Bakit inaatake sa puso ang tao? Kadalasang tanong ng bawat indibidwal. Dahil ang heart attack ang most dangerous type ng cardiovascular disease. Ayon sa World Health Organization (WHO), dahil sa atake sa puso at stroke. Ang sanhi ng 85% na pagkamatay na nauugnay sa cardiovascular disease noong 2016. Maraming tao ang natatakot sa atake sa puso. Sapagkat maaari silang mang-atake anumang oras, at pwede ilagay sa panganib ang buhay ng isang tao.
Ang atake sa puso ay tinatawag ding myocardial infarction. Isa itong medical emergency na nailalarawan sa pamamagitan ng pagbawas ng daloy ng dugo sa puso.
Bakit Inaatake Sa Puso?
Coronary Heart Disease
Bakit nangyayari ang mga atake sa puso? Ang isang pangunahing sanhi ng heart attack ay dahil sa kondisyong tinatawag na coronary heart disease.
Kilala rin bilang ischemic heart disease ang coronary heart disease. Isa itong kondisyon kung saan ang daloy ng oxygen-rich blood sa puso ay biglang nabawasan o naaabala/ natigill. Ang coronary heart disease ay pangunahing sanhi ng build-up ng plaque sa coronary arteries.
Makikita na ang plaque ay binubuo ng mga deposito ng kolesterol na pwedeng maging dahilan ng pagkipot ng mga ugat. Sinasabi rin na ang proseso ng pag-iipon ng plaque sa loob ng arteries ay tinatawag na atherosclerosis.
Maaaring ma-build up ang plaque sa paglipas ng mga taon sa arteries, at hindi kailangang magdulot kaagad ng mga problema sa kalusugan. Gayunpaman, sa panahon ng heart attack, ang plaque ay pwedeng masira ang surface ng arterya at mag-rupture. Ito ay nagiging sanhi ng ng mga namumuong dugo sa coronary arteries.
Bakit Inaatake sa Puso: Spasm Artery Coronary
Tinatawag din na vasospastic angina, variant angina, o Prinzmetal’s angina ang coronary artery spasm. Ito’y isang kondisyon kung saan ang isa sa coronary arteries ay nagko-constricts o spasms. Ang pulikat ay nagiging dahilan ng blood flow sa puso na nagiging disrupted. Kung ang artery spasm ay matagal, maaari itong magdulot ng atake sa puso.
Pwedeng mangyari ang coronary artery spasm sa sinuman. Ngunit kadalasan, nangyayari ito sa mga naninigarilyo. Kahit na ang mga eksperto ay hindi sigurado tungkol sa eksaktong dahilan ng coronary artery spasms. Narito ang iba pang posibleng dahilan:
- Droga, tulad ng cocaine.
- Ang pagiging exposed sa sobrang lamig na temperatura.
- Sumasailalim sa matinding stress o sakit.
Bakit Inaatake sa Puso: Myocardial Infarction na may Non-Obstructive Coronary Arteries (MINOCA)
Sa ilang napakabihirang kaso, ang atake sa puso ay pwedeng mangyari kahit na walang anumang mga bara sa arterya. Ito’y tinutukoy ng mga doktor bilang isang bagay na tinatawag na myocardial infarction na may non-obstructive coronary arteries (MINOCA).
Ang atake sa puso na sanhi ng MINOCA ay natagpuan na mas karaniwan sa mga mas bata, at mga babae. Ipinakita rin ng mga pag-aaral na ang mga dumaranas ng atake sa puso na dulot ng MINOCA — ang mas malamang na magkaroon ng alinman sa heart attack risk factors, tulad ng mataas na kolesterol o triglycerides levels.
Bagama’t mas maraming pag-aaral ang ginagawa para matukoy kung bakit nagkakaroon ng atake sa puso — kahit walang anumang mga clots o blockage. Nalaman ng mga eksperto na ang MINOCA ay maaaring sanhi ng mga sumusunod:
- Coronary Artery Spasm
- Microvascular Coronary Disease: Ang kondisyong ito ay nailalarawan sa pamamagitan ng pagbawas ng oxygen at daloy ng dugo sa puso. Dahil sa narrowing ng mas maliliit na sanga ng mga daluyan ng dugo na naka-link sa coronary arteries.
Bakit Inaatake sa Puso: Spontaneous Coronary Artery Dissection (SCAD)
Bakit nangyayari ang mga atake sa puso sa mga walang sintomas?
Sa ilang mga pagkakataon, ang mga bihirang kondisyon ay pwedeng humantong sa mga atake sa puso. Ang SCAD ay isang bihirang kondisyon. Nagaganap ito dahil sa pagkapunit sa isa sa mga daluyan ng dugo na matatagpuan sa puso. Itinuturing na isang medical emergency ang kondisyong ito. Dahil maaari itong maging nakamamatay sa ilang mga kaso.
Nanganganib ba akong magkaroon ng Atake sa Puso?
Ang risk factor ay tinukoy bilang isang uri ng behavior o kondisyon na nagpapataas ng panganib na magkaroon ng isang partikular na sakit. Sinasabi na ang risks factors ay maaaring mabuo sa tatlong kategorya, katulad: Non-modifiable risk factors na hindi mababago, kasama dito ang katangian o characteristics na taglay ng bawat tao sa pagsilang pa lamang. Narito ang mga sumusunod na non-modifiable risk factors ng heart attack:
Heredity
Ang mga taong may mga miyembro ng pamilya na dumanas ng atake sa puso sa nakaraan ay mas nanganganib na magkaroon ng heart attack. Katulad nito, kung ang isang tao sa’yong pamilya ay may kondisyon sa puso. Mas nasa panganib ka rin na magkaroon ng sakit at atake sa puso.
Edad
Karaniwan, ang atake sa puso ay nagaganap sa mga taong mas matanda sa 65 taong gulang. Ang mga lalaki na mas matanda sa 45 — at mga babae sa edad na 55 ay mas nasa panganib na magkaroon ng atake sa puso.
Kasama sa Modifiable Risk Factors ang behaviors o kondisyon na maaari pa ring baguhin. Kabilang ang mga sumusunod:
Paninigarilyo
Ang mga kemikal na matatagpuan sa mga sigarilyo ay maaaring magpataas ng panganib ng isang tao sa ilang mga sakit. Kabilang ang coronary heart disease na pwedeng humantong sa atake sa puso.
Maging ang pagkakalantad sa secondhand smoke ay pwede ring magpataas ng panganib ng isang tao na magkaroon ng atake sa puso.
Mas mataas kaysa sa normal na lebel ng triglyceride
Ang pagkakaroon ng sobrang bad cholesterol o low-density lipoprotein (LDL) cholesterol sa iyong daluyan ng dugo ay pwedeng mag-ambag sa pagpapaliit ng mga daluyan ng dugo. Pwede nitong bawasan ang suplay ng dugo sa puso.
- Diabetes: Ang mga dumaranas ng diabetes ay nanganganib din na atakihin sa puso. Maaaring dahil sa kakulangan ng kemikal na tinatawag na “insulin” na ginawa ng pancreas.
- Obesity: Isa sa mga pangunahing sanhi ng iba’t ibang sakit ang sobrang katabaan, kabilang ang diabetes at hypertension. Ito ay parehong nakaugnay sa mas mataas na panganib ng atake sa puso.
- Hindi sapat na ehersisyo: Ang ehersisyo ay isang paraan na pwedeng mong gawin para mapababa ang iyong panganib ng iba’t ibang sa cardiovascular disease. Kaya dapat siguraduhin na sapat at tama ang iyong ehersisyo. Dahil pwede itong magpababa ng mga pagkakataong magkaroon ng atake sa puso.
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa mga atake sa puso dito.