanggol?
Kinakailangan na mananatili sa mga incubator sa isang intensive care unit ang mga anak. Dahil may mga risks na maaari silang magkaroon ng mga problema sa kalusugan sanhi ng premature birth.
Matapos ang ilang mga buwan ay inilipat ang mga bata sa isang apartment kung saan tumanggap sila ng round-the-clock care mula sa Ain Borja clinic.
Kumusta Na Ang Mga Bata?
“They all have different characters. Some are quiet, while other make more noise and cry a lot. Some want to be picked up all the time. They are all very different, which is entirely normal,” pahaya ng ama ng nonuplets.
Dagdag pa niya, sa ngayon ay gumagapang, nakakaupo, at nakapaglalakad na ang mga bata kapag sila ay nakahawak sa isang bagay.
“It’s not easy but it’s great,” dagdag ng ama, at nagpapsalamat ang mag-asawa na “in perfect health” ang kanilang mga anak.
Paano Naging Posible Ang Pagbubuntis Ng Nonuplets?
Ang multiple births sa isang pagbubuntis ay nagaganap alinman kapag ang isang fertilized na itlog ay nahati para lumikha ng identical fetuses, o dahil sa fertization ng maraming mga itlog na lumilikha ng fraternal fetuses, o kaya naman kumbinasyon ng mga factor na ito.
Bukod pa rito, may mga salik na nagpapataas ng tsansang magkaroon ng multiple births gaya ng heredity, matandang edad, at pagkakaroon ng isa o higit pang nakaraang pagbubuntis, lalo na ang multiple pregnancy.
Matuto pa tungkol sa Balitang Pangkalusugan dito.