Malawakang pinagtatalunan kung ang herbs at caffeine sa mga inumin tulad ng tsaa at kape ay nakakatulong sa pagpapaginhawa ng respiratory system. Mag-enjoy sa ilang tasa ng kape o tsaa sa isang araw. Okay din kapag sinamahan ang mga ito sa ilang herbs. Tatalakayin natin sa artikulong ito ang mga uri ng tsaa para sa asthma na maaaring magustuhan mo.
Oo, sa ilang mga kaso, dahil ayon sa ilang mga eksperto ang mga pasyenteng asthmatic ay dapat umiwas sa caffeine sa loob ng ilang oras bago sumailalim sa medikal test para sa baga. Maaaring mahalaga ang mga ito, kaya ipinapayong sundin ang medical advice kapag naghahanda para sa anumang mga pagsusuri o umiinom ng anumang gamot.
Ano ang nagiging sanhi ng asthma?
Ang asthma ay isang chronic disorder na nakakaapekto sa mga baga at iba pang mga organ ng respiratory system. Nagpapakita ito sa pamamagitan ng iba’t ibang mga sintomas tulad ng kahirapan sa paghinga, baradong ilong, pag-ubo, wheezing at iba pa.
Mayroong ilang mga nagti-trigger na humantong sa pamamaga sa mga daanan ng hangin ng mga baga. At muli, nagreresulta ito sa sobrang mucus sa mga daanan ng hangin. Ang mucus ay nagpapaliit sa mga daanan ng hangin at nagpapasimula ng mga sintomas ng asthma.
Iba’t iba ang mga nag-trigger sa mga indibidwal at gayon din ang tindi ng mga sintomas. Ang ilan sa mga karaniwang nagti-trigger ay ang mga allergen ng ipis, pollen, dust mites, polusyon sa hangin, primary at secondhand smoking, pagkagambala sa pagtulog sa gabi, atbp.
Habang para sa ilang mga taong asthmatic ang mga sintomas ay panandalian lamang. Para sa iba maaari itong magkaroon ng pangmatagalang epekto. Maaaring mag-isa ang mga sintomas na ito sa loob ng maikling panahon o kailanganin ng iba pang paraan ng paggamot tulad ng mga inhaler, gamot, o kumbinasyon ng dalawa.
Ano ang mga benepisyo ng tsaa para sa asthma?
May mga home remedy na dapat subukan ng mga taong may asthma. Isa sa mga ito ay ang pag-inom ng dalawa hanggang tatlong tasa ng tsaa araw-araw. Ang tsaa ay may caffeine, na meron din sa iba pang inumin tulad ng kape, na pinaniniwalaan na malaking tulong para sa pagpapaginhawa ng respiratory tract.
Ang mga tsaa na may mga organic herb at natural na sangkap ay maaaring mapatunayang mabuti para sa respiratory health. Alamin natin dito ang tungkol sa mga uri ng tsaa para sa asthma at ang mga benepisyo nito.
May natuklasan sa isang pag-aaral na inilathala sa Journal of Allergy and Clinical Immunology. Ayon dito may iba’t ibang herbs, pampalasa, at mga ugat ng ilang mga halaman ang may mga kapaki-pakinabang na katangian.
Ang properties na ito ay kinikilalang mabuti para sa respiratory system. Gayunpaman, ang mga siyentipiko at mananaliksik ay nahahati sa kanilang mga opinyon at natuklasan. Ito ang tungkol sa mga benepisyo sa kalusugan ng tsaa at iba pang natural na mga remedyo para sa asthma.
Sa kabila nito, ang mga benepisyo ng tsaa para sa asthma, maging ang pamamahala sa mga simpleng sintomas, ay kilala at maaaring magpakita ng mga positibong epekto sa overall health mo.
Gayunpaman, mahalagang tandaan na hindi dapat gawing pamalit ang tsaa sa mga gamot na inireseta ng doktor.
Mga benepisyo ng tsaa para sa asthma
- Ang dahilan kung bakit ang tsaa ay itinuturing ng marami na kapaki-pakinabang para sa kalusugan ng ating respiratory system ay dahil ito ay mayaman sa caffeine gaya ng ating tinalakay kanina.
- Nakakatulong ang caffeine sa pagpapakalma sa mga muscle ng lungs. Nakakatulong ito sa pag-unblock ng mga daanan ng hangin, kaya nagiging isang bronchodilator.
- May natuklasan sa isa pang pag-aaral na isinagawa ng Cochrane Database of Systematic Reviews. Natagpuan na ang caffeine ay nagpapaluwag ng airways ng mga baga. Nililinis din nito ang iba pang respiratory organs hanggang sa 4 na oras sa mga taong may asthma.
- Kahit ang konting caffeine ay napatunayang may benepisyo sa kalusugan ng mga taong may asthma. Ang 5 milligrams (mg) ng caffeine bawat 1 kilo ng timbang sa katawan ay sapat na upang magkaroon ng positibong epekto sa mga baga ng mga taong asthmatic. Ang dami na ito ay 340 mg ng caffeine para sa isang indibidwal na tumitimbang ng 68 kg. Upang maging mas tumpak, 7 tasa ng black tea.
- Ang caffeine ay naglalaman ng mga katangian na katulad ng theophylline. Ito ay isang gamot na popular para sa paggamot ng hika bago ang mga karaniwang inirereseta ngayon.
Mga uri ng tsaa para sa asthma
Pag-usapan natin ang mga uri ng tsaa at iba pang natural na sangkap na pinaniniwalaang may benepisyo para sa respiratory health.
Green tea para sa asthma
Ang green tea ay mainam para sa mga taong may asthma. Ang mga anti-inflammatory properties sa green tea ay ginagawang kontrolado ang mga sintomas ng asthma. Pinakamahalaga, pinipigilan nito ang pag-atake ng hika. Pinaniniwalaan na ang caffeine at theophylline na nasa green tea ay kapaki-pakinabang para sa mga taong may asthma.
Black tea
Ang black tea para sa asthma ay may kakayahan na mapabuti ang paggana ng mga baga ng ilang oras.
Fennel Seed tea para sa asthma
Isang natural na antispasmodic ang fennel seeds. Kapag ito ay ibinudbod sa tsaa, maaaring makapawi ito ng muscle spasms ng bronchial passages at i-unblock ang makitid na mga daanan ng hangin ng mga asthmatic patients. Ang mga spasms na ito ay kadalasang sintomas ng napipintong pag-atake ng asthma.
Licorice tea
Ang licorice ay paboritong home remedy para sa mga respiratory disorder sa loob ng maraming siglo. Hindi lang asthma, ito ay itinuturing na mabisa para sa bronchitis at ubo.
Ngunit, bakit at paano nangyayari iyon? Ito ay dahil ang licorice ay may mga anti-inflammatory properties na nagpapababa ng pamamaga sa mga daanan ng respiratory organs. Makakatulong ito na mapawi ang ubo at mapadali ang paghinga, na parehong nagpapahirap sa mga pasyenteng asthmatic.
Chamomile tea para sa asthma
Ang chamomile, na karaniwang ginagamit bilang relaxant sa oras ng pagtulog, ay nagpapatunay na mabisang pumipigil sa hirap sa paghinga at pag-ubo. Ito rin ay nagpapagaan ng mga allergic reaction. Nagpapatunay ito na mas nakakatulong para sa mga taong may asthmatic bouts na-trigger ng mga allergens.
Ginger tea
Kinikilala ang luya para sa mga benepisyo nitong anti-inflammatory. Ito ay nagsisilbing bronchodilator. Pinaluluwag ang airways ng mucus, sa gayon, tinitiyak ang hindi naaabala na paghinga. Bukod dito, pinapakalma nito ang mga respiratory muscles ng baga.
Eucalyptus tea
Pinapa-relax nito ang mga muscle sa airways ng respiratory organs dahil sa mga katangian nitong anti-spasmodic. Pinipigilan din nito ang pagkagambala sa paghinga, isa pang pangunahing sintomas ng asthma.
Ito rin ay para sa mga taong asthmatic na na-diagnose na may gastroesophageal reflux disease (GERD). Kadalasang nagpapalala ito ng mga sintomas ng asthma. Kinokontrol ng eucalyptus ang acid reflux.
Peppermint tea para sa asthma
Makokontrol din ng peppermint ang acid reflux, at pinapawi ang asthmatic symptoms sa maraming tao.
Clove tea
Ang anti-inflammatory properties ng cloves ay mahusay sa pagkontrol sa upper respiratory infections. Pinaluluwag nito ang mga naipon na mucus sa respiratory airways, na pumipigil sa paglitaw ng asthmatic symptoms.
Anuman ang mga benepisyo ng tsaa para sa asthma, kung may allergy ka sa mga nabanggit na herbs o tsaa, iwasan ang pag-inom ng mga ito. Gayundin, kung may asthma ka, kumunsulta sa iyong doktor bago isama ang mga ito sa diet mo.