Dumarami pang lalo ang curious sa kung ano ang dwarfism dahil sa muling pagbabalik ni Isabel Furhman sa prequel movie na pinamagatang Orphan: First Kill bilang Esther. Sa pelikulang ito makikita natin ang origin na pinagmulan ni Esther, maging ang kanyang kondisyon na tinatawag na “hypopituitarism” na sanhi ng kanyang dwarfism at pagiging maliit na tao.
Marami ang naging excited sa movie prequel na ito dahil 13 taon na ang nakakaraan noong unang pinalabas sa sinehan ang psychological horror film na Orphan.
Nakuha ng dalawang pelikulang ito ang atensyon ng mga manonood dahil sa mahusay na portrayal ni Isabel Furhman sa karakter ni Esther bilang isang serial killer na nagtataglay ng proportional dwarfism. Sa pelikula, ginamit ni Esther ang kanyang kondisyon upang mapalabas niya sa lahat ng taong nakapaligid sa kanya na isa s’yang bata — kahit nasa 30’s na ang totoong edad ni Esther.
Basahin ang artikulong ito para mas maunawaan kung ano ang dwarfism at paano nagiging maliit ang isang tao.
Ano Ang Dwarfism?
Ang pagiging maliit o kaya’y pandak ng isang tao ay maaaring resulta ng genetic o medical condition. Kaya naman sa madaling sabi ang pagiging maliit na tao ni Esther sa Orphan ay sanhi ng isang medical condition.
Ayon sa mga pag-aaral at artikulo ang dwarfism ay isang short stature na resulta mula sa genetic o medikal na kondisyon ng isang tao. Kadalasan ang dwarfism ay mailalarawan sa adult height na may 4 feet at 10 inches (147 centimeters) o mas mababa pa sa ilang mga kasong indibidwal. Ang mga taong na-diagnose o mayroong dwarfism ay kadalasang nasa 4 feet (122 cm) ang average adult height nila.
Ano Ang Dwarfism? 2 Kategorya
Tandaan mo na maraming medical condition ang nagiging dahilan ng dwarfism at sa pangkabuuan ang disorder na ito ay nahahati sa 2 kategorya. Narito ang mga sumusunod:
- Disproportionate dwarfism. Sa kategoryang ito ang iyong body size ay disproportionate. Ang ilang bahagi ng ating katawan ay maliit habang ang ilang parte ng katawan ay nasa average size o above average size. Ang disorder na nagdudulot ng disproportionate dwarfism ay pumipigil sa development ng ating mga buto.
- Proportionate dwarfism. Makikita sa kategorya na ito na ang katawan mo ay proporsyonal na maliit. Sa madaling salita ang mga bahagi ng katawan ay maliliit sa mga parehong antas o degree. Nagmumuka itong proporsyonal gaya ng isang katawan na may average na tangkad. Dagdag pa rito, ang mga medikal na kondisyon na naroroon sa kapanganakan o ang paglitaw nito sa early childhood ng bata ang naglilimita sa overall growth at development ng isang tao.
Bakit Nagkaroon Ng Dwarfism Si Esther?
Ipinakita sa unang movie ng Orphan na ang pagiging 9 years old niya ay hindi ang totoo niyang edad, dahil nasa 33 taong gulang na ang totoong edad ni Esther.
Kagaya ng mga nabanggit sa artikulong ito ang pagiging maliit ng isang tao at pagkakaroon ng dwarfism ay resulta ng ilang mga medikal na kondisyon at genetics. Sa kaso ni Esther mayroon siyang hypopituitarism na sanhi ng kanyang proportional dwarfism.
Ang hypopituitarism ay isang rare medical condition o disorder na kung saan ang pituitary gland ay nabibigo sa pag-produce ng isa o maraming hormones — o minsan naman ay hindi nakakapag-produce ng sapat na hormones.
Sa pagkakaroon ng tao ng hormone deficiencies ay pwedeng maapektuhan nito ang body’s routine functions, gaya ng paglaki, presyon ng dugo, at reproduction.
Ano Ang Dwarfism? Mga Sintomas
Narito ang mga sintomas ng bawat kategorya ng dwarfism na dapat mong malaman:
Disproportionate Dwarfism
- Adult height na may 4 feet na laki (122 cm)
- Progresibong development ng sakang na paa o”bowed legs,” at swayed lower back
- Pagkakaroon ng average-size trunk
- Maiikling kamay, paa, hita, at daliri
- Limitadong mobility sa siko
- Disproporsyonal na laki ng ulo, malapad na noo, at flattened bridge o patag na ilong
- Mga sintomas ng spondyloepiphyseal dysplasia congenita (SEDC) gaya ng maliit na leeg, at adult height mula sa 3 feet (91 cm) hanggang 4 feet (122 cm)
Proportionate Dwarfism
- Pagkakaroon ng proporsyonal na maliit na katawan gaya ng isang body na may average na tangkad
- Ang growth rate ay mas mababa para sa inaasahang paglaki sa’yong kasalukuyang edad
- Delayed ka o walang sexual development sa panahon ng iyong teen years
Madalas na nagpapakamalan na bata ang mga taong may proportionate dwarfism dahil sa pagiging proporsyon ng kanilang body parts sa maliit nilang sukat ng tangkad.
Ano Ang Dwarfism? Mga Komplikasyon
Narito ang mga komplikasyon ng bawat kategorya ng dwarfism na dapat mong malaman:
Disproportionate Dwarfism
- Pagkakaroon ng delay sa motor skills development gaya ng paggapang, paglalakad at pag-upo
- Pagiging sakang o pagkakaroon ng “bow legs”
- Madalas na pagkakaroon ng ear infection
- Pagkakaroon ng panganib sa pagkawala ng pandinig
- Nahihirapan sa paghinga habang natutulog (sleep apnea)
- Sobrang fluid sa paligid ng utak (hydrocephalus)
- Pagkakaroon ng siksikan na ngipin o crowded teeth
- Arthritis o rayuma
- Progresibong severe hunching o pag-indayog o sway ng likod na may pananakit at mga pagkakaroon ng problema sa paghinga
- Pagkakaroon ng spinal stenosis
- Pagtaas ng timbang na maaaring maging sanhi ng komplikasyon at problema sa kasukasuan at spine
Proportionate Dwarfism
- Pagkakaroon ng problema sa paglaki at development na nagreresulta ng mga hindi gaano o poorly developed organs
- Turner syndrome na nakakaapekto sa physical development at social functioning