backup og meta

Cancer Assistance Fund Para Sa Mga Pasyente, Available Na Nga Ba?

Ipinapakita sa government data na ikatlo ang kanser sa leading cause ng kamatayan sa Pilipinas dahil sa 8, 926 recorded fatalities mula Enero hanggang Mayo 2022. Bilang tugon sa problemang ito naglabas ng joint memorandum ang Department of Budget and Management (DBM),  at Department of Health (DOH) na available na ang Cancer Assistance Fund (CAF) sa mga ospital at public at private health facilities.

Cancer Assistance Fund Para Sa Mga Pasyente, Available Na Nga Ba?

“As part of our efforts towards realizing Universal Health Care, the CAF (Cancer Assistance Fund) was developed and implemented to increase the accessibility of specialty cancer care services to many of our kababayans (countrymen) afflicted with this disease,” pahayag ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire.

Batay na rin sa pahayag ng dalawang ahensya, ang Php. 529.2-million CAF ay nasa ilalim ng budget ng DOH ngayong taon. Pero na-delay ang release nito habang nakabinbin ang joint memorandum.

Hanggang kailan available ang CAF?

Ayon sa Joint Memorandum Circular 2022-0002 na inilabas noong ika-28 ng Setyembre 2022, ang Cancer Assistance Fund  ay magpopondo sa outpatient at inpatient cancer control services. Available ang fund hanggang ika-31 ng Disyembre 2023 batay sa pahayag ng DBM. Habang pamamahalaan naman ng DOH ang pondo ng CAF para sa distribution nito sa mga ospital ng DOH at non-DOH, alinsunod sa budget guidelines.

Nagamit na ba ang lahat ng CAF

Matatandaan na noong Agosto ay naghain si Kabayan party-list Rep. Ron Salo ng House Resolution 252 na naghahangad ng pagsisiyasat sa hindi nagamit na CAF, at sa Cancer and Supportive-Palliative Medicines Access Program sa kasalukuyang budget. Sinabi ni Rep. Ron Salo na hindi nakatanggap ng tulong ng gobyerno ang mga cancer patients upang pondohan ang kanilang treatment mula pa noong nagsimula ang taon.

Kaya naman umapela din ang DOH sa House of Representative noong Setyembre na ibalik ang Php. 500 milyon para sa CAF na binawasan ng DBM mula sa panukalang budget sa 2023.

Anu-ano ang mga serbisyo ang makukuha sa Cancer Assistance Fund?

“Malaking tulong po para sa ating mga kababayan itong nakalaang pondo for cancer assistance na maaari na pong magamit sa mga DOH hospital access sites at iba pang health facilities sa bansa,” pahayag ni Budget Secretary Amenah Pangandaman.

Layunin ng CAF na matulungan ang mga cancer patient at survivor sa kanilang mga gastusin at at makakuha ng inpatient at outpatient services na inimplement ng DOH. 

Narito ang ilan sa mga serbisyong pwedeng makuha sa CAF, pero hindi limitado sa kanila:

  • diagnostics
  • therapeutic procedures
  • treatment at management services
  • iba pang care-related components ng kanser

Anu-anong uri ng kanser ang eligible para sa Cancer Assistance Fund?

“We hope that it will ease the burden of many cancer patients, as we know that cancer is one of the leading causes of morbidity and mortality amongst Filipinos,” pagdaragdag ni Pangandaman.

Ayon sa mga ulat at pahayag ng DOH may 8 identified priority cancer types ang eligible para makakuha ng CAF.  Narito ang mga sumusunod

  • breast cancer
  • childhood cancer
  • gynecologic cancer
  • liver cancer
  • adult blood cancers
  • head at neck cancers
  • lung cancer
  • prostate
  • urinary bladder cancers

Paano makakakuha ng CAF?

Para maka-avail ng CAF, kinakailangan na ang mga pasyente at/o tagapag-alaga ay magsumite ng mga requirements sa mga identified access site kung saan available ang mga serbisyo ng CAF.

Ilan sa mga kinakailangang dokumento ay ang mga sumusunod:

  • reseta
  • treatment protocols
  • medikal abstracts na magfi-first undergo evaluation bago ang pag-apruba at pag-avail ng mga serbisyo.

Key Takeaways

Huwag mag-atubili na magtanong at inquire tungkol sa mga tulong pampinansyal na maaaring makuha mula sa gobyerno. Sapagkat malaki ang maitutulong nito para mabawasan ang mga financial problem sa pagpapagamot at ma-avail ang mga treatment na kailangan ng pasyente upang madugtungan pa ang kanilang buhay. Maaari kayong humingi ng impormasyon sa mga lehitimong sites, agencies, at ospital para alamin ang mga mahahalagang detalye sa Cancer Assistance Fund. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

DOH rolls out funds to help cancer patients, survivors, https://www.cnnphilippines.com/news/2022/11/14/doh-cancer-assistance-fund.html?fb&fbclid=IwAR0PsJHd8pfLdZBqM1K3AWbaYnmN0BjRM86mUliopnhElKKIhuFFV2YfsGM Accessed December 1, 2022

Cancer assistance fund now available, https://www.cnnphilippines.com/news/2022/10/10/cancer-assistance-fund-now-available.html Accessed December 1, 2022

What Is Cancer, https://www.cancer.gov/about-cancer/understanding/what-is-cancer Accessed December 1, 2022

Cancer, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/cancer/symptoms-causes/syc-20370588 Accessed December 1, 2022

Cancer, https://www.who.int/health-topics/cancer#tab=tab_1 Accessed December 1, 2022

 

Kasalukuyang Version

02/26/2026

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

ACT NOW - Recap ng World Cancer Day 2025

Ano Ang Molnupiravir, At Epektibo Ba Ito Laban Sa COVID-19?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas