backup og meta

Itaewon Tragedy: Ano Ang Dapat Mong Gawin Sa Stampede?

Itaewon Tragedy: Ano Ang Dapat Mong Gawin Sa Stampede?

Pagkatapos ma-lift ng COVID-19 restrictions gaya ng face mask rules at crowd limits, libo-libong costumed partygoers na teenager at adults ang dumalo sa nightlife neighborhood ng Itaewon district para ipagdiwang muli ang South Korea’s first Halloween Party.

Subalit ang dapat na masayang Halloween Party sa Itaewon district ay nauwi sa trahedya dahil sa naganap na crowd crush noong ika-19 ng Oktubre. Nasa mahigit 151 katao ang namatay sa crowd crush habang ipinagdiriwang ang Halloween na isa sa pinakasikat na nightlife district ng Seoul. 

Batay sa mga ulat pagkalipas lang ng 10:00 pm, nagkaroon ng kaguluhan sa isang makipot at matarik na sidestreet malapit sa istasyon ng Itaewon, na kumokonekta sa maraming bar at club mula sa main road.

Paano Naganap Ang Crowd Crush Sa Itaewon?

Inilahad ng mga saksi sa awtoridad at reporter na nagkaroon ng crowd surge sa iba’t ibang direksyon na dahilan para ang mga tao ay mawala sa momentum ng kanilang direksyon at paglalakad. Naging sanhi rin ito ng pagkahulog at pagkatumba ng mga tao na dahilan para mabitag sila. Ang iba naman ay sinusubukang sukatin ang sarili sa gilid ng mga gusali para makatakas.

Ayon na rin kay Suah Cho, ang mga tao ay nagsimula magtulakan at magsisigaw dahil sa crowd surge, kung saan ang hiyawan na ito ay nagpatuoy sa loob ng 15 minuto. Nakatakas lamang siya sa stampede dahil sa isang gusali sa kahabaan ng eskinita at mula doon napanood niya ang sakuna.

“People were climbing the building to survive,” pahayag ni Cho.

Dagdag pa ni Cho, wala siyang nakitang mga pulis o official na sumusubok na kontrolin ang crowd bago magsimula ang trahedya. Kung saan nagpatuloy pa rin ang pagkalito at panic ng mga tao kahit may police officers nang dumating.

“The police officer was screaming, but we couldn’t really tell that was a real police officer because so many people were wearing costumes,” she said. “People were literally saying, ‘Are you a real police officer?’” Cho.

Kasama sa mga bilang namatay ang ilang foreign nationals gaya ng mga tao na mula sa bansang Iran, Norway, China, at Uzbekistan. 

Ang balitang ito ay nagdulot ng takot sa maraming tao, pero ang tanong paano nga ba nagaganap ang crowd crush at ano ang dapat gawin sa stampede?

Patuloy na basahin ang artikulong ito.

Ano Ang Crowd Crush?

Ayon sa crowd behavior expert na si Prof Edwin Galea, ang crowd crush ay ang siksikan at hindi nama-manage na crowds sa makitid na daanan na sanhi ng sakuna.

Ang crowd crush ay maaaring magresulta ng tulakan sa loob ng isang confined at masikip na area dahil nais nilang lumabas o pumasok sa lugar. Habang ang stampede ay nagaganap naman kapag  ang mga tao o hayop ay tumatakas sa isang nakikitang panganib. Tumatakbo sila mula sa isang bagay na nakakatakot para sa kanila. Kung saan pwedeng maging dahilan ang stampede para malagay sa panganib ang isang tao sa compressive asphyxiation na humahantong sa pagkamatay kapag hindi nabigyang lunas.

Gayunpaman maraming tao ang ginagamit ang salitang “stampede” para ilarawan ang crowd behaviour, pero ayon kay John Drury isang eksperto sa social psychology ng crowd management hindi palaging tama ang paggamit nito upang ilarawan ang crowd behaviour.

Bakit Dapat Maging Maingat Sa Paggamit Ng Terminong ‘Stampede?’

“Stampede is not only an incorrect term, it is a loaded word as it apportions blame to the victims for behaving in an irrational, self-destructive, unthinking and uncaring manner. It’s pure ignorance, and laziness. It gives the impression that it was a mindless crowd only caring about themselves, and they were prepared to crush people,” John Drury.

Kaugnay ng pahayag ni Drury makikita na hindi sa lahat ng oras ang crowd crushing ay pwedeng ilarawan bilang stampede. Sa madaling sabi, ang kawalan ng disiplina ng tao ay hindi laging dahilan ng crowd crush, dahil maaaring maging sanhi rin nito ang mga sumusunod:

  • Kawalan ng planning
  • Design na hindi ligtas
  • Mahinang kontrol at polisiya
  • Mismanagement

Ang mga nabanggit na sanhi ng crowd crush ay pwedeng humantong sa pagkamatay ng mga biktima. Habang ang maling paggamit naman ng terminong “stampede” ay pwedeng magresulta ng misleading sa tao na hahantong sa pagsisi ng insidente sa crowd o madlang nasa crowd crush.

Ano Ang Dapat Gawin Sa Stampede?

Narito ang mga dapat gawin sa stampede at crowd crushing:

  • Manatili sa iyong mga paa o pwesto.
  • Magtipid ng enerhiya. Huwag itulak ang karamihan at huwag sumigaw nang sumigaw.
  • Gumamit ng sign language para makipag-usap sa mga nakapaligid sa iyo (magturo, kumaway, kahit gamitin ang iyong mga mata).
  • Panatilihing nakataas ang iyong mga kamay sa iyong dibdib, tulad ng isang boksingero dahil pinapayagan ka nitong kumilos at protektahan ang iyong dibdib.
  • Kung nasa panganib ka, hilingin sa mga tao na mag-crowd surf sa iyo.
  • Kung may mag-uunat ng kamay para humingi ng tulong, hawakan upang mapanatili sila.

Matuto pa tungkol sa Balitang Pangkalusugan dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

South Korea’s Yoon apologizes for Halloween stampede: ‘Unspeakable tragedy’, https://globalnews.ca/news/9257177/south-korea-yoon-suk-yeol-halloween-stampede-apology/, Accessed November 7, 2022

Halloween stampede in Seoul leaves at least 149 dead, https://www.reuters.com/world/asia-pacific/about-50-people-reported-hurt-stampede-south-korea-yonhap-2022-10-29/, Accessed November 7, 2022

At Least 151 Killed as Halloween Crowd Surge Turns Deadly in South Korea, https://www.nytimes.com/live/2022/10/29/world/korea-halloween-stampede-itaewon, Accessed November 7, 2022

Crowd crushes: how disasters like Itaewon happen, how they be prevented, and the ‘stampede’ myth, https://www.theguardian.com/world/2022/nov/01/how-do-crowd-crushes-happen-stampede-myth-what-happened-in-the-seoul-itaewon-halloween-crush, Accessed November 7, 2022

South Korea searches for answers after Halloween festivities leave 151 dead, https://edition.cnn.com/2022/10/29/asia/south-korea-halloween-cardiac-arrest-intl/index.html, Accessed November 7, 2022

Kasalukuyang Version

12/08/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Sinuri ang mga impormasyon ni Vincent Sales

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Virginity Soap o Bar Bilat: Ligtas At Aprubado Ba Itong Gamitin?

Pagdami Ng Populasyon, Bumabagal Na Raw Ayon Sa PopCom


Sinuri ang mga impormasyon ni

Vincent Sales


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement