backup og meta

Chikiting Ligtas 2023 Campaign, Extended Ayon Sa DOH!

Chikiting Ligtas 2023 Campaign, Extended Ayon Sa DOH!

Batay sa pahayag ng Department of Health (DOH) noong ika-31 ng Mayo, araw ng Miyerkules, na extended ang kanilang nationwide supplemental immunization campaign laban sa tigdas, rubella, at polio hanggang Hunyo 15. Bagama’t orihinal na nakatakdang maganap lamang ang kampanya na ito sa buong buwan ng Mayo, para maiwasan ang paglaganap ng mga sakit sa tulong ng bakuna — partikular ang tigdas, rubella, at polio sa mga bata.

Ang “Chikiting Ligtas 2023 Campaign” ay inilunsad ng DOH matapos ang ulat ng Unicef ​​na may 25% na pagbaba sa pananaw ng publiko sa kahalagahan ng mga bakuna para sa mga bata sa panahon ng pandemya ng COVID-19.

Kaya sa pamamagitan din ng kampanyang inilunsad, binigyang-diin ng DOH kung paano maaaring makabuti ang pagbabakuna sa country’s public health, lalo na sa paglaban sa tigdas at polio.

Para mas maunawaan ang kahalagahan ng kampanya na ito at paano pwedeng makaapekto sa kalusugan ng bata ang tigdas, rubella, at polio, patuloy na basahin ang article na ito.

Ano ang tigdas?

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang tigdas ay sanhi ng isang virus sa paramyxovirus family, at karaniwang naipapasa ito sa pamamagitan ng direct contact at hangin. Maaaring maka-infect ang virus sa respiratory tract, at kumakalat sa ating buong katawan, na nagdudulot ng matinding sakit, komplikasyon at maging kamatayan.

Kadalasan ang mga hindi nabakunahan o hindi nakapag-debelop ng immunity ang nakakakuha ng tigdas. Kung saan ang mga batang hindi nabakunahan at mga buntis ang nasa pinakamataas na panganib na magkaroon ng malubhang komplikasyon ng tigdas.

Sa kasalukuyan, walang partikular na antiviral treatment para sa tigdas. Ngunit ang nakagawiang pagbabakuna sa tigdas, na sinamahan ng mga kampanya ay nakakatulong para maiwasan ito.

Ano ang rubella?

Batay muli sa WHO ang rubella ay isang acute, at nakakahawang viral infection. Ang rubella virus infection ay kadalasang nagdudulot ng mild na lagnat at pantal sa mga bata at matatanda, at impeksiyon sa panahon ng pagbubuntis, lalo na sa unang tatlong buwan, na maaaring magresulta ng miscarriage, pagkamatay ng fetus, panganganak nang patay, o mga sanggol na may congenital malformations, na kilala bilang congenital rubella syndrome (CRS) .

Pwedeng makuha ang rubella virus sa pamamagitan ng airborne droplets, kapag ang mga nahawaang tao ay bumahing o umuubo. Wala ring tiyak na paggamot para sa rubella, ngunit ang sakit ay maiiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna.

Ano ang polio?

Ayon sa WHO, Ang polio ay isang lubhang nakakahawang sakit na dulot ng isang virus. Kung saan sinasalakay o invade nito ang ating nervous system na maaaring maging sanhi ng “total paralysis” sa loob ng ilang oras. 

Nakukuha ang virus na ito sa pamamagitan ng tao-sa-tao na kumalat sa pamamagitan ng faecal-oral route. Ang mga unang sintomas na mayroon kang polio ay lagnat, pagkapagod, pananakit ng ulo, pagsusuka, paninigas ng leeg at pananakit ng mga paa.

Dagdag pa rito, pangunahing nakakaapekto ang polio sa mga batang wala pang 5 taong gulang. Gayunpaman, sinuman sa anumang edad na hindi nabakunahan ay maaari pa ring magkaroon ng sakit na ito.

Sa kabuuan, walang gamot sa polio, ngunit pwede ito maiwasan. Ang pagkuha ng bakuna laban sa polio ay maaaring magbigay ng proteksyon sa isang bata habang buhay. Kung saan mayroong dalawang bakunang available: oral polio vaccine at inactivated polio vaccine. Pareho itong epektibo at ligtas, at kapwa silang ginagamit sa iba’t ibang panig ng mundo.

Kahalagahan ng Chikiting Ligtas 2023 Campaign

“Measles, rubella, and polio are highly contagious diseases but are also easily preventable through immunization,” DOH Officer-in-Charge and Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Kaya ang paglulunsad ng kampanya na ito ay isang mahusay na tugon para lalong maiwasan ang tigdas, rubella, at polio. “At present, we no longer witness the ill and grave effects of these diseases. This is due to the decades of hard work and perseverance in ensuring that all Filipino children are protected by life-saving vaccines,” pagdaragdag pa ni Vergeire.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Poliomyelitis, https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/poliomyelitis Accessed June 1, 2023

Rubella, https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/rubella Accessed June 1, 2023

Measles, https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/measles#:~:text=Measles%20is%20caused%20by%20a,disease%2C%20complications%20and%20even%20death. Accessed June 1, 2023

DOH extends vax drive vs, measles, rubella, polio to June 15, https://newsinfo.inquirer.net/1777772/doh-extends-vax-drive-vs-measles-rubella-polio-to-june-15 Accessed June 1, 2023

DOH launches ‘Chikiting Ligtas 2023’ in Bacolod City, https://newsinfo.inquirer.net/1762802/doh-launches-chikiting-ligtas-2023-in-bacolod-city Accessed June 1, 2023

DOH, WHO, UNICEF launch “Chikiting Ligtas” — Measles, Rubella, and Polio National Supplemental Immunization Campaign, https://www.who.int/philippines/news/detail/27-04-2023-doh–who–unicef-launch–chikiting-ligtas—-measles–rubella–and-polio-national-supplemental-immunization-campaign Accessed June 1, 2023

DOH launches ‘Chikiting Ligtas 2023’ immunization drive vs measles, rubella, polio, https://mb.com.ph/2023/4/27/doh-launches-chikiting-ligtas-2023-immunization-drive-vs-measles-rubella-polio Accessed June 1, 2023

DOH rolls out SAP thru Chikiting Ligtas 2023, https://pia.gov.ph/news/2023/05/09/doh-rolls-out-sap-thru-chikiting-ligtas-2023 Accessed June 1, 2023

 

Kasalukuyang Version

06/19/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Virginity Soap o Bar Bilat: Ligtas At Aprubado Ba Itong Gamitin?

Pagdami Ng Populasyon, Bumabagal Na Raw Ayon Sa PopCom


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement