backup og meta

Sanhi Ng Rheumatic Heart Disease: Anu-Ano Ang Mga Ito?

Sanhi Ng Rheumatic Heart Disease: Anu-Ano Ang Mga Ito?

Upang higit na maunawaan ang mga sanhi ng rheumatic heart disease, kakailanganin nating harapin ang mga sanhi ng rheumatic fever. Nag-uugat sa rheumatic fever ang rheumatic heart disease. Ang rheumatic fever ay sanhi ng bakterya na tinatawag na group A Streptococcus. Ang bakterya na ito ay ang pangunahing nagiging sanhi ng strep throat, at, sa ilang mga kaso, scarlet fever. Kaya paano ka eksaktong nakakakuha ng strep throat?

Mga Sanhi Ng Rheumatic Heart Disease: Strep Throat

Ang pangunahing sintomas ng strep throat ay ang kahirapan sa paglunok. Ito ay maaaring magpagkamalan sa isang simpleng namamagang lalamunan. Gayunpaman, ang strep throat ay tumatagal nang mas mahaba kaysa sa dalawang araw at nagpapakita bilang puting mga batik sa bibig. Ang impeksyong ito ay lubhang nakakahawa. Direkta itong nakakaapekto sa lalamunan at tonsil, na nagiging sanhi ng kakulangan sa ginhawa at sakit.

Ang group A Streptococcus ay may posibilidad na manatili sa ilong at lalamunan, kung kaya’t maaari kang mahawa kaagad ng isang taong may dala nitong partikular na bakterya. Ang mga tao ay maaaring mahawa ng mga patak na inilabas kapag ang carrier ay umuubo, bumahing, o nagsasalita.

Maaari ka ring mahawa sa pamamagitan ng paghawak sa mga kontaminadong gamit o mga pinagsasaluhang kagamitan, at paglilipat ng bakterya sa pamamagitan ng paghawak sa iyong ilong, bibig, o mata. Ang strep throat ay kadalasang nangyayari sa mga bata at kabataan. Gayunpaman, sa ilang mga kaso, ang mga nasa hustong gulang ay maaari ring makuha ito.

Kung ang isang strep throat ay hindi ginamot sa isang tiyak na panahon, ang pasyente ay maaaring magkaroon ng rheumatic fever. Ang rheumatic fever ay maaaring mag-trigger sa katawan na atakehin ang sarili nitong mga tisyu, na hahantong sa isang malaganap na pamamaga. Ang rheumatic fever ay isang autoimmune disease, at maaaring makaapekto sa mga connective tissue sa puso, mga kasukasuan, balat, o utak.

Depende sa kalubhaan ng rheumatic fever, maaari rin itong magdulot ng pagkakapilat sa puso, na maaaring humantong sa pagkitid o pagtagas ng balbula ng puso. Mahalagang malaman ng mga tao ang tungkol sa mga sanhi ng rheumatic heart disease at mga risk factor para magawa ang mga kinakailangang pag-iingat upang maiwasan ang strep throat at rheumatic fever.

Mga Sanhi Ng Rheumatic Heart Disease: Sino Ang Nasa Panganib?

Ang pangunahing sanhi ng rheumatic heart disease ay rheumatic fever, na pangunahing sanhi ng strep throat. Gayunpaman, ang iba pang mga kadahilanan ay maaaring magpataas ng panganib ng rheumatic fever, na maaaring humantong sa rheumatic heart disease.

Mas karaniwan sa mga bata kaysa sa mga matatanda ang rheumatic fever.

Ang mga taong may mahinang immune system ay mas madaling kapitan ng rheumatic fever. Ang pinakamahina ay ang may::

  • Autoimmune disorder
  • HIV, AIDS o cancer
  • Nagkaroon ng organ transplant
  • Uminom ng gamot na pinipigilan ang kanilang mga cells upang labanan ang mga virus at bacteria
  • Paulit-ulit na ngkakaroon ng strep throat
  • Isang family history/genetics na nagiging mas madaling kapitan sa kanila. Mayroong ilang mga genes na maaaring magpapataas ng pagkakataon ng isang tao na magkaroon ng rheumatic fever.
  • May uri ng strep bacteria na maaaring magpataas ng panganib para sa rheumatic fever. Ipinapakita ng mga pag-aaral na ang ilang mga strain ay mas malamang na humantong sa rheumatic fever kaysa sa iba pang mga strain.

Ang iba’t-ibang panahon ay maaari ring makapagpataas ng posibilidad ng rheumatic fever. Ang partikular na bakterya na nagdudulot ng strep throat at rheumatic fever ay kadalasang umiikot sa panahon ng taglamig. Dahil ito ay lubos na nakakahawa, maaari itong lumaganp sa mga lugar na may mataas na dami ng tao.

Ang ilang mga kadahilanan sa kapaligiran ay itinuturing din na mga sanhi ng rheumatic heart disease. Ang mahinang sanitasyon at iba pang kondisyon ay maaaring magresulta sa pinabilis na paghahatid at pagkakalantad sa strep bacteria, na nagpapataas ng posibilidad na makahawa ito.

Mga Sanhi Ng Rheumatic Heart Disease: Mga Komplikasyon

Kung magkakaroon ka ng rheumatic fever at lumala ang iyong mga sintomas, maaari itong magdulot ng pangmatagalang komplikasyon sa medikal. Kabilang dito ang:

  • Mitral stenosis (pagsikip ng balbula ng mitral) at mitral regurgitation (pagluwag ng balbula ng mitral) ang pinakakaraniwang komplikasyon ng balbula sa puso ng rheumatic heart disease.
  • Ang rheumatic heart disease ay isang pangunahing komplikasyon na maaaring magdulot ng pinsala sa kalamnan ng puso. Ang pagkakaroon ng namamagang muscle ng puso ay maaaring makapgpahina at mabawasan ang kakayahan ng puso na mag-bomba ng dugo nang sapat. Ito’y maaaring humantong sa pagpalya ng puso.
  • Maaaring magdulot ng mga pamumuo ng dugo at mapataas ang iyong pagkakataong magkaroon ng stroke ang atrial fibrillation, isang uri ng arrhythmia (irregular heartbeat).

Sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga sanhi ng rheumatic heart disease, ang isang tao ay makakagawa ng mas mahusay na mga desisyon upang protektahan ang kanyang kalusugan.

Paggamot Sa Rheumatic Fever

Dahil ang rheumatic fever ay isa sa mga pangunahing sanhi ng rheumatic heart disease, ang iba’t ibang opsyon sa paggamot ay makakatulong na alisin ang natitirang group A strep bacteria.

Ang rheumatic fever ay ginagamot ng mga sumusunod:

  • Ang mga antibiotic ay isang pangunahing paggamot na inireseta ng mga doktor para sa mga na-diagnose na may strep throat. Para sa mga pasyenteng nasa mas kritikal na kondisyon, maaaring kailanganin nilang uminom ng mga antibiotic (prophylaxis) upang maiwasang mangyari muli ang impeksiyon. Sa ilang mga bihirang pagkakataon, maaaring kailanganin ng mga pasyente na kumuha ng panghabambuhay na gamutan ng antibiotic.
  • Ang mga anti-inflammatory na gamot ay isa pang panukalang inireseta ng mga doktor upang matugunan ang kondisyon. Ang ilang mga gamot sa pananakit ay gamot din sa pamamaga, tulad ng aspirin at naproxen. Sa ilang mga kaso, inirerekomenda din ng mga doktor ang paggamit ng corticosteroids upang mabawasan ang pamamaga.
  • Ang mga anticonvulsant na gamot o gamot na ginagamit upang maiwasan ang kombulsyon ay isa ring ginagamit para sa rheumatic fever. Dahil ang mga di-sinasadyang pagkilos o paggalaw ay isa ring sintoma nito. Maaaring kailanganin ng pasyente ang isang anticonvulsant kung lumala ang mga sintomas na ito.
  • Tulad ng lahat ng iba pang uri ng karamdaman at sakit, ang bed rest ay lubos na inirerekomenda. Ang mga pasyenteng na-diagnose na may rheumatic fever ay dapat magpahinga sa kama hanggang mawala ang lahat ng sintomas. Depende sa pinsala na naidulot sa puso, maaaring kailanganin ng pasyente na paghigpitan ang kanilang mga aktibidad.

Key Takeaways

Matapos maunawaan ang mga sanhi ng rheumatic heart disease, maaari mong gawin ang mga kinakailangang pag-iingat upang maiwasan ito. Upang mabawasan ang panganib sa komplikasyon, at upang maiwasan ang paglala ng strep throat, makipag-ugnayan sa iyong doktor. Humingi ng medikal na tulong kung ang mga sintomas ay hindi gumagaling pagkatapos ng 48 hanggang 72 oras.

Matuto pa tungkol sa Rheumatic Heart Disease dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Rheumatic Heart Disease https://stanfordhealthcare.org/medical-conditions/blood-heart-circulation/rheumatic-heart-disease/treatments.html, accessed April 10, 2020

Rheumatic fever and rheumatic heart disease https://www.who.int/cardiovascular_diseases/publications/trs923/en/, accessed April 10, 2020

Rheumatic Fever https://www.cdc.gov/groupastrep/diseases-public/rheumatic-fever.html, accessed April 10, 2020

AHA Guidelines on Prevention of Rheumatic Fever and Diagnosis and Treatment of Acute Streptococcal Pharyngitis https://www.aafp.org/afp/2010/0201/p346.html

Rheumatic Heart Disease https://www.heartandstroke.ca/heart/conditions/rheumatic-heart-disease

Kasalukuyang Version

11/20/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Paghinto ng Tibok ng Puso o Cardiac Arrest: Mga Dapat Mong Tandaan

Paninikip Ng Dibdib o Atake Sa Puso? Alamin Dito Ang Mga Sintomas


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement