backup og meta

Epekto ng Cancel Culture sa Mental Health, Ayon sa mga Eksperto!

Epekto ng Cancel Culture sa Mental Health, Ayon sa mga Eksperto!

Kilala ang Korean Entertainment Industry bilang isang mundong mahirap pasukin at galawan, dahil isang maling kilos mo lamang sa industriya ay maaari nang masira ang iyong career. Ito ang pangunahing rason kung bakit maraming artista ang natatakot na magkaroon ng scandal, sapagkat maaari itong magresulta ng pagkansel sa kanila ng kanilang mga tagasuporta at tao.

Ang pagkansel ng mga tao sa isang indibidwal ay kilala sa tawag na “cancel culture”, at isa sa mga kilalang personalidad na nakaranas ng cancel culture ay ang sikat na aktor na mula sa South Korea na si Ji Soo.

Nasangkot ang aktor sa isyu ng “school violence” nang mag-post ang isang anonymous person tungkol sa kanyang personal experience bilang schoolmate ng aktor. Idinetalye niya kung paano ginawang mahirap ni Ji Soo at ng kanyang mga kaibigan ang middle school life niya. Kung saan nagkaroon pa raw ng pagnanakaw, physical violence, verbal abuse, at marami pa. Ayon na rin sa post ng anonymous person na ito, bukod sa kanya marami pa raw nabiktima ang aktor. 

Naging mainit na usapin ang balitang ito at dahil sa pagputok ng isyung ito humingi ng paumanhin ang aktor sa kanyang nakaraang pag-uugali at umalis sa dramang pinagbibidahan.

Bagamat marami ang bumatikos sa aktor, may mga tao pa rin na patuloy na nag-aalala sa kanya dahil sa mga posibleng epekto ng cancel culture sa mental health ng isang tao. Ngunit ano nga ba ang mga ito? Patuloy na basahin ang artikulong ito.

Ano ang cancel culture?

Ang cancel culture ay isang anyo ng “boycott”, at ito ang pag-alis o “pagkansela” ng isang tao, organisasyon, produkto, brand, o anumang bagay dahil sa isang isyu na kinasasangkutan ng isang tao. Isa rin itong paraan ng pag-uugali ng isang lipunan o grupo na nagtatanggal ng suporta sa isang taong nakagawa ng kasalanan. Karaniwang pinag-uusapan sa social media ang isyu ng isang taong kinansel at kung minsan ay humahantong ito sa “group shaming”.

Ayon sa iba’t ibang artikulo ang cancel culture ay naglalayon na panagutin ang isang tao dahil sa kanyang ginawang pagkakamali o pagkakaroon ng hateful behavior.

Anu-ano ang epekto ng cancel culture sa mental health?

Hindi lamang ang taong kinansela ang maaaring maging biktima ng mga epekto ng cancel culture. Dahil pwede ring maging biktima ang mga tao na naging bahagi ng pagkansela at mga indibidwal na nakakita ng taong kinansela ng lipunan. 

Narito ang mga sumusunod na epekto ng cancel culture sa mental health:

  1. Depresyon, Pagkabalisa, PTSD at iba pang sakit sa pag-iisip

“When one’s words or actions are deliberately taken out of context, it can understandably lead to anxiety, depression, PTSD, and even suicidal ideation,” ayon kay John G. Cottone, isang licensed psychologist with a private practice.

Batay na rin sa pahayag ni Dr. Cottone, ang pagtanggal ng suporta sa isang tao ng isang grupo, at komunidad ay maaaring magresulta ng negatibong epekto, hindi lamang sa kinansale maging sa nagkakansela na tao.

Ang mga hateful at discriminatory comments sa social media ay maaaring makapinsala sa mental health ng taong kinansale dahil pwedeng makasakit sa kanila ang mga bagay na makikita sa social media. Habang ang mga taong nagkansela naman na naging bahagi ng komunidad na nagkokoment sa naganap isyu ay maaari rin mapinsala ang kanilang mental health. Dahil sa pagsagot ng mga tao sa kanilang komento at hindi pagsang-ayon sa kanilang pananaw na nagiging ugat minsan ng away sa social media.

  1. Pagkakaroon ng matinding takot

Ayon muli kay Dr. Cottone nakatrabaho niya ang maraming pasyente na nakaranas ng matinding sintomas pagkatapos maging target ng cancel culture. Kung saan marami sa kanila ang nagkaroon ng takot sa paglabas ng bahay, at nag-aalala para sa kanilang seguridad. 

Ang takot na ito ay maaaring mag-ugat sa galit ng mga tao dahil sa ginawang hindi maganda ng taong kinansela.

  1. Pag-iisip na magpakamatay 

Dahil sa pagtanggal ng suporta sa isang tao ng komunidad at pagiging biktima ng social media bullying sa mga malalang sitwasyon, maaaring maging dahilan ito para ma-trigger ang isang tao na magpakamatay, lalo na kung hindi maagapan ang lumalalang depresyon ng tao sanhi ng cancel culture.

  1. Kawalan ng kakayahan sa pag-express ng opinyon at nararamdaman

Ang ilang mga tao na nakakkita ng mga taong kinansela ng lipunan ay maaaring makaranas ng takot na humahantong sa hindi nila pagsasabi ng kanilang opinyon at nararamdaman. Pwede silang malula sa pagkabalisa na ang mga tao ay bumaling sa kanila kung ganap nilang ipahayag ang kanilang sariling saloobin sa isang partikular na isyu, at sila ang mapag-initan.

Nakakatulong ba talaga ang cancel culture?

Ayon kay Shirani M. Pathak, isang retired psychotherapist at DEI consultant ay naninindigan na ang cancel culture ay lumilikha ng isang us-versus-them dynamic na nagpapalakas ng problema sa halip na matugunan ito.

Ang cancel culture ay nakapokus sa individual accountability, pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay epektibo ang kulturang ito, lalo’t kung hindi naman tunay na mareresolba ang tunay na problema, at hindi mabibigyan ng pagkakataon ang isang tao na magbago kung gusto nila.

Bukod pa rito, maaaring magresulta ng unproductive shaming o mob-rule entertainment ang kultura ito na nagreresulta ng iba’t ibang mental health consequences.

Nagustuhan mo ba ang iyong binasa? Mag-sign up dito para maging member ng Hello Doctor community! Sa pagsali, maaari mong i-save ang iyong paboritong articles, at gamitin ang aming mga tools at screeners para mapabuti ang iyong kalusugan.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Americans and ‘Cancel Culture’: Where Some See Calls for Accountability, Others See Censorship, Punishment, https://www.pewresearch.org/internet/2021/05/19/americans-and-cancel-culture-where-some-see-calls-for-accountability-others-see-censorship-punishment/ Accessed January 6, 2023

Why cancel culture is so toxic ang how to effectively hold folks accountable according to social media experts, https://www.insider.com/guides/health/mental-health/why-cancel-culture-is-toxic Accessed January 6, 2023

DRAG THEM: A brief etymology of so-called “cancel culture”, https://journals.sagepub.com/doi/10.1177/2057047320961562 Accessed January 6, 2023

What is ‘cancel culture’? J.K. Rowling controversy leaves writers, scholars debating, https://www.miamiherald.com/news/nation-world/national/article244082037.html Accessed January 6, 2023

Is Cancel Culture Effective? https://www.ucf.edu/pegasus/is-cancel-culture-effective/ Accessed January 6, 2023

 

Kasalukuyang Version

01/10/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Virginity Soap o Bar Bilat: Ligtas At Aprubado Ba Itong Gamitin?

Pagdami Ng Populasyon, Bumabagal Na Raw Ayon Sa PopCom


Narebyung medikal ni

Jaiem Maranan, RN MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement