backup og meta

Experimental Na Chewing Gum Para Sa COVID-19, Epektibo Nga Ba?

Experimental Na Chewing Gum Para Sa COVID-19, Epektibo Nga Ba?

Habang sabik na hinihintay ng mundo ang pagtatapos ng pandemya sa pamamagitan ng malawakang pagbabakuna, maraming pa ring scientists ang nagsusumikap na maghanap non-vaccine na solusyon para sa COVID-19. Nakabuo na ang Merck at Pfizer ng antivirals, ang Molnupiravir at Paxlovid — na parehong kinakitaan ng potensyal sa pagsugpo sa kalubhaan ng mga impeksyon ng SARS-CoV2. Sa ngayon, may isa pang pambihirang tagumpay: isang experimental na chewing gum para sa COVID-19 na pinaniniwalaang nakapagpapababa ng load ng virus nang halos 95%. Hindi lamang nito maaaring mabawasan ang pagkalat ng virus, kung hindi maging ang paglubha ng mga sintomas.

Narito ang mga impormasyong kailangan mong malaman tungkol sa chewing gum para sa COVID-19.

Ginagawa ba ng Pharmaceutical Company ang Chewing Gum para sa COVID-19?

Una, tandaang hindi tulad ng Molnupiravir at Paxlovid, ang experimental na chewing gum para sa COVID-19 ay HINDI ginawa ng pharmaceutical company. Ito ay ginawa ng Per OS BioSciences, isang kumpanyang dalubhasa sa paggawa ng mga functional chewing gum, tablet, lozenges, at candies na nagbibigay ng mas mabilis na rate ng absorption ng mga aktibong sangkap.

Pinag-aralan ng isang grupo ng mga mananaliksik mula sa University of Pennsylvania ang epekto ng chewing gum laban sa viral load ng SARS-CoV2.

Paano Nakatutulong ang Chewing Gum sa Pagpapababa ng Viral Load?

Ayon sa mga ulat, ang chewing gum ay may Angiotensin Converting Enzyme 2 (ACE2). Ito ay isang protinang natural na matatagpuan sa cell surfaces. Sinasabi ng mga eksperto na ang SARS-CoV2 virus ay gumagamit ng ACE 2 bilang isang “gateway” upang mahawa ang cell.

Sa pag-aaral sa test tube, napansin ng mga mananaliksik na ang virus sa swab at mga sample ng laway na nakadikit sa ACE 2 na matatagpuan sa chewing gum, na lubhang binabawasan ang viral load nang higit sa 95%.

Sa ibang salita, nagagawang “ma-trap” ng chewing gum ang virus.

Ano ang Posibleng Implikasyon ng Paggamit Experimental Chewing Gum para sa COVID-19?

Dahil ang gum ay lubhang nakapagpapabawas ng viral load sa infected na laway at mga sample na swab, pinaniniwalaang maaari din itong makatulong upang mapigilan ang pagkalat ng SARS-CoV2 kung ang mga nahawaang tao ay huminga, nagsasalita, o umuubo.

Kung ang chewing gum ay maaprubahan ng mga awtoridad ng kalusugan, maaari itong makatulong upang mabawasan ang pagkakaroon ng surge. Mahalaga ito sa mga bansa kung saan ang mga bakuna ay hindi pa rin malawakang ginagamit.

Mayroon bang mga Masamang Epekto ang Chewing Gum?

Isinaad ng mga mananaliksik na ang experimental chewing gum para sa COVID-19 ay tulad lamang karaniwang chewing gum sa itsura, pakiramdam, at lasa. Posible rin ang pagtatago nito sa normal room temperature, nang hindi nasisira ang ACE 2 protein molecules sa cell surfaces.

Anu-Ano Pang Ibang Mga Produkto Laban Sa COVID-19 Ang Kasalukuyang Ginagawa?

Bago pa man ang experimental chewing gum para sa COVID-19, naglabas din ang iba pang mga kumpanya ng mga produkto na maaaring makatulong sa paglaban sa pandemya. Ito ay ang mga sumusunod:

  • Molnupiravir ng Merck, na pinahintulutan na ng pamahalaan ng UK. Kasalukuyang pinag-aaralan ito ng ating FDA at pinahintulutang magamit sa ilang kategorya ng pasyente.
  • Paxlovid ng Pfizer, na ayon sa mga pag-aaral ay 89% na epektibo laban sa SARS-CoV2.
  • Oral COVID-19 vaccine (Oravax) mula sa Israel. Ito’y inaprubahan na ngayon ng South Africa na sumailalim sa Phase 1 clinical trial.
  • Nasal spray na sinasabing nakapagpapatigil sa impeksyon o nakapagpapabawas sa dami ng viruses.
  • Virgin Coconut oil, na maaaring gamitin bilang pandagdag na therapy para sa COVID-19.

Bukod sa mga ito, nakita rin sa ilang mga pag-aaral na ang mga tiyak na produktong mouthwash at gamot ay maaari ding makatulong upang malabanan ang mga impeksyon ng SARS-CoV2.

Mahalgang tandaang sa kabila ng potensyal ng mga produktong ito, hindi pa rin pamalit ang mga ito sa mga bakuna. Ang pagsunod sa mga protocol sa kalusugan at kaligtasan ay nananatili pa ring pinaka mahalaga. Kung maging available ang bakuna, mainam na magkaroon nito. Kung may mga alalahanin, makipag-ugnayan sa iyong doktor.

Key Takeaways

Ang experimental chewing gum para sa COVID-19 na inihanda ng Per Os BioSciences at pinag-aralan ng mga mananaliksik mula sa University of Pennsylvania ay natuklasang may kakayahang “i-trap” ang viruses sa laway at mga sample swab ng mga nahawaang tao. Binawasan nito ang viral load nang higit sa 95%.
Kung maaprubahan, pinaniniwalaang maaaring makatulong ang chewing gum na ito. Pwedeng mabawasan ang pagkalat ng virus kung humihinga, nagsasalita, o umuubo ang mga nahawaang tao. Maaari rin itong makatulong upang mabawasan ang pagdami ng mga kaso, lalo na sa mga bansang hindi pa rin available at laganap ng husto ang bakuna.

Matuto pa ng mga balita tungkol sa Balitang Pangkalusugan dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

COVID SCIENCE: Experimental chewing gum may reduce virus spread, https://news.abs-cbn.com/overseas/11/24/21/experimental-chewing-gum-may-reduce-virus-spread-study, Accessed November 26, 2021

Per Os Biosciences LLC, https://www.peros-bio.com/gum-process/, Accessed November 26, 2021

Debulking SARS-CoV-2 in saliva using angiotensin converting enzyme 2 in chewing gum to decrease oral virus transmission and infection, https://www.cell.com/molecular-therapy-family/molecular-therapy/fulltext/S1525-0016(21)00579-7#secsectitle0020, Accessed November 26, 2021

Experimental chewing gum may reduce virus spread; Booster shot protection may be longer lasting, https://www.reuters.com/markets/europe/experimental-chewing-gum-may-reduce-virus-spread-booster-shot-protection-may-be-2021-11-22/, Accessed November 26, 2021

VIRGIN COCONUT OIL AS ADJUNCTIVE THERAPY FOR COVID-19, https://www.dost.gov.ph/knowledge-resources/news/72-2021-news/2411-virgin-coconut-oil-as-adjunctive-therapy-for-covid-19.html, Accessed November 26, 2021

Oramed Announces Oravax’s Oral COVID-19 Vaccine Has Received South African Approval to Initiate Phase 1 Trial, https://www.prnewswire.com/news-releases/oramed-announces-oravaxs-oral-covid-19-vaccine-has-received-south-african-approval-to-initiate-phase-1-trial-301411568.html, Accessed November 26, 2021

Kasalukuyang Version

02/26/2023

Isinulat ni Vincent Sales

Sinuri ang mga impormasyon ni Vincent Sales

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Virginity Soap o Bar Bilat: Ligtas At Aprubado Ba Itong Gamitin?

Pagdami Ng Populasyon, Bumabagal Na Raw Ayon Sa PopCom


Sinuri ang mga impormasyon ni

Vincent Sales


Isinulat ni Vincent Sales · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement