backup og meta

Ang Layunin ng 2022 National Mental Health Summit sa Pilipinas

Ang Layunin ng 2022 National Mental Health Summit sa Pilipinas

Paunti-unti, naaalis na ang stigma tungkol sa mental health sa Pilipinas. Gayunpaman, napaghuhulihan pa rin tayo, lalo na pagdating sa suportang puwede nating makuha sa mga isyung tulad ng anxiety at depression. Upang higit na itaas ang kamalayan hinggil sa mental health sa Pilipinas, magho-host ang Mind You ng 2nd National Mental Health Summit. Magaganap ito sa October 25 at 26 sa SM Aura Samsung Hall sa Bonifacio Global City.

Ang Pagdagsa ng Hotline Calls Kada Buwan

Karamihan sa mga Pilipino ay mga positibong tao. Totoo ito, kung pagbabatayan ang patuloy na pagiging rank 5 sa global optimism index. 

Gayunpaman, hindi ibig sabihin nito na hindi na isang public health concern ang mental health sa Pilipinas. Sa katunayan, naiulat ng National Center for Mental Health na dumagsa ang mga tawag kada buwan na kanilang natanggap. Nasa 80 kada buwan lamang ang mga tawag tungkol sa depression bago mag-lockdown. Noong 2020, umakyat ito ng 400. 

Sinabi rin ng ulat na 1 sa 10 Filipino adult ay may moderate to severe depression. Nauugnay ito sa suicidal ideation.

Ang mas nakapag-aalala, sa loob lamang ng isang buwan, nakapag-ulat ang Philippine Statistics Authority na umakyat ng 57.3% ang mga namamatay dulot ng intentional self-harm o suicide. 

Layunin ng #FindHope na Itaas ang Spirit ng Kapwa Pilipino

Ang 2nd National Mental Health Summit, na magaganap sa October 25 hanggang 26 sa SM Aura Samsung Hall sa Bonifacio Global City, ay sesentro sa temang #FindHope. Layunin nitong iangat ang mga Pilipino mula sa hirap na kanilang pinagdaraanan partikular sa pandemyang dulot ng COVID-19. 

Ang Mind You, katuwang ang Department of Health, The Australian Embassy, SM Aura Premier, at ang lungsod ng Taguig, ay magdaraos ng summit sa pangalawang pagkakataon. Sa kanilang dinamikong setup (live interaction at online streaming), umaasa silang mas maraming lalahok. Lalo na ngayong niluwagan na ang mga restriction. 

Sponsored ang dalawang araw na event na ito ng Break Your Stigma (BYS), TELUS International Philippines, The Farm. Maging ng mga higante sa live streaming Uplive at Kumu, mga media partner na Manila Bulletin, CNN Philippines, at WhelnManila.com.

Nakatuon ang Summit sa 6 Pillars para sa Overall Well-Being ng Isang Tao

Itatampok ng pangalawang National Mental Health Summit ang iba’t ibang activity booth, masterclass, panel discussion, at panayam. Pangungunahan ito ng industry experts, mental health advocates, at professionals. 

Bukod sa higit na pagbibigay kamalayan sa mental health sa Pilipinas, magtutuon din ito sa 6 Pillars na kaugnay sa pangkalahatang kalagayan ng tao, tulad ng:

  • Mental Health
  • Financial Stress
  • Food and Nutrition
  • Youth and Education
  • Physical Health
  • Art Therapy

Lubos ang Suporta ni Mayor Lani Cayetano sa Summit

Sa isang pahayag, sinabi ni Taguig City Mayor Lani Cayetano, “Buo ang aking suporta sa National Mental Health Summit 2022 at ang layunin nitong palakasin ang mga tao at bumuo ng awareness-raising platforms sa napakahalagang usaping ito. Tiwala ako na sa pamamagitan ng kooperasyon ng mga tao, makabubuo tayo ng mas maraming solusyon sa mental health crisis dito sa ating bansa.”

Alamin pa ang Tungkol sa 2022 National Mental Health Summit

Ang vision ng Mind You ay “Matulungan ang 1 milyong tao na malagpasan ang stress, anxiety, at depression sa pamamagitan ng pinakamainam na mental health care pagsapit ng 2025.”

Kaya naman puspusan ang kanilang pagsisikap upang makapagbigay ng kalidad na mental health services para sa mga Pilipino. Mayroon silang mga serbisyo para sa Small at Medium Enterprises, malalaking organisasyon, at mga indibidwal. Mayroon din silang mga host event, tulad ng National Mental Health Summit upang makaabot sa mas maraming tao.

Upang matuto pa tungkol sa 2022 National Mental Health Summit at magrehistro upang makadalo nang live, maaari mong i-click ang link na ito https://findhope.mindyou.com.ph/ at sundan ang Mind You sa Instagram, Facebook, LinkedIn, Youtube, Twitter, Tiktok, at Kumu accounts para sa mga update.

Unti-unti nang nawawala ang stigma sa mental health issues sa kultura ng mga Pilipino. Gayunpaman, napaghuhulihan pa rin tayo sa suportang maaari nating makuha para dito. Hindi lamang naglalayong maghatid ng mas malawak na kamalayan tungkol sa mental health sa Pilipinas ang National Mental Health Summit ngunit upang iangat din ang spirit ng mga Pilipino. 

Matuto pa tungkol sa Malusog na Pag-iisip dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1) DOH and WHO promote holistic mental health wellness in light of World Suicide Prevention Day, https://www.who.int/philippines/news/detail/10-09-2020-doh-and-who-promote-holistic-mental-health-wellness-in-light-of-world-suicide-prevention-day, Accessed October 5, 2022

2) Depressive symptoms among young adults in the Philippines: Results from a nationwide cross-sectional survey, https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S2666915320300731, Accessed October 5, 2022

3) Number of cases of deaths caused by suicide in the Philippines in 2019 and 2020, https://www.statista.com/statistics/1288114/philippines-number-of-suicide-cases/, Accessed October 5, 2022

4) Mind You, https://www.mindyou.com.ph/about-us/, Accessed October 5, 2022

Kasalukuyang Version

01/01/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Virginity Soap o Bar Bilat: Ligtas At Aprubado Ba Itong Gamitin?

Pagdami Ng Populasyon, Bumabagal Na Raw Ayon Sa PopCom


Narebyung medikal ni

Jaiem Maranan, RN MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement