backup og meta

Dapat bang ikabahala ang kaso ng HFMD sa Sarangani? Alamin dito!

Dapat bang ikabahala ang kaso ng HFMD sa Sarangani? Alamin dito!

Isinawalang-bahala ng health authorities sa Sarangani ang mga alalahanin tungkol sa uptrend suspected cases ng Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD) sa probinsya kahit na mayroon ng 148 suspected infections, at 4 na confirmed cases sa Alabel town batay sa weekly monitoring report na inilabas ng Sarangani Provincial Information Office, noong Abril 8.

Dagdag pa ni Sarangani health officer, Arvin Alejandro na bagama’t tumataas ang kaso ng HFMD kada linggo hindi ito abrupt. Gayunpaman, ang local health officials ay nag-launch ng public awareness campaign ka-partner ang mga paaralan at town officials upang maiwasan ang pagkalat ng HFMD sa Sarangani.

Para malaman pa ang importanteng impormasyon tungkol sa HFMD sa Sarangani, patuloy na basahin ang article na ito.

Ano ang HFMD?

Ang HFMD ay isang viral na sakit na karaniwang nakakaapekto sa mga batang wala pang limang taong gulang. Kadalasan na sanhi ito ng isang pangkat ng mga virus na tinatawag na “enterovirus”.

Ayon rin sa World Health Organization (WHO), karamihan sa mga impeksyon sa HFMD ay mild  at self-limiting na may mga karaniwang sintomas na kinabibilangan ng mga sumusunod:

  • lagnat
  • masakit na mga sugat sa bibig
  • pantal na may mga paltos sa mga kamay, paa, at buttocks

Bukod pa rito, batay na rin sa mga eksperto ang mga malubhang kaso ay maaaring magresulta sa meningitis, encephalitis, at polio-like paralysis.

Sino ang karaniwang biktima nito?

Batay sa pahayag ni Dr. Alejandro, bagama’t hindi kasinglubha ng COVID-19 ang HFMD maituturing pa rin na lubos itong nakakahawa at maaaring kumalat nang mabilis kung hindi matugunan nang mas maaga. Dagdag pa niya mga bata ang karaniwang kinakapitan ng sakit na ito.

Sa Pilipinas, ang HFMD ay isang karaniwang sakit na nakakaapekto sa libu-libong bata bawat taon, at ang sakit na ito ay llaganap sa panahon ng tag-ulan, na tumatagal mula Hunyo hanggang Nobyembre.

Paano maaaring maipasa ang HFMD?

Ayon naman sa provincial epidemiology and disease surveillance officer ng Sarangani na si Federico Yadao, katulad ng COVID-19, ang HFMD ay maaaring maipasa sa pamamagitan ng air droplets, direktang kontak sa mga kontaminadong bagay, at pakikipag-ugnayan sa mga likido sa katawan ng isang taong may impeksyon, tulad ng laway o dumi.

Kaya naman hinihikayat ni Yadao ang mga residente na ipagpatuloy ang pag-obserba ng wastong mga protocol sa kalusugan, at bagama’t ang Sarangani ang may pinakamakaunting kaso ng HFMD sa rehiyon ng Soccsksargen, binigyang-diin ni Yadao ang kahalagahan ng pagsasagawa ng mga agarang hakbang sa pag-iwas, lalo na sa mga pinaka-mahina na sektor, tulad ng mga bata at matatanda.

Ano ang aksyon ng school nurses at barangay health workers sa HFMD sa Sarangani?

Batay sa mga balita, nangolekta ang mga nurse ng paaraalan at health workers ng specimens mula sa mga taong suspected na infected ng HFMD. Kung saan ang mga sample na ito ay ipinadala sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para sa confirmatory tests. 

Kinumpirma rin ng head nurse ng Department of Education (DepEd) na si Estylinda Tudayom na ang iba pang education officials ay nakipagkita sa Sarangani health authorities para mag-strategize.

Kabilang sa mga istratehiya na tinalakay ay ang pagpapatupad ng mga hakbang para maiwasang pumasok sa paaralan ang mga mag-aaral na nagpapakita ng sintomas ng HFMD, tulad ng rashes at lagnat.

Paano maaaring iwasan ang sakit na ito?

Ayon sa mga doktor, pwedeng iwasan ang kondisyon na ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng proper hygiene. Gayunpaman, sa oras na makaranas ng mga sintomas na may kaugnayan sa HFMD, mas mainam kung magpapakonsulta sa doktor para mabigayan ng tamang diagnosis at angkop na paggamot sa kondisyon. Dahil ang maling paggamot ay maaaring maging sanhi ng paglala ng sakit, kaya hindi ka dapat maging padalas-dalos sa pagsasagawa ng treatment sa HFMD.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD), https://www.cdc.gov/hand-foot-mouth/index.html#:~:text=Hand%2C%20Foot%2C%20and%20Mouth%20Disease%20(HFMD),-Espa%C3%B1ol%20(Spanish)&text=Hand%2C%20foot%2C%20and%20mouth%20disease%20is%20common%20in%20children%20under,and%20mouth%20disease%20spreads%20easily. Accessed April 13, 2023

Hand-foot-and-mouth disease, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hand-foot-and-mouth-disease/symptoms-causes/syc-20353035 Accessed April 13, 2023

Hand-Foot-And-Mouth Disease, https://www.nationwidechildrens.org/conditions/hand-foot-mouth-disease Accessed April 13, 2023

Hand, Foot And Mouth, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK431082/ Accessed April 13, 2023

Hand, Foot, And Mouth, https://kidshealth.org/en/parents/hfm.html Accessed April 13, 2023

Kasalukuyang Version

04/14/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Virginity Soap o Bar Bilat: Ligtas At Aprubado Ba Itong Gamitin?

Pagdami Ng Populasyon, Bumabagal Na Raw Ayon Sa PopCom


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement