Kaugnay ng pagtagal ng pandemya sa buong mundo ang pagkakaroon ng bagong variant ng Covid-19, kaya ang tanong ng mga Pilipino ngayon, “ano ang Omicron XE”? Maraming Pilipino ang nababahala dahil ayon na rin sa pahayag ni Dr. Edsel Salvana miyembro ng Technical Advisory Group ng DOH, hindi inaasahan ng Department of Health (DOH) na hihigitan ng Omicron XE ang COVID-19 vaccines.
Basahin mo ang artikulong ito para sa mga napapanahong balita tungkol sa kalusugan.
Ano Ang Omicron XE?
Batay kay Dr. Edsel Salvana ang Omicron XE ay isang recombinant na nasa ilalim ng karaniwang Omicron sublineages BA.1 at BA.2. Ipinaliwanag din niya sa isang online briefing na ang mga recombinant na ito ay nabubuo kapag ang two lineages ay magkasabay na kumalat sa loob ng isang komunidad at na-infect ang mga indibidwal. Naganap ang isang similar case kaugnay dito, noong unang nag-emerge ang iba pang umuusbong na recombinants XD at XF sa United Kingdom, noong Enero. Gayunpaman naganap ang XD at XF bilang kumbinasyon ng mga subvariant ng Delta at Omicron.
Habang noong Marso 19, naitala ng World Health Organization (WHO) ang 637 na mga na-infect na indibidwal dahil sa variant na ito.
Bukod pa rito tinukoy ng WHO na ang Omicron XE ay sampung beses na mas transmissible kaysa sa nakaraang subvariant na “stealth”, BA.2. Ang subvariant na ito ang nangingibabaw o dominant virus subvariant na nagdudulot ng outbreaks sa ilang mga bansa.
Samantala, iniulat naman kamakailan ng Thailand ang unang kaso ng Omicron XE at ginagarantiyahan ng DOH sa publiko na mahigpit na sinusubaybayan at nakikipag-ugnayan sila sa WHO.
“Hopefully, [the XE variant] won’t be epidemiologically and clinically more brutal or more dangerous [than previous variant]. We hope that will not happen, but we are ready,” pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III sa reporters.
Ano ang Omicron XE: Efficacy ng mga bakuna
Ayon kay Dr. Salvana ang Omicron XE ay maaaring pumasok sa bansa anumang oras kung saan tiniyak pa rin niya sa mga tao na sakaling lumitaw ang bagong variant, magiging epektibo ang mga bakuna laban dito.
“But we don’t expect it to be more severe, and we don’t expect it to dodge vaccines any worse than BA.1 or BA.2.”
“Most of our vaccines really target BA1 and BA.2 na medyo may breakthrough infection,” pagbabanggit niya.
Idinagdag din niya, “It has 30 to 40 percent protection [against infection], but against the severe disease, it’s still pretty high around 80 percent kung mag-booster, better than that.”
Kaya naman hinimok ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang mga taong ganap na nabakunahan na magpa-booster shots. Sinabi niya na makakatulong ito sa pagbibigay ng karagdagang layer ng proteksyon laban sa mga bagong variant ng coronavirus.
Higit pa rito, ibinahagi ni Sec. Duque III sa Inquirer na sa 73% completion ng 90 milyong populasyon na naka-target para sa pagbabakuna. Maaaring aktwal tayo na makakita ng low severe at critical case admissions sa mga ospital tulad nang nakita sa Omicron surge noong Enero.
Sa kasalukuyan, mahigit 66.2 milyong tao na ang ganap na nabakunahan laban sa COVID-19. 71.4 milyon din ang nakatanggap ng hindi bababa sa isang dosis ng life-saving vaccines. Samantala, humigit-kumulang 12.2 milyon sa 46.8 milyong eligible people ang nakatanggap na ng kanilang mga booster shot.
Nananatiling Mababa ang mga Kaso at Impeksyon
Sa parehong forum, iniulat din ng DOH na patuloy na bumababa ang mga kaso ng COVID-19. Partikular sa mga nakalipas na linggo (Marso 29 hanggang Abril 4), binanggit ni Vergeire ang 2,568 kaso, na may average na 366 bawat araw.
Bilang karagdagan, binanggit din niya na ang positivity rate ay bumaba sa 1.8% sa parehong yugto ng panahon kumpara sa 2.1% na rating mula sa nakaraang linggo.
Noong Martes, lumabas ang data mula sa COVID-19 tracker na ang Metro Manila ang may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso na may 1,514. Kung saan sinundan ito ng Calabarzon (569), Western Visayas (394), Central Luzon (381), at Central Visayas (323).
Sinabi din niya sa kanyang presentasyon na ang mga bansang may mas mataas na rating ng booster at pagbabakuna ay may mas mababang insidente ng pagkakaroon ng virus at sa pangkalahatan, ang bansa ay nagkaroon ng 3,679,983 kaso mula nang magsimula ang pandemya noong 2020.