backup og meta

Arcturus: Bagong Omicron Variant, Nakapasok Na Sa Pilipinas!

Arcturus: Bagong Omicron Variant, Nakapasok Na Sa Pilipinas!

Ayon sa ulat ng Department of Health (DOH) nakapasok na ang bagong omicron variant sa Pilipinas. Kinikilala ito bilang XBB.1.16 Omicron subvariant ng COVID-19, at tinatawag din bilang “Arcturus” sa latest na biosurveillance report, at ang unang kumpirmadong kaso nito ay nakita sa Western Visayas. Sa ngayon, walang ibinigay na karagdagang detalye ang DOH tungkol sa indibidwal.

Itinuturing ang Arcturus bilang fast-growing version ng Omicron na nakita sa Pilipinas, batay sa ulat ng DOH noong Martes. Isa rin itong sublineage ng XBB subvariant na idinagdag kamakailan ng World Health Organization (WHO) at ng European Center for Disease Prevention and Control noong Marso 22 at 23.

“The variant was initially flagged due to its increasing global prevalence and for having mutations which may lead to increase in infectivity or pathogenicity,” pahayag ng DOH.

Sa kasalukuyan, ang Arcturus ay na-detect na sa 33 bansa at nagsu-surge ito ngayon sa India.

Ipinaliwanag din ng DOH na ang kasalukuyang ebidensya para sa XBB.1.16 ay hindi nagmumungkahi ng mga pagkakaiba sa disease severity at clinical manifestation kumpara sa orihinal na variant ng Omicron. 

Idinagdag rin ng DOH na tumataas ang mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas habang mas maraming tao ang lumalabas at habang patuloy na muling nagbubukas ang ekonomiya. Gayunpaman, sa kabila ng pagtaas ng mga impeksyon, nananatiling mababa ang rate ng healthcare utilization.

Para sa iba pa bang detalye tungkol sa bagong omicron variant, patuloy na basahin ito.

Ano ang Arcturus?

Kilala rin bilang ang XBB.1.16 ang bagong omicron variant/subvariant na ito . Una itong na-detect sa India, kung saan pinaniniwalaang nagdulot ito ng kamakailang surge sa mga impeksyon sa COVID-19.

Dagdag pa rito, ang XBB.1.16 ay isang “descendant of the recombinant XBB”. Kung saan isa itong “mash-up” ng dalawang sublineage ng BA.2. Sa social media, ang variant ay binansagan na Arcturus, tulad ng pinakamaliwanag na bituin sa hilagang celestial hemisphere. At sa kasalukuyan, ito ang nangingibabaw na variant sa India, at nagdudulot mild na sakit sa karamihan.

Ayon na rin sa WHO, ang XBB.1.16 ay maaaring kumalat sa buong mundo at mag-ambag sa pagtaas ng insidente ng kaso ng COVID-19 dahil sa growth advantage nito at ang kakayahang i-evade ang immune system ng isang tao. Bukod pa rito, walang maagang senyales ng pagtaas ng kalubhaan nito, batay sa pahayag ng WHO.

Dapat bang mabahala ang mga Pilipino sa Arcturus?

Ayon sa DOH bagama’t may bahagyang pagtaas sa bed occupancy sa India at Indonesia, ang mga antas ay mas mababa pa rin kumpara sa mga epekto ng mga naunang variant. Kaya naman sa pangkalahatan, ang pagtataas ng panganib ay sinasabing mababa.

Bagama’t ang Pilipinas ay nakakakita ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19, habang mas maraming tao ang lumalabas at habang patuloy na muling nagbubukas ang ekonomiya ng bansa.

Payo ng mga doktor para maiwasan ang bagong omicron variant at iba pang subvariant?

Nagbigay ng paalala ang DOH sa publiko na ipagpatuloy ang pagsasanay sa minimum public health standards tulad ng:

  • Pagsusuot ng face mask
  • Pag-isolate sa sarili kapag may sakit
  • Pagtiyak na maayos ang daloy ng hangin, lalo na kapag nasa mga pampublikong lugar
  • Magpabakuna at magpalakas ng resistensya

Paalala ng WHO

Inirerekomenda ng WHO na ang mga bansa ay dapat na magbahagi ng impormasyon tungkol sa variant na ito. Gayundin ang pagsasagawa ng mga pagsusuri upang makita kung gaano kahusay ang immunity sa kanilang mga populasyon para depensahan ang kalusugan ng bawat isa. Hinihiling din ng WHO sa mga bansa na bantayan ang ilang partikular na indicator ng kalubhaan ng sakit habang kumakalat ang sublineage na ito, dahil malaking bagay ito para maiwasan ang pagkalat nito sa buong mundo. Ang pagsunod din sa mga mimum public health ay hinihikayat upang maiwasan ang pagkakuha sa variant na ito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

PH detects the first case of ‘Arcturus’ or XBB. 1. 16 Omicron subvariant, https://newsinfo.inquirer.net/1760974/ph-detects-first-case-of-xbb-1-16-omicron-subvariant Accessed April 26, 2023

Who watching XBB. 1.16, dubbed Arcturus on social media, as a coronavirus variant of interest, https://edition.cnn.com/2023/04/24/health/xbb-1-16-variant-of-interest/index.html Accessed April 26, 2023

Philippines detects first case of omicron subvariant XBB. 1.16, https://news.abs-cbn.com/amp/news/04/25/23/new-covid-19-variant-arcturus-detected-in-philippines Accessed April 26, 2023

XBB. 1.16 Initial Risk Assessment, 17 April 2023, https://www.who.int/docs/default-source/coronaviruse/21042023xbb.1.16ra-v2.pdf?sfvrsn=84577350_1 Accessed April 26, 2023

Weekly epidemiological update on COVID-19-20 April 2023, https://www.who.int/publications/m/item/weekly-epidemiological-update-on-covid-19—20-april-2023 Accessed April 26, 2023

COVID Data Tracker, https://covid.cdc.gov/covid-data-tracker/#variant-proportions Accessed April 26, 2023

CDC simplifies COVID-19 vaccine recommendations, allows older adults and immunocompromised adults to get second dose of the updated vaccine, https://www.cdc.gov/media/releases/2023/s0419-covid-vaccines.html Accessed April 26, 2023

 

Kasalukuyang Version

05/28/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Virginity Soap o Bar Bilat: Ligtas At Aprubado Ba Itong Gamitin?

Pagdami Ng Populasyon, Bumabagal Na Raw Ayon Sa PopCom


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement