backup og meta

Buhay Na Bulate, Paano Tinanggal Mula Sa Bibig Ng Pasyente?

Buhay Na Bulate, Paano Tinanggal Mula Sa Bibig Ng Pasyente?

Madalas tayong makarinig ng mga kwento tungkol sa bulate ng tiyan na nailalabas sa pamamagitan ng pagdumi. In short, sa pwet dumadaan mga bulate upang makalabas sila sa ating katawan. Kaya surprising para sa ibang tao na makarinig ng mga istorya na ang bulate ay maaaring tanggalin sa pamamagitan ng pagpapadaan nito sa’ting bibig. Pero posible nga ba ang claim na ito? Alamin natin dito!

Bulate sa tiyan, pwede nga ba alisin mula sa pagpapadaan sa bibig ng tao?

Larawan mula sa fb page ni Dr. Virgil Lo

Usap-usapan sa social media ngayong 2023, ang pagtanggal ni Dr. Virgil Lo ng buhay na bulate sa tiyan sa pamamagitan ng paghugot, at pag-alis nito mula sa bibig ng kanyang pasyente. Isinagawa ang extraction ng bulate ng kanyang pasyente sa Chinese General Hospital and Medical Center, at ginawa ang pagtatanggal ng bulate habang tulog ang pasyente. Kung saan ito ang naging dahilan kung bakit walang nararamdaman ang pasyente habang tinatanggal ang kanyang bulate.

“Kailangan extract from bile duct to small intestine to stomach to mouth para di na mag-cause ng sakit yung ascaris worm,” pahayag ni Dr. Virgil Lo mula sa kanyang fb comment.

Larawan mula sa fb page ni Dr. Virgil Lo

Makikita rin sa larawan na inupload sa facebook page ni Dr. Virgil Lo na buhay pa ang mga bulate kahit nasa labas na ito ng katawan ng pasyente. Ibig sabihin, habang inaalis sa pasyente ang bulate — buhay pa ito.

Larawan mula sa fb page ni Dr. Virgil Lo

Paano nakita ang mga bulate sa katawan ng pasyente?

Ayon sa caption sa larawan na na-iupload sa facebook page ni Dr. Virgil Lo nakita ang mga bulate sa pamamagitan ng X-ray.

Larawan mula sa fb page ni Dr. Virgil Lo

X-Ray of Bile ducts (Cholangiogram) showed 3 elongated and moving filling defects consistent with worm.”

Ang mga bulate na kailangang tanggalin ay ang mga sumusunod:

  • mother worm
Larawan mula sa fb page ni Dr. Virgil Lo
  • husband worm
Larawan mula sa fb page ni Dr. Virgil Lo
  • baby worm
Larawan mula sa fb page ni Dr. Virgil Lo

Inilarawan ang mga bulateng ito na matataba, partikular ang mother worm, at bagama’t na mahaba, mataba, at buhay ang mga bulate ay naging matagumpay ang pagtanggal nito sa katawan ng pasyente.

Larawan mula sa fb page ni Dr. Virgil Lo

Paano tinanggal ang bulate?

Batay sa pahayag ni Dr. Virgil Lo, kapag hindi naagapan ang ascaris worm maaari itong umabot sa hundreds ang bilang nila. Dagdag pa rito, ayon sa mga pag-aaral at artikulo ang malaking bulate sa tiyan tulad ng ascaris worm ay ang sanhi ng parasitic infection ng maliit na bituka na tinatawag na “ascariasis”, kung saan tao ang gustong host ng parasite na ito.

Sa kaso ng pasyente ni Dr. Virgil Lo, inalis ang bulate sa tulong ng endoscope — isang mahaba at nababaluktot na tubo na may nakakabit na kamera na pwedeng umabot sa bile ducts sa pamamagitan ng pagpapadaan sa bibig. 

Larawan mula sa fb page ni Dr. Virgil Lo

Bakit nagkakaroon ng ascaris lumbricoides o bulate ang isang tao?

Maaaring magkaroon ng bulate sa tyan ang mga bata at matatanda kapag naipasok nila ang kanilang kamay sa bibig, pagkatapos nila humawak sa mga kontaminadong pagkain, bagay, at dumi na naglalaman ng roundworm eggs. Ang pagkonsumo rin ng mga pagkain na hindi nalinis gaya ng prutas at gulay na itinanim sa kontaminadong lupa ay maaari ding maging sanhi ng ascariasis. Madalas rin na nakakakuha ang mga tao ng bulateng ito mula sa lugar na may mahinang sanitasyon at lugar kung saan ang dumi ng tao ay ginagamit bilang pataba. Kaya naman ipinapayo ng mga doktor ang pahuhugas at pag sanitize ng  kamay para maiwasan ang pagkakaroon ng bulate sa tiyan.

Ano ang mga sintomas ng pagkakaroon nito?

Nagkaroon ang pasyente ni Dr. Virgil Lo ng recurrent right upper abdominal pain, at nakaranas rin siya ng pagchi-chills bilang sintomas niya na mayroon siyang ascaris worm. Kinakailangan na malaman mo agad kung may ascaris worm upang hindi ito lumaki at bumara sa iyong bile ducts. Kaya naman narito ang mga sintomas na dapat mong malaman sa pagkakaroon ng ascaris worm:

  • stomach cramps
  • intestinal obstruction na maaaring mauwi sa pagsusuka

May pagkakataon rin na makikita na lumalabas ang mga bulate o ascaris worm sa puwet, bibig, o ilong ng isang tao.

Mahalagang paalala mula sa mga eksperto

Ang mga bulate nakakapaglakbay sa duct ducts ay maaaring maging sanhi ng pagbabara (blockage) at impeksyon sa atay, pancreas. Dagdag pa rito, kapag ang roundworm’s larvae ay lumipat sa baga, maaari silang magdulot ng allergic lung inflammation (pneumonitis) na may kasamang lagnat, at ubo. 

Kaya naman ugaliin magpakonsulta muna sa doktor kapag may hinala ka na may bulate ka o ang iyong miyembro ng pamilya upang magkaroon ka ng proper diagnosis at paggamot. Ang pagpapakonsulta sa doktor ay isang mahusay na hakbang para maiwasan ang mga medikal na komplikasyon. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Comparative Study on Presentation of Biliary Ascariasis with Dead and Living Worm, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3003205/ Accessed March 2, 2023

Ascaris lumbricoides Discharge from the mouth, https://www.karger.com/article/FullText/488524 Accessed March 2, 2023

Doctors Pulled 14 Squirming Roundworms from a Woman’s Bile Ducts, https://www.livescience.com/62461-roundworms-bile-ducts.html Accessed March 2, 2023

Ascariasis, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/ascariasis/diagnosis-treatment/drc-20369597#:~:text=In%20heavy%20infestations%2C%20it’s%20possible,and%20prescribe%20the%20proper%20treatment. Accessed March 2, 2023

Roundworm (Ascariasis), https://www.healthychildren.org/English/health-issues/conditions/from-insects-animals/Pages/Roundworm-Ascariasis.aspx Accessed March 2, 2023

Ascariasis, https://www.msdmanuals.com/professional/infectious-diseases/nematodes-roundworms/ascariasis Accessed March 2, 2023

Kasalukuyang Version

05/29/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Virginity Soap o Bar Bilat: Ligtas At Aprubado Ba Itong Gamitin?

Pagdami Ng Populasyon, Bumabagal Na Raw Ayon Sa PopCom


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement