backup og meta

US Popstar na si Aaron Carter, Aksidenteng Namatay Ayon Sa Autopsy!

US Popstar na si Aaron Carter, Aksidenteng Namatay Ayon Sa Autopsy!

Batay sa Los Angeles Country coroner’s office noong Martes, ang 34 anyos na mang-aawit at aktor na si Aaron Carter na namatay noong ika-5 ng Nobyembre, taong 2022 ay nasawi bunga ng aksidenteng pagkakalunod sa kanyang bathtub, matapos uminom ng anxiety medication at makalanghap ng spray cleaner.

Bagama’t pinasiyahan ng pulisya ang pag-rule out sa foul play ngayong taon, ang ina ni Carter, na si Jane Schneck ay nanawagan para sa isang “criminal investigation” sa pagkamatay ng anak. Ayon pa kay Schneck ang kanyang anak ay nakakatanggap ng maraming death threats— at maraming tao ang ginagawa na miserable ang buhay ng anak. Kaya naman ang fiancee ni Aaron Carter ay nagmungkahi na maaaring namatay ang kasintahan bilang resulta ng isang “drug deal gone awry”.

Gayunpaman, ang resulta ng autopsy ay nagsasabi na siya ay “walang nakamamatay na traumatic injuries” sa oras ng kanyang kamatayan. Bagama’t sa investigative report natagpuan siyang nakalutang sa tubig at unresponsive sa kanyang bathtub.

Lumabas rin sa autopsy ng dating child pop star na nalunod siya matapos ang pag-ingest ng alprazolam, isang generic form ng anxiety medication Xanax, at makalanghap ng difluoroethane, isang flammable gas na matatagpuan sa compressed air. Kung saan, ayon sa National Library of Medicine, ang difluoroethane ay matatagpuan sa mga karaniwang gamit sa bahay gaya ng compressed air dusters, refrigerant, at propellants na nagsisilbing central nervous system depressant kapag na-ingest ito recreationally.

Para mas maunawaan pa ang naging cause of death ni Aaron Carter, patuloy na basahin ang article na ito.

Ano ang accidental drowning?

Ang accidental o unintentional na pagkalunod ay karaniwang sanhi ng pagkasira ng function ng paghinga (respiratory impairment) bilang resulta ng pananatili sa ilalim ng tubig. Madalas nagreresulta ito sa maagang pagkamatay ng isang tao— at maaari silang malunod habang lumalangoy at naliligo. Dagdag pa rito, kahit anong edad ay maaaring maging biktima ng accidental drowning.

Bakit hindi agad nakakahingi ang mga taong nakakaranas ng pagkalunod?

Tandaan mo na sa proseso ng pagkalunod, napakakaunting tubig lamang ang pumapasok sa baga ng isang tao. Gayunpaman ang pagkakaroon ng tubig sa trachea ay pwedeng humantong sa isang muscular spasm na pumipigil sa hangin at tubig na pumasok hanggang sa mawalan ng malay ang isang indibidwal. Ito ang dahilan kung bakit hindi makatawag ng tulong o makasigaw ang isang tao dahil hindi siya makakuha ng sapat na hangin.

Bakit naging factors ang difluoroethane at anxiety medication sa pagkamatay ni Carter?

Ang difluoroethane ay isang toxic lipophilic hydrocarbon na may malaking epekto sa puso, bato, at paghinga ng tao kapag inabuso ang paggamit nito. Isa sa matinding epekto ng paglanghap ng difluoroethane ay kinabibilangan ng pagkawala ng malay, frostbite sa mucosal surfaces, rhabdomyolysis, at global myocardial hypokinesis. Kung saan sa kaso ni Aaron Carter, maaaring ang pagkakalanghap nito ang dahilan ng pagkawala niya ng malay habang nasa tubig.

Habang ang anxiety medication na Xanax na tine-take ni Carter ay isang brand-name ng prescription medication. Ito ay inaprubahan ng FDA para gamutin ang pagkabalisa ng mga nasa hustong gulang. Gayunpaman, maaaring magdulot ito ng mga side effect tulad ng, pagka-antok, pagkahilo o pagkahilo.

Payo ng mga doktor

Para maiwasan ang accidental drowning, kailangan mong siguraduhin na maayos ang iyong pakiramdam kapag gagawa ka ng mga aktibidad na may kinalaman sa tubig. Dahil ang biglaang pagkawala ng malay ay maaaring magbigay sa iyo ng risk ng pagkalunod. Mainam din na maging “aware” sa mga epekto ng mga iniinom na gamot upang mas maging maingat sa mga bagay na ginagawa at maiwasan ang mga hindi inaasahang aksidente, at huwag kakalimutan na ang pagkalunod ay hindi lamang sa pool, dagat, at anumang anyo ng tubig pwedeng maganap, dahil maaari rin itong mangyari habang naliligo ka sa bathtub, kaya naman dapat maging maingat rin sa paliligo. 

Para mabasa ang iba pang mga balita tungkol sa mga celebrity, i-click ang link na ito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Aaron Carter’s cause of death revealed, https://www.independent.co.uk/arts-entertainment/music/news/aaron-carter-how-die-cause-death-b2322393.html Accessed April 20, 2023

Hazardous Substance Fact Sheet, https://nj.gov/health/eoh/rtkweb/documents/fs/0715.pdf Accessed April 20, 2023

Accidental Drowning, https://www.aihw.gov.au/getmedia/ee440856-4360-4ede-b3a0-85bb8903f4dd/phe205-drowning.pdf.aspx Accessed April 20, 2023

Drowning, https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/drowning Accessed April 20, 2023

Drowning, https://www.msdmanuals.com/professional/injuries-poisoning/drowning/drowning Accessed April 20, 2023

Acute Psychosis Following 1,1 – Difluoroethane Inhalation, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6820689/ Accessed April 20, 2023

 

Kasalukuyang Version

04/24/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Virginity Soap o Bar Bilat: Ligtas At Aprubado Ba Itong Gamitin?

Pagdami Ng Populasyon, Bumabagal Na Raw Ayon Sa PopCom


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement