backup og meta

Mga Epekto Ng Polusyon Sa Utak Ng Tao, Ayon Sa Bagong Pag-aaral!

Mga Epekto Ng Polusyon Sa Utak Ng Tao, Ayon Sa Bagong Pag-aaral!

Ayon sa artikulo na mula sa Science Daily, lumabas sa isang bagong pag-aaral ng mga researcher sa University of British Columbia at University of Victoria na ang karaniwang mga antas ng traffic pollution ay maaaring makapinsala sa paggana ng utak ng tao sa loob lamang ng ilang oras. Ipinakita rin ng pag-aaral na ito sa pamamagitan ng controlled experiment gamit ang functional magnetic resonance imaging (fMRI), na ang exposure sa diesel exhaust ay nakakagambala sa kakayahan ng iba’t ibang bahagi ng utak ng tao na makipag-ugnayan at makipag-usap sa ibang tao.

“For many decades, scientists thought the brain may be protected from the harmful effects of air pollution,” pahayag ng senior study author na si Dr. Chris Carlsten, professor at head ng respiratory medicine at Canada Research Chair sa occupational at environmental lung disease at UBC. 

Dagdag pa niya ang pag-aaral na ito ay nagbibigay ng sariwang katibayan na sumusuporta sa koneksyon sa pagitan ng polusyon sa hangin at cognition.

Para maisagawa ang pag-aaral, panandaliang ini-expose ng mga research ang 25 healthy adults sa tambutso ng diesel at filtered air sa iba’t ibang oras sa isang laboratory setting. Sinukat rin ang aktibidad ng utak bago at pagkatapos ng bawat pagkakalantad gamit ang functional magnetic resonance imaging (fMRI).

Sinuri ng mga researcher ang mga pagbabago sa default mode network (DMN) ng utak. Kung saan isa itong hanay ng mga magkakaugnay na rehiyon ng utak na may mahalagang papel sa memorya at panloob na pag-iisip o internal thought. Ang fMRI ay nagsiwalat na ang mga naging kalahok ay nabawasan ang functional connectivity sa malawak na mga rehiyon ng DMN pagkatapos ng exposure sa diesel exhaust, kumpara sa filtered na hangin.

Batay rin sa pahayag ni Dr. Jodie Gawryluk, isang psychology professor sa University of Victoria at ang unang manunulat sa pag-aaral na ito, na alam nila ang altered functional connectivity sa DMN ay nauugnay sa pinababang cognitive performance at mga sintomas ng depression, kaya nakakabahala na makita ang traffic pollution na nakaka-interrupt sa parehong mga network nito.

Gayunpaman, idinagdag niya na nangangailangan nang higit pang pananaliksik para lubos na maunawaan ang functional impacts, lumalabas pa rin sa pag-aaral na posibleng makapinsala ang traffic pollution sa pag-iisip o kakayahan ng mga tao na magtrabaho.

Para malaman ang iba pang epekto ng polusyon sa uta ng tao, patuloy na basahin ang article na ito.

Anu-ano pa ang epekto ng polusyon sa utak ng tao?

“Air pollution is now recognized as the largest environmental threat to human health and we are increasingly seeing the impacts across all major organ systems,” pahayag ni Dr. Carlsten. 

Dagdag pa niya:

I expect we would see similar impacts on the brain from exposure to other air pollutants, like forest fire smoke. With the increasing incidence of neurocognitive disorders, it’s an important consideration for public health officials and policymakers.

Batay sa mga pahayag ni Dr. Carlsten, makikita na ang air pollution ay isa sa napakalaking public health issues na kinakaharap — at mas lalo pa itong lumalala sa paglipas ng panahon ayon na rin sa article na pinamagatang “Health and Air Pollution”.

Bukod pa rito, ayon sa American Psychiatric Association sa article na nailathala, iniugnay ng mga nakaraan na pag-aaral ang polusyon sa hangin sa mga sumusunod:

  • mas mataas na level ng stress
  • psychological distress 
  • mas mataas na panganib ng dementia at Alzheimer’s at depression

Paano maaaring iwasan ang air pollution?

Narito ang ilang mga tip para maiwasan mo ang air pollution — o ang mga epekto ng polusyon sa utak:

  1. Iwasang lumabas sa mga oras ng peak pollution: Ang mga antas ng pollutant ay karaniwang pinakamataas sa madaling araw at hapon, kaya subukang iwasang lumabas sa mga oras na ito.
  2. Magsuot ng mask: Makakatulong ang mga pollution mask sa pag-filter ng mga nakakapinsalang particle, lalo na sa mga aktibidad sa labas o kapag bumibiyahe sa mga lugar na may mataas ang tsansa ng trapiko.
  3. Gumamit ng mga air purifier: Gumamit ng air purifier sa iyong bahay at opisina para mabawasan ang polusyon sa hangin sa loob ng bahay.
  4. Iwasan ang paninigarilyo at secondhand smoke: Ang paninigarilyo at secondhand smoke ay pangunahing nagdudulot ng polusyon sa hangin, kaya iwasan ang paninigarilyo at subukang lumayo sa mga naninigarilyo.
  5. Bawasan ang paggamit ng sasakyan: Gumamit ng pampublikong transportasyon, carpool, o paglalakad/bisikleta hangga’t maaari upang mabawasan ang mga emisyon mula sa mga sasakyan.
  6. Gumamit ng mga produktong pangkalikasan: Gumamit ng mga produktong eco-friendly na gumagawa ng mas kaunting mga pollutant at kemikal.
  7. Panatilihing malinis ang iyong kapaligiran: Tumulong na bawasan ang polusyon sa pamamagitan ng pagpapanatiling malinis sa iyong kapaligiran, pagbabawas ng produksyon ng basura, at pag-recycle hangga’t maaari.

Tandaan, kahit na ang maliliit na pagbabago ay maaaring gumawa ng malakihang pagkakaiba sa pagbabawas ng exposure sa polusyon sa hangin, epekto ng polusyon sa utak, at pagpapabuti ng pangkalahatang kalidad ng hangin sa mundo.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Traffic pollution impairs brain function, https://www.sciencedaily.com/releases/2023/01/230124112731.htm Accessed May 15, 2023

Ambient (outdoor) air pollution, https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/ambient-(outdoor)-air-quality-and-health?gclid=CjwKCAjw04yjBhApEiwAJcvNoSpm6oGZIVR2bQ_lWbTxSEeWqjBRF6Maxx0-1tNiamZ13fQfViD75BoC618QAvD_BwE Accessed May 15, 2023

Air Pollution’s Impact on Mental Health, https://www.psychiatry.org/News-room/APA-Blogs/Air-Pollution%E2%80%99s-Impact-on-Mental-Health#:~:text=Past%20research%20has%20associated%20air,people%20with%20serious%20mental%20illness. Accessed May 15, 2023

Smog in our brains, https://www.apa.org/monitor/2012/07-08/smog Accessed May 15, 2023

How Pollution Affects Brain Health, https://www.brainandlife.org/articles/how-pollution-affects-brain-health Accessed May 15, 2023

 

Kasalukuyang Version

06/12/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Virginity Soap o Bar Bilat: Ligtas At Aprubado Ba Itong Gamitin?

Pagdami Ng Populasyon, Bumabagal Na Raw Ayon Sa PopCom


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement