Nagsagawa ang DOH ng isang webinar na may temang “Department of Health’s ‘Sa Booster PinasLakas na Healthcare Workers at Senior Citizen” na ginanap noong Huwebes, ika-15 ng Setyembre 2022. Isinagawa ang webinar na ito para makapagbigay ng mga napapanahong balita at kaalaman ang DOH tungkol sa estado ng Pilipinas sa COVID-19, at kung paano mas mapapangalaan ng healthcare workers at senior citizens ang kanilang mga sarili laban sa virus. Isa rin sa naging bahagi at tampok ng webinar ng DOH ang paglilinaw tungkol sa karaniwang tanong ng mga Pilipino sa COVID-19 Vaccine Expiration.
Ang webinar na ito ay makikita sa DOH official Facebook page. Ito’y dinaluhan ng mga kilalang eksperto tulad nina Atty. Franklin M. Quijani, Chairperson at CEO ng National Commission of Senior Citizens, Maria Minerva P. Calimang MD, President Philippine Medical Association, Carmela N. Granada MD, DPAFP, DIH Division Chief/ Medical Officer PHOC Department of Health, Jellie Ann Aranzaso, Vaccines and Biologics Unit Head Licensing and Registration Division ng Food and Drug Administration.
Kailan maaaring ma-expire ang COVID-19 vaccine?
Batay sa naging pagtalakay ni Jellie Anne Aranzo tungkol sa COVID-19 vaccine expiration, walang fixed na expiration dates ang mga bakuna sa COVID-19 dahil ito’y nasa ilalim pa rin ng improvement. Gayunpaman kinakailangan pa rin dapat na nakaimbak nang tama at maayos ang mga bakuna para magamit ang kabisaan nito.
Dagdag pa rito, hinihikayat rin na maging malay ang mga doktor at healthcare workers sa shelf life ng COVID-19 vaccines. Ang expiration ng bakuna ay maaaring ibatay sa shelf life ng COVID-19 vaccine.
Bakit mahalaga na malaman ang shelf life ng COVID-19 vaccine?
Mahalaga na malaman ang shelf life ng mga bakuna para sa COVID-19 dahil makikita sa shelf life ang haba ng panahon na pwedeng manatiling “usable” at “fit para sa consumption” o “saleable” ang bakuna.
Ang pagkakaroon ng kamalayan sa bagay na ito ay makakatulong para maiwasan ang anumang medikal na komplikasyon.
Pwede bang magkaroon ng extension ang shelf life ng COVID-19 vaccine?
Ang Emergency Use Authorization (EUA) ay isang awtorisasyon na inisyu para sa mga hindi rehistradong gamot at bakuna sa isang public health emergency. Ang FDA Director General, sa bisa ng Executive Order No. 121 ng Pangulo ng Pilipinas ay nagpapahintulot sa pagpapalabas ng EUA. Kaugnay nito dahil nagkaroon tayo ng pandemya na dulot ng COVID-19, naging sanhi ito para magkaroon ng public health emergency. Kinakailangan na maglabas ng listahan ng mga bakuna na may EUA para mapangalagaan ang kaligtasan ng kalusugan ng bawat tao.
Narito ang mga sumusunod:
- Janssen COVID-19 Vaccine (Ad26.COV2-S (recombinant))
- Whole Virion, Inactivated Corona Virus Vaccine [Covaxin]
- ChAdOx1-S[recombinant] VAXZEVRIA (COVID-19 Vaccine AstraZeneca)
- SARS-CoV-2 Vaccine (Vero Cell), Inactivated [Coronavac]
- COVID-19 mRNA Vaccine (nucleoside modified) [COVID-19 Vaccine Moderna]
- COVID-19 Vaccine (Vero Cell), Inactivated [COVID-19 Vaccine Sinopharm]
- Pfizer-BioNTech/Comirnaty COVID-19 mRNA Vaccine (nucleoside modified)
- Sputnik V Gam-COVID-Vac/Sputnik Light COVID-19 Vaccine
- SARS-CoV-2 rS Protein Nanoparticle Vaccine [Covovax]
Ang mga bakuna na may EUA ay maaaring iaplay para sa extension ng expiration date nito. Subalit kinakailangan na dapat wastong naiimbak ang COVID-19 vaccine at sapat ang ebidensya tungkol sa bakuna.
Key Takeaways
Ang expiration ng bakuna ay maaaring ibatay sa shelf life ng COVID-19 vaccine. Makikita sa shelf life ang haba ng panahon na maaaring manatiling “usable” at “fit para sa consumption” ang bakuna para sa COVID-19.
Matuto pa tungkol sa Balitang Pangkalusugan dito.