Nag-viral ang Kapuso Comedian na si Norman Balbuena na kilala rin bilang “Boobay” matapos siyang magkaroon ng silent seizure sa interview sa live episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Huwebes, Abril 20.
Nasa kalagitnaan ng pagsagot sa tanong ni Boy Abunda si Boobay nang biglang hindi makapagsalita ang komedyante at patuloy lamang siya sa pagtango habang nakatingin sa TV host.
Kinumpirma rin sa talk show ni Abunda ng GMA Networks ang nangyaring silent seizures ni Boobay noong Abril 21.
“He started to be quiet. Akala ko, iiyak. Akala ko he was getting emotional because he was remembering how he started,” pahayag ni Boy Abunda.
Kaya naman pinanood lang siya ng tv host, “After a few seconds, instinct eh. Something is wrong. Kaya sabi ko are you okay? Siguro mga dalawa o tatlong beses? I said, ‘are you okay? Nilapitan ko na kasi I instinctively felt that something was wrong. Niyakap ko. So we took a break. Less than six minutes.” pagkwekwento ni Boy Abunda.
Dahil sa nangyari tumawag sila ng doktor at nurse— at pagkatapos ng 2-3 minuto naging mabuti muli ang kondisyon ni Boobay.
Para mas malaman pa natin ang iba pang detalye tungkol sa nangyari kay Boobay at mas maintindihan kung ano ano ang silent seizure, patuloy na basahin ang article na ito.
Ano ang silent seizure?
Ang iba pang katawagan sa silent seizures ay “absence seizures”, at ayon sa Mayo Clinic ang absence seizures ay ang maikli o biglaang pagkawala ng malay, at mas karaniwan ito sa mga bata kumpara sa mga matatanda. Kadalasan din ang mga taong nakakaranas nito ay mablanko sa kalawakan sa loob ng ilang segundo at babalik muli sa pagiging alerto.
Gayunpaman, ang ganitong uri ng seizure ay karaniwang hindi humahantong sa pisikal na pinsala. Ngunit ang pinsala ay maaaring magresulta sa panahon kung kailan nawalan ng malay ang tao.
Ayon rin sa mga researcher ng US na ang isang simple, at tahimik na seizures ay nagiging sanhi ng “vacant stare” na maaaring mapagkamalan bilang isang maikling pagkawala ng atensyon. Kung saan, karaniwan tumatagal ng mga 10 segundo hanggang 30 segundo ito.
Matagal na bang may absence seizures si Boobay?
“He is used to this. Ang sabi raw ng kanyang doctor, after he had a stroke in 2016, na magkakaroon ka ng silent or mild seizures. Pero ang gagawin mo lang ay kumalma ka and then be still. After a while, babalik ka rin,” paglalahad ni Boy Abunda sa kanyang talk show.
Dagdag pa ng tv host, “In all the years that I had been on television, that was the first time na may nangyaring ganun. So Boobay if you’re watching, please take care of your health.”
Ano ang silent seizure symptoms na dapat mong malaman?
Ayon sa Mayo Clinic ito ang mga sumusunod na sintomas ng absence seizures:
- biglaang paghinto sa aktibidad nang hindi nahuhulog
- nagpupumitik na labi (lip smacking)
- pagpupumikit ng talukap ng mga mata (eyelid flutters)
- mga galaw ng pagnguya (chewing motions)
- pamamahid ng mga daliri
- maliit na galaw ng magkabilang kamay
Kadalasan rin pagkatapos ng silent seizures karaniwang walang alaala ng pangyayari ang isang tao. Ngunit kung ang seizure ay mas mahaba, ang tao ay maaaring magkaroon ng kamalayan sa napalampas na oras.
Paano nakakaapekto sa tao ang pag-atake nito?
Pwedeng magbunga ng mga aksidente ang pag-atake nito, lalo na kung nasa kalagitnaan ka ng paggawa ng isang aktibidad, gaya ng pagmamaneho. Dahil ang biglaang pagkawala ng malay o pagiging blanko ay nakakaapekto sa iyong pagkilos na maaaring maging dahilan ng anumang aksidente.
Maaari bang makontrol ang silent seizures?
Sa katunayan, ang absence seizure ay maaaring kontrolin sa pamamagitan ng anti-seizure medicines. Dagdag pa ng Mayo Clinic ang ilang mga batang nagtataglay ng absence seizures ay pwedeng magkaroon din ng iba pang mga seizure, tulad ng generalized tonic-clonic seizures o myoclonic seizures.
Key Takeaways
[embed-health-tool-heart-rate]