Isang malungkot na balita ang bumungad sa Philippine showbiz industry ng i-anunsyo ang pagkamatay ng aktres na si Cherie Gil sa edad na 59. Ang balita ito ay kinumpirma ng pamangkin ng aktres na si Sid Lucero sa kanyang instagram post noong Agosto 5, 2022, Biyernes.
Dagdag pa rito, naglabas din ng statement ang pamilya ni Cherie Gil na endometrial cancer ang ikinamatay nito at hiniling ng aktres na hindi isapubliko ang kanyang karamdaman.
“It is with heartfelt sorrow that we announce that Cherie passed away peacefully in her sleep on August 5th, at 4:48 a.m. EST after a brave battle against cancer.”
Na-diagnose ang aktres sa kanyang sakit noong Oktubre 2021, matapos niyang mag-decide na mag-recolate sa New York City para maging mas malapit sa kanyang mga anak.
Nagpasalamat din ang anak ng beteranong aktres na si Raphael Rogoff sa lahat ng mga tao at personalidad na nagbigay ng pagmamahal at pagkalinga sa kanilang ina na mababasa sa kanyang instagram post noong Agosto 7, 2022.
Mula rin sa most recent Facebook posts ng sikat na aktres, makikita na nagpunta siya sa Memorial Sloan Kettering Cancer Center sa US, noong Hulyo 15 — at noong Pebrero 2022 matatandaan na nagpakalbo o shaved ng buhok ang aktres at ini-reveal sa isang interview na lumipat na siya sa New York City.
Bumida si Cherie Gil sa iba’t ibang TV shows, theater, pelikula, at plays combined. Nakilala rin ang beteranong aktres sa kanyang kontrabida role bilang Lavinia Arguelles sa film na Bituing Walang Ningning kasama ang isa pang icon star na si Sharon Cuneta.
Ang aktres rin na si Cherie Gil ang nagpasikat ng linyang “You’re nothing but a second-rate, trying hard, copycat” na tumatak sa maraming Pilipino.
Ano ang Endometrial Cancer na dahilan ng pagkamatay ng aktres?
Ayon sa American Cancer Society ang endometrial cancer ay isa sa pinakakaraniwang kanser sa female reproductive system sa U.S. Kung saan ang kanser na ito ay nakakaapekto sa endometrium o lining ng matris ng mga babae.
Sino ang mga mayroong risk ng pagkaroon ng kanser na ito?
Ang endometrial cancer ay madalas na nakakaapekto sa mga menopausal na babae at ang average age ng mga babae na nagkakaroon nito ay nasa 60 taong gulang. Gayunpaman, ang uri ng kanser na ito ay bihira lamang sa mga babaeng nasa edad 45 pababa.
Anu-ano ang sintomas ng endometrial cancer?
Maaaring ma-detect ang early stage ng kanser na ito dahil sa madalas na pagkakaroon ng vaginal bleeding, at narito pa ang ilang mga sintomas na dapat mong malaman na may kaugnayan sa kanser na ito:
- Pelvic pain
- Pagkakaroon ng vaginal bleeding pagkatapos ng menopause
- Pagdurugo sa pagitan ng regla
Anu-ano ang risk factors?
Narito ang mga risk factors sa pagkakaroon ng endometrial cancer:
- Sobrang katabaan
- Pagkakaroon ng matandang edad
- Nakamana ng colon cancer syndrome
- Nagkaroon ng hormone therapy para sa breast cancer
- Hindi pa nabubuntis o nagkakaanak
- Pagbabago sa balance ng female hormones sa katawan
- Nireregla pa rin kahit nasa menopausal stage na
Nagagamot ba ang endometrial cancer?
Ayon sa Mayo Clinic, pwedeng magamot ang kanser na ito sa pamamagitan ng pagtanggal ng uterus, fallopian tubes at ovaries.
Narito pa ang ilang paggamot na pwedeng gawin para sa kanser:
- Immunotherapy
- Radiation therapy
- Targeted drug therapy
- Supportive or palliative care
- Chemotherapy
- Hormone therapy
Kailan dapat magpakonsulta sa doktor?
Ipinapayo na magpakonsulta na agad sa doktor sa oras na consistent ang paglabas at pag-atake ng mga sintomas na nabanggit sa artikulong ito. Makakabuti kung matitingnan ka ng doktor para sa agarang medikal na atensyon para sa’yong kasalukuyang sitwasyon.