Ibinahagi ng chart-topping British star ang kanyang mga paghihirap na kinaharap sa isang statement na nagpapatunay sa mga detalye ng kanyang bagong album, na nagsasabing isa itong series ng mga kaganapan na nagpabago ng kanyang buhay, kalusugang pangkaisipan, at paraan ng pagtingin musika at sining.
Ayon sa pahayag ni Ed Sheeran ang kanyang asawa na si Cherry Seaborn ay na-diagnose na may tumor noong nakaraang taon habang nagbubuntis ito para sa kanilang ikalawang anak.
“My pregnant wife got told she had a tumour, with no route to treatment until after the birth,” paglalahad ni Ed Sheeran sa interbyu.
Bagama’t ang tumor ng kanyang asawa ay nangangailangan ng surgery, walang treatment na maibigay sa kanya dahil buntis pa ito at hindi pa nanganganak.
Pagkatapos maibahagi ni Ed Sheeran ang kalagayan ng kanyang asawa, inanunsyo ng singer na darating sa ika-5 ng Mayo ang kanyang ikalimang album na ‘Subtract’. Isinulat ni Ed Sheeran ang album na ito ng halos isang dekada.
“I had been working on ‘Subtract’ for a decade, trying to sculpt the perfect acoustic album, writing and recording hundreds of songs with a clear vision of what I thought it should be,” pahayag ng singer.
Dagdag pa ni Ed Sheeran na ang ‘Subtract’ ay repleksyon kanyang ng mga personal experience, “anxiety, takot, at depresyon”, na bunga ng kanyang mga pinagdaanan.
“Then at the start of 2022, a series of events changed my life, my mental health, and ultimately the way I viewed music and art,” paglalahad ng singer
Binigyang-diin din ng singer na dahil sa kanyang mga karanasan, napagtanto niya na dapat ipaalam sa fans kung ano ang nagaganap sa kanya.
Para malaman ang mga detalye tungkol sa naging kalagayan ng asawa ni Ed Sheeran, patuloy na basahin ang article na ito.
Cancer ng asawa ni Ed Sheeran
Ang cancer ng asawa ni Ed Sheeran ay naging malaking usapin dahil inialay sa kanya ng mang-aawit ang bago nitong ilalabas na album.
Isiniwalat rin ng mang-aawit na nakapagsulat siya ng 7 kanta sa loob lamang ng apat na oras matapos niyang matuklasan na may kanser ang asawa.
Sa documentary ng mang-aawit na ipinalabas, makikita na emosyonal ito habang inaalala niya ang panahon na nalaman niya ang diagnosis ng asawa. Kung saan nagbigay rin ng detalye ang kanyang asawa tungkol sa pagharap nito sa cancer.
Ayon kay Cherrie;
“Long story short, I got diagnosed with cancer at the start of the year, which was a massive s**tter, but it made me massively reflect on our mortality.”
Ibinahagi rin niya ang mga bagay na nasabi niya sa kanyang asawa: “I was saying to Eds, I’d never have agreed to do anything like this before — never, ever, ever — but it made me think this whole year, if I died, what’s people’s perception of me? What am I going to leave behind? It genuinely wasn’t until this year when I was just like, “I might die”.
Pagdaragdag pa ni Cherrie sa kanyang kwento: ‘We had the diagnosis of the tumour and the next day Eds went down into the basement and wrote seven songs in four hours.’
Ano ang tumor?
Ang tumor ay isang abnormal na “mass of tissue” na nabubuo kapag ang cells ay lumalaki at nahati nang higit sa dapat o hindi namamatay kung kailan dapat.
Cancerous ba ang lahat ng tumor?
Batay sa National Library of Medicine ang mga tumor sa panahon ng pagbubuntis ay bihira lamang, ngunit maaari itong mangyari. Pwedeng maging benign o malignant ang mga tumor— kung saan ang benign tumor ay hindi cancerous, habang ang malignant ang itinuturing na cancerous.
Ang benign tumor ay maaaring lumaki ngunit hindi kumalat, o nag-i-invade sa mga kalapit na tisyu o iba pang bahagi ng katawan. Samantala ang malignant tumors naman ay maaaring kumalat, o sumalakay sa mga kalapit na tisyu. Maaari rin silang kumalat sa ibang bahagi ng katawan sa pamamagitan ng dugo at lymph systems.