Ibinahagi ng Kapuso actress na si Heart Evangelista ang kanyang in-vitro-fertilization (IVF) journey sa isang fashion magazine na L’Officiel Philippines para sa September issue na nagfe-feature sa kanya bilang “fashion icon” ng Bvlgari pieces.
“With IVF, they inject you with fertility hormones. It was very difficult and painful. I had three injections a day over a two-week process,” pahayag ni Heart.
Inilarawan din ng aktres sa kanyang interview na ang kanyang IVF journey ang pinakamahirap at mapanghamong panahon ng kanyang buhay. Bagamat hindi tinukoy o specify ni Heart kung kailan siya nagsimulang sumailalim sa IVF.
“After harvesting and the processes that came after, they were able to gather the perfect boy and the perfect girl,” pagdaragdag ni Heart.
Heart Evangelista IVF Journey: Handa Na Ba Sa Pagiging Ina?
Inamin ng aktres na ang proseso ng IVF at ang kanyang miscarriages noong 2018 ay naging dahilan para mag-reassess siya ng saloobin sa pagpasok sa motherhood, kung saan rin marami siyang tanong na ibinigay niya sa kanyang sarili para mas makapag-isip.
“Am I ready for a child? I actually have a baby boy and a baby girl waiting for me, but I’m really at this stage in my life where (I ask myself), ‘Do I want a child because I want a child?’ or ‘Do I want a child because the environment or culture dictates that I should have a child,” paglalahad ni Heart.
Gayunpaman, sinabi rin ni Heart na sa kanyang mga pinagdaanan nakita niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kalayaan gumawa ng sariling desisyon ang mga babae patungkol sa kanilang sariling katawan.
“I feel that this alone is changing me as a person. I’m standing up for myself. It’s liberating to decide according to what I want and not what other people want. That has changed me dramatically.”
Nagpasya si Heart na ituloy ang IVF at hinihikayat niya ang kanya kapwa babae na tingnan at subukan din ang proseso ng IVF.
“I think having a choice is good and I really suggest that women (pursue this option) because it buys them time. Any time they decide on having a child, the embryo is there. Whether you decide immediately or five years from now, there is no deadline,” pahayag ni Heart.
Heart Evangelista IVF Journey: Paano Siya Sinuportahan Ng Kanyang Asawa?
Ibinahagi rin ng aktres kung gaano naging supportive ang kanyang asawa na si Senator Chiz Escudero sa buong proseso at nagpapasalamat siya ng lubos sa kanyang asawa, bagamat mayroong kumakalat na usapin na sila ay naghiwalay ni Chiz Escudero.
“Chiz is really a good guy though we’re very different because he’s very conservative and I’m also a little bit more modern. Perhaps it’s modern. Perhaps it’s because of our age gap. But what I like about him is he tries. He tries to be as supportive as he can be,” paglalahad ni Heart.