Nagsimula ang cholera outbreak sa Syria at Lebanon noong Oktubre 2022, kinailangan agad ng UNICEF ng $40.5 milyon upang palawakin ang pagtugon sa emerhensiya. Kabilang dito ang sumusunod na suporta:
- Kalusugan
- Tubig
- Kalinisan
- Komunikasyon sa panganib
- Pakikipag-ugnayan sa komunidad sa susunod na tatlong buwan
Ayon sa mga eksperto, nakakabahala ang mabilis na pagsiklab ng cholera sa nasabing mga lugar. Nanawagan agad sila ng agarang aksyon dahil sa panganib na lalong kumalat ang akit sa ibang mga bansa sa rehiyon.
Ang talamak na epidemya sa Syria ay nag-iwan ng higit sa 20,000 pinaghihinalaang mga kaso na may talamak na matubig na pagtatae at 75 na pagkamatay na nauugnay sa kolera mula nang magsimula ito. Sa Lebanon, ang kumpirmadong kaso ng kolera ay umabot sa 448 sa loob lamang ng dalawang linggo, na may 10 nauugnay na pagkamatay.
Cholera outbreak sa kalapit na bansa
Ilang mga kalapit na bansa ang apektado na ng mataas na bilang ng mga kaso ng talamak na matubig na pagtatae at maaaring nasa panganib ng cholera. Ang paglaganap ng cholera at talamak na matubig na pagtatae ay nagdaragdag sa pakikibaka ng mga bata sa mga bansang ito. Ang mga batang malnourished ay mas mahina at madaling magkaroon ng malubhang sakit na ito. Dagdag pasanin pa ang outbreak sa sistema ng pangkalusugan sa rehiyon.
[embed-health-tool-bmi]
Ano ang cholera outbreak
Ang cholera ay isang talamak na impeksyon sa pagtatae na dulot ng paglunok ng pagkain o tubig na kontaminado ng bacterium na Vibrio cholerae. Tinatayang hanggang apat na milyong tao sa buong mundo ang nagkakasakit ng cholera bawat taon. Mula 21,000 hanggang 143,000 katao naman ang mamatay mula dito.
Ang cholera ay nananatiling isang pandaigdigang banta sa kalusugan ng publiko. Ito ay isang tagapag pahiwatig ng hindi pagkakapantay-pantay at kakulangan ng panlipunang pag-unlad. Kadalasang may banayad na sintomas o minsan walang sintomas ang mga taong nagkakasakit ng kolera. Gayunpaman, maaaring maging malubha ang cholera.
Cholera outbreak: Saan ito nakukuha
Nagkaroon ng cholera outbreak noong ika-19 na siglo, kung saan kumalat ang cholera sa buong mundo mula sa orihinal nitong reservoir sa Ganges delta sa India. Pumatay ng milyon-milyong tao sa lahat ng kontinente ang anim na kasunod na pandemya. Nagsimula sa Timog Asya noong 1961 ang kasalukuyang ikapitong pandemya. Ito ay umabot sa Africa noong 1971 at sa Amerika noong 1991. Ang kolera ay endemic na ngayon sa maraming bansa.
Ang cholera bacterium ay kadalasang matatagpuan sa tubig o sa mga pagkaing nahawahan ng dumi mula sa taong infected ng cholera bacteria. Mas malamang na kumalat ito sa mga lugar na may hindi sapat na sanitasyon.
Ang cholera bacteria ay maaari ding mabuhay sa kapaligiran sa mga ilog at tubig sa baybayin. Maaaring pagmula ng impeksyon ang mga shellfish na kinakain ng hilaw.
Mga sintomas ng cholera
Tumatagal sa pagitan ng 12 oras at limang araw bago lumabas ang mga sintomas pagkatapos makain ng kontaminadong pagkain o tubig. Humigit-kumulang isa sa 10 tao na nagkakasakit sa panahon ng cholera outbreak ay magkakaroon ng matitinding sintomas tulad ng:
- Matubig na pagtatae
- Pagsusuka
- Pananakit ng binti
Ang mabilis na pagkawala ng mga likido sa katawan ay humahantong sa dehydration. Kung walang paggamot, ang kamatayan ay maaaring mangyari sa loob ng ilang oras. Ito ay nakakaapekto sa parehong mga bata at matatanda at maaaring pumatay sa loob ng ilang oras kung hindi ginagamot.