Napakahalaga ng pag-eehersisyo para mapanatili natin na malusog ang ating pangangatawan. Gayunpaman, hindi maitatanggi na maraming tao ang natakot lumabas upang mag-exercise dahil sa banta ng COVID-19. Habang ang ilang indibidwal naman ay ginamit na dahilan ang coronavirus quarantine para hindi makapag-ehersisyo. Kaya napakaraming tao ang hindi na-maintain ang kanilang magandang pangangatawan sa panahon ng pandemya. Pero ibahin natin si Cristiano Ronaldo dahil hindi niya hinayaan na bumaba ang kanyang fitness level.
Nagsagawa si Cristiano Ronaldo ng Ab workout upang mapanatili at mapaganda pa ang kanyang pangangatawan. Kaugnay nito, maraming netizen ang natuwa at na-inspire sa kanyang dedikasyon sa pag-eehersisyo na dahilan upang dumami ang ma-curious sa “Cristiano Ronaldo Ab Workout”.
Patuloy na basahin ang artikulong ito para malaman ang mahahalagang impormasyon sa Cristiano Ronaldo Ab Workout.
Ano ang Cristiano Ronaldo Ab Workout?
Sa katunayan, available din ang ilan sa mga training secret ni Ronaldo sa pagpapanatili ng kanyang malusog na pangangatawan at pagiging handa sa mga oras ng laro. Kung saan ang Cristiano Ronaldo Ab Workout ay isang ehersisyo na tumutulong sa kanya upang ma-achieve ang kanyang body fitness goal at pagpapaganda ng abs.
Kasama sa kanyang ab workout ang interval sprint o ball drill na maaari mong makita sa Instagram. Sa kanyang pagsasagawa ng interval sprint o ball drink madalas na kasama niya ang kanyang anak. Regular din sa pagbabahagi ng ehersisyo si Rolando sa kanyang Instagram para hikayatin ang kanyang mga tagahanga na magpatuloy sa pag-eehersisyo.
Paano isinasagawa ni Cristiano Ronaldo ang ilan sa kanyang exercise challenge?
Isa sa ipinapakita ni Cristiano Ronaldo sa kanyang mga follower ay ang kanyang core strength at pagkontrol nito, habang isinasagawa ang whopping 142 reps sa loob ng 45 na segundo.
Sa pagpapakita ni Ronaldo ng kanyang exercise routine ay hinahamon at hinihikayat niya ang kanyang mga tagahanga na mag-ehersisyo rin. Kung saan napakaraming tao ang nagko-comment sa kanyang mga post na na-beat nila ang record ni Ronaldo sa ilang mga exercise challenge.
Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng abs?
Narito ang mga kahalagahan ng pagkakaroon ng abs na dapat mong malaman:
Napapahusay ang performance sa isports
Tandaan mo lagi na marami tayong sports o nakakapagod na aktibidad ang nangangailangan ng balanse, katatagan at core strength. Kaya naman mahalaga na magkaroon tayo ng abs dahil nakakatulong ito sa pagkakaroon natin ng lakas at balanse sa mga gawain. Tinatarget ng mga abdominal workout ang mga kalamnan sa tiyan na nagbibigay sa iyo ng pangunahing lakas habang ginagawa ang iba’t ibang aktibidad.
Nababawasan ang lower back pain
Ang lower back pain ay isang problemang nakakaapekto sa maraming tao at ang pagkakaroon mo ng mahihinang kalamnan sa tiyan ay nakapagpapataas nang pananakit ng iyong mababang likod. Ang mga kalamnan sa ibabang likod na hindi na-eehersisyo ay nagiging matigas sa joint areas na maaaring humantong sa chronic lower back pain.
Kaya naman ang mga abdominal exercises para magkaroon ng abs ay nakakatulong para ang iyong mga back muscle at spine ay maging mas flexible at maiwasan ang pananakit ng iyong likod.
Napapaunlad ang kakayahan sa pagbubuhat at pagtitiis sa bigat
Ang abdominal exercises ay nagbibigay ng lakas sa atin upang madala at makayanan ang mga timbang. Ang isang indibidwal na nakikibahagi sa mga pag-eehersisyo sa tiyan ay mas nakapagbubuhat ng mabibigat na timbang nang hindi napipinsala ang kanilang spine. Ito ay dahil ang mga abs workout na kanilang ginagawa ay nagpapalakas sa katawan at nakakatulong sa tao na magkaroon ng stable base para sa pag-aangat o lifting.
Napapaganda ang posture at stability
Ang mga pag-eehersisyo para sa abs ay nagpapalakas sa mga kalamnan sa paligid ng ating spine. Kung saan napapabuti nito ang ating postura habang ang timbang ng ating katawan ay naipamamahagi ng tama.