Matagumpay na nakapagtapos si Charles Aguinaldo sa University of the Philippines Los Banos (UPLB), matapos ang pakikipaglaban ng 36-year old student sa ketong disease at stage 4b tongue cancer.
Ang pagkakaroon ng degree ay isa sa mga matagal na pangako ni Charles sa kanyang ina. Kaya naman nagpatuloy siya ng pag-aaral kahit hindi nila napag-uusapan ng kanyang pamilya ang pagkakaroon niya ng diploma.
“Yung mga panahong mahina ako, talagang nag lalakas-lakasan siya… kinakaya ni mama na kahit na alam kong may sakit din siya,” pahayag ni Charles.
Malaki ang pasasalamat ni Charles sa kanyang ina dahil sa mga sakripisyo at pag-aalaga na ibinigay sa kanya sa panahon ng recovery mula sa cancer treatment, at sa pagkakaroon niya ng mood swings dahil sa kanyang medications.
Bumalik si Charles sa kanyang academic journey noong June 2021, 19 years matapos siyang unang pumasok sa universidad. Nagpasa siya ng appeal para sa paghingi ng pagkakataon na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral at matapos ang natitira pa niyang 9 units.
“I am deciding to finish my degree now, because I have already achieved my goal of being able to provide for my family… More importantly, I want to be able to spend the rest of my life without the regret of not being able to present a UP Diploma to my mother,” paglalahad ni Charles.