backup og meta

May Naitutulong ba ang Mouthwash Laban sa COVID-19?

May Naitutulong ba ang Mouthwash Laban sa COVID-19?

Palaging ipinapaalala sa atin ng mga eksperto na upang mabawasan ang pagkalat ng SARS-CoV2 infection, ang mga bagay tulad ng pagsusuot ng mask at physical distancing ay malaki ang naitutulong. Ngayon, may ilang tips online na nagsasabing nakatutulong sa proteksiyon kahit ang ilang bagay tulad ng nasal rinses, throat sprays, at mouthwash para sa COVID-19. Ano ang katotohanan sa mga ito na kalat na kalat sa social media?

Maaaring makapagbigay ng proteksiyon laban sa COVID ang mouthwash ayon sa pag-aaral

Kung may nabasa ka nang post na nagsasabing puwedeng gamitin ang mouthwash bilang proteksiyon laban sa COVID-19, narito ang mga paliwanag sa likod nito.

Sa isang pag-aaral, inobserbahan ng mga mananaliksik kung anong karaniwang over-the-counter na nasal rinses at mouthwash ang kayang magpahinto ng mataas na concentration ng human coronavirus. Lumabas sa mga resulta na lubos na epektibo ang mouthwash o mga produktong minumumog sa pagpapahinto ng higit 99.9% ng mga nakahahawang virus sa loob lamang ng 30 segundong contact time.

Naitala rin ng mga mananaliksik na napahinto ng nasal rinse na may 1% baby shampoo ang higit 99.9% ng human coronavirus, ngunit nangangailangan ng mas mahabang contact time (2 minuto). 

mouthwash para sa covid

Isa pang pananaliksik ang sumubok sa virucidal properties ng ilang pangmumog sa ilang kondisyong gumagaya sa nasopharyngeal secretions. Lumalabas sa ulat na may ilang formulation na may kapansin-pansing SARS-CoV2 inactivating properties. Ang resultang ito, ayon sa kanila, ang maaaring sumusuporta sa ideyang nakapagpapababa ng viral load sa laway ang mga pangmumog.

At panghuli, isa pang ulat ang nagsabing 2 brand ng mouthwash (Listerine at Chlorhexidine) ang “nagpahinto” sa COVID-19 virus na may kaunting epekto sa balat ng bibig na nagbibigay ng harang laban sa virus.

Mga Limitasyon

May ibinibigay na pag-asa ang ideyang maaaring gamitin ang mouthwash para sa covid, ngunit ipinapaalala ng mga eksperto sa publikong kailangan pa ng dagdag na imbestigasyon at pananaliksik. Ipinaliwanag nilang may mga limitasyon sa kanilang pag-aaral.

Kabilang sa ilang limitasyon ang:

  • Paggamit ng human coronaviruses. Sa unang pag-aaral na binanggit namin, hindi ginamit ang nakamamatay na SARS-CoV2. Gumamit ng mga mananaliksik ang human coronaviruses, na nagdudulot ng mild respiratory infections tulad ng sipon.
  • Sinuri lamang para sa virucidal properties, na tumutukoy sa kakayahan ng mga pangmumog na patayin ng virus. Ilan sa mga ulat ay hindi tiningnan ang antiviral properties, na tumutukoy sa kakayahang magpahinto ng pagkalat nito.
  • In vitro conditions. Marami sa mga imbestigasyon ay isinagawa sa laboratoryo, na iba sa karaniwang environment sa loob ng bibig, kahit pa sinubukan ng mga mananaliksik na gayahin ang nasopharyngeal secretions.

Nasal at Throat Sprays Laban sa COVID-19

Habang hinihintay natin ang dagdag na mga pag-aaral tungkol sa mga mouthwash para sa COVID, magandang alamin na may ilang institusyon na nakahanap ng nasal at throat sprays na nakapagbibigay ng proteksiyon laban sa COVID.

Sinabi ng Chula Pharmaceutical, halimbawa, na ang kanilang herbal (longan extract) nasal at throat spray ay “nakababawas ng dami ng mga virus na nakadikit sa mucous membranes.” 

Samantala, isasagawa ng isang Canadian company ang kanilang throat at nasal spray na “kayang magpahinto ng impeksiyong dulot ng COVID-19 at mga variant nito”. Nakasentro ang kanilang imbestigasyon sa bacteriophages na pumupuksa sa bacteria. Ngayon, sinabi ng kompanyang ito na nakahanap ang kanilang mga mananaliksik ng paraan upang makabuo ng synthetic phages na sumisira ng tiyak na bacteria o mga virus.”

mouthwash para sa covid

Huling Paalala

Kung mapatutunayan ng mga siyentipikong nakapagbibigay ng proteksiyon ang mouthwash para sa COVID, napakalaki ng maitutulong nito. Sa ngayon, narito ang ilang mga paalala:

  • Sa pangkalatahan, ligtas gumamit ng mga produktong mouthwash basta’t gamitin ito ayon sa instruction. Halimbawa, nakalagay sa paketeng gamitin lamang ito dalawang beses kada araw, 12 oras ang pagitan. Kaya’t huwag itong gamitin tuwing pagkatapos kumain.
  • Maraming nasal at throat sprays ang available over-the-counter. Gayunpaman, huwag bumili nito kung nais mo lang gamitin para sa proteksiyon mo laban sa COVID-19. Tandaang may natatangi itong pinaggagamitan. Kadalasang ginagamit ang nasal sprays para sa paggamot sa allergies at pagkabara ng ilong. Ginagamit naman ang throat sprays upang makatulong na guminhawa sa sore throat.
  • Huwag bumili ng kahit na anong produktong hindi aprubado ng Food and Drug Administration.

At bilang panghuli, tandaang hindi mapapalitan ng mouthwash ang health and safety protocols. Patuloy na ugaliin ang paghuhugas ng kamay, physical distancing, at pagsusuot ng face mask at face shield.

Matuto pa tungkol sa Balitang Pangkalusugan dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Lowering the transmission and spread of human coronavirus
https://onlinelibrary.wiley.com/doi/10.1002/jmv.26514
Accessed April 8, 2021

Virucidal Efficacy of Different Oral Rinses Against Severe Acute Respiratory Syndrome Coronavirus 2
https://academic.oup.com/jid/article/222/8/1289/5878067
Accessed April 8, 2021

Certain mouthwashes might stop COVID-19 virus transmission
https://www.eurekalert.org/pub_releases/2021-03/ru-cmm031621.php
Accessed April 8, 2021

4) Use of mouthwashes against COVID-19 in dentistry
https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/32859459/
Accessed April 8, 2021

Chula Pharmaceutical Science Developed Herbal Nasal and Throat Spray to Prevent COVID-19 Infection
https://www.chula.ac.th/en/news/44214/
Accessed April 8, 2021

Researchers test spray to prevent COVID-19 infection
https://www.rcinet.ca/en/2021/03/22/researchers-test-spray-to-prevent-covid-19-infection/
Accessed April 8, 2021

Kasalukuyang Version

07/28/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Virginity Soap o Bar Bilat: Ligtas At Aprubado Ba Itong Gamitin?

Pagdami Ng Populasyon, Bumabagal Na Raw Ayon Sa PopCom



Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement