backup og meta

Alamin Dito ang Sintomas ng Bagong COVID-19 Variant

Alamin Dito ang Sintomas ng Bagong COVID-19 Variant

Tulad ng pagbaba ng COVID-19 infection rate tuwing holidays, binibigyan tayo ng pandemya ng panibagong rason upang mag-alala sa panibagong variant na maaaring resistant o hindi na mabisa ang proteksyon galing sa bakuna. Sa kaso ng Omicron na tumataas sa iba’t ibang bahagi ng mundo, paano nagkakaiba ang sintomas ng bagong COVID-19 variants mula sa ibang strains?

Ano ang Omicron?

Ang biglaang pagkakaroon ng Omicron ay ikinabigla ng mga tao sa paghupa ng quarantine restriction.

Noong nakaraang Nobyembre 24, 2021, iniulat ang novel variety na SARS-CoV-2, B.1.1.529, ng World Health Organization. Ito ay kalaunan na kinilala sa pangalan na Omicron, na variant kasabay ng Delta.

Mayroong ilang ebidensya na ang Omicron variant ay may ilang mga sumusunod na katangian:

  • Pagtaas ng pagkahawa
  • Pagbawas ng neutralization ng ilang EUA monoclonal antibody na gamot
  • Potensyal na pagbawas ng neutralization sa pamamagitan ng post-vaccination sera

Tinitignan pa ng mga mananaliksik ang pagiging malala ng Omicron. Ngunit inaasahan nila itong mas mabilis na kumalat kaysa sa orihinal na SARS-CoV-2 virus.

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention, ang mga taong may partikular na uri ng virus na ito ay maaaring makahawa sa ibang mga tao, at maaari ito kung sila man ay bakunado o walang sintomas ng bagong COVID-19 variant.

Ano ang mga Sintomas ng Bagong Variant? Paano Ito Ikukumpara sa Ibang Strains?

Bagaman alam ng mga tao na ang sintomas ng COVID-19 ay ang ubo, mataas na temperatura, at kawalan ng panlasa at pang-amoy, ang bagong variant ay iba.

Ayon kay Dr. Angelique Coetzee, isang pribadong practitioner at chair of the South African Medical Association, wala itong iniulat na mga kaso ng pagkawala ng panlasa at pang-amoy sa mga pasyente.

Ang mga doktor mula sa South Africa ay nagpakita ng mga bagong sintomas ng variant na karamihan na nararanasan ng mga tao. Ito ay fatigue, sakit ng katawan at sakit ng ulo. Kaya’t maaari ang posibilidad na hindi ito mapansin o malagpasan na kaso ng COVID.

Fatigue

Pinaniniwalaan na ang Omicron ay mas naipapasa kaysa sa Delta. Ito ay iniuugnay sa pagkapagod at fatigue. Mayroong kaugnayan sa mga sintomas na ito at ibang nakaraang strains, na maaaring tumagal ng ilang mga linggo matapos ang impeksyon.

Gayunpaman, nananatiling hindi klaro ang pagiging tagal ng fatigue sa katawan ng isang tao matapos magpositibo sa COVID-19.

Sakit ng Katawan

Ang mga pasyente na infected ng Omicron ay nag-ulat ng sakit sa katawan, tulad ng orihinal na coronavirus strains. Sa ibang mga versions, ito ay karaniwang tumatagal ng ilang mga araw.

Sakit sa Ulo

Bilang tipikal na viral at nakakahawang na sakit, ang Omicron variant ay nagpapakita ng sintomas ng sakit ng ulo.

Makating Lalamunan

Karagdagan sa tatlong prominenteng sintomas, nagbahagi si Dr. Coetzee na nagrereklamo ang mga pasyente sa makating lalamunan. Gayunpaman, ito ay may kaunting pagkakaiba mula sa nakaraang strains na ubo, na sinasabing “masyadong katamtamang sintomas.”

Sipon

Maaaring napapansin ng mga tao na ang sipon ay karaniwang sintomas ng flu. Ngunit mayroon din itong kaugnayan sa bagong variant infection.

Pagbahing

Ang mga pasyente na nag-test na positibo para sa Omicron ay nagpakita ng senyales ng pagbahing, kapareho sa sipon.

Mahalagang Tandaan

Sa kabuuan, huwag isantabi ang mga posibilidad ng impeksyon ng bagong variant ng COVID-19 kung nagpakita ng katamtamang sintomas ng mga ito.

I-isolate ang sarili sa bahay kung ikaw ay nagpakita ng kahit na anong mga sintomas na nabanggit sa taas. Mainam din na hindi magpadalos-dalos sa konklusyon, kaya’t mainam magpa-PCR test upang maging sigurado, at manatiling ligtas maging ang iyong pamilya.

Matuto pa tungkol sa balita sa kalusugan at COVID dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnostic at paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Omicron Variant: What You Need to Know, https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/variants/omicron-variant.html, Accessed December 8, 2021

SARS-Cov-2 Variant Classifications and Definitions, https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-ncov/variants/variant-classifications.html?CDC_AA_refVal=https%3A%2F%2Fwww.cdc.gov%2Fcoronavirus%2F2019-ncov%2Fvariants%2Fvariant-info.html, Accessed December 8, 2021

Omicron symptoms: What we know about new variant amid Brighton case, https://www.theargus.co.uk/news/19768101.omicron-symptoms-know-new-variant-amid-brighton-case/, Accessed December 8, 2021

A Doctor from South Africa is warning that symptoms from the Omicron variant differ form other variants and that people should look out for the signs, https://www.gbnews.uk/news/omicron-symptoms-here-are-the-signs-you-should-never-ignore/174293, Accessed December 8, 2021

Six key symptoms of the Omicron variant and how they differ from other strains, https://www.dailyrecord.co.uk/lifestyle/six-key-symptoms-omicron-variant-25626514, Accessed December 8, 2021

Kasalukuyang Version

08/07/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Sinuri ang mga impormasyon ni Jaiem Maranan

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Virginity Soap o Bar Bilat: Ligtas At Aprubado Ba Itong Gamitin?

Pagdami Ng Populasyon, Bumabagal Na Raw Ayon Sa PopCom


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jaiem Maranan


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement